CHAPTER 18: FAREWELL

459 5 0
                                    

Recca's POV

I wake up in the morning, do my daily rituals and agad na lumabas sa room. Dadaan ako sa may kwarto ni Zach at napatigil ako.

May naguudyok sakin na silipin sya kaya ginawa ko. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at bwisit bubuksan nya din pala yung pinto. Nadala ako sa pagbukas nya so I found myself na salo nya, like hawak nya yung bewang ko, ballroom ang peg lol.
"Recca"

"Bi-bi...tawan mo ko" nauutal kong sagot. Binitawan nya naman ako agad.

"May sakit ka ba? Parang namumula ka" nung sinabi nya yun, tinakpan ko yung mukha ko sa hiya.

"Huh? Wala to. Sige, alis na ko" and I rushed na bumalik sa kwarto ko.

On my way to school.

Tulala akong naglalakad papuntang school. Iniisip ko yung kahihiyan ko kanina. Parang gusto ko ng lumubog sa lupa.

"Aish, bat ba naiisip ko na naman sya! Waaaah"

"Sino?" nagulat ako sa pagsulpot ni Ash.

"Huh?" sagot ko.

"Ang weird mo ngayon, nagkakagusto ka na ba sa isang tao? Haha. Share naman"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Sabi mo kase iniisip mo na naman sya, it means palagi syang tumatakbo sa isip mo" ngiti nya.

"Ganun ba yun?"

"Oo. Isa yun sa signs, tapos kapag namumula ka sa harap nya, kapag nahihiya ka kapag papalapit, yung tipong gusto mong magtago kapag andyan na sya at palagi syang hinahanap-hanap ng mata mo. Tapos kapag naiinis ka pag may nalilink sa kanyang ibang babae. Nararanasan mo ba yun?"

"HINDI! HINDI KAHIT KAILAN!" and I walked out.

"Yah, Recca! Binibiro lang naman kita"

Ha.. Ako? May gusto kay Zach? No way.

Corridor.

Makakasalubong ko si Zach sa daan.

"Recca" kaway nya habang nakangiti.

Lumalapit sya sakin, jusko yung puso ko parang gustong kumawala sa sobrang kabog. Kaya ayun, bumalik ako at nagtago.

"Yah! Recca, Recca" tawag nya sana wag na syang pumunta dito.
"Hoy Zach, magsisimula na ang klase tara na" yaya ni Grey.

"Pero teka si Recca"

"Hindi ka din naman nya nakita ehh"

"Ganun ba? Sige, tara na"

At umalis din sila.

"Hays, salamat" nasabi ko.

"Anong hays salamat?" bumungad sa harap ko si Zach, he's getting closer. Potek.

"Lu.. Lumayo ka nga" utal pa Recca.

"Iniiwasan mo ba ko?" tanong nya.

"Ha? Bakit naman kita iiwasan? Sige na" umalis na ko

"May nagawa ba ko?" napatigil ako sa sinabi nya pero hindi ko sya pinansin.

Nababaliw na talaga ko, ano nga bang ginawa nya para umiwas ako ng ganito. Aish.

Bahay.

Medyo hinihintay ko si Zach sa labas, oh diba nababaliw na talaga ko.  Waaaaah. Ayoko din naman talaga tong gawin ehh seryoso pero kase ano may nagtutulak sakin. Arrrgh. Gusto ko lang naman malaman kung uuwi pa ba sya lol.

I'm No AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon