Zach's POV
Umalis ako sa bahay na hindi nakikita si Recca, tulog pa siguro kakaiyak. Baka nga pag wala si Mama hindi na tumigil yun. Kailangan nya muna ng break kaya hahayaan ko na muna sya.
Room.
Hindi ako sanay na hindi nakikita si Recca sa apat na sulok ng kwartong ito. Hays.
"Everyone, good morning" -Maam
"Goodmorning po, Maam" - the rest of them.
"The result is out for your last exam. And the good news is lahat kayo nakapasa"
"Yess! Waaaaahh!" pagpupugay nila.
"So I'll be giving individually yung mga test papers nyo, okay Zach, Zach Shin, Nigel Choi, Nigel. Zach! Nigel!"
I found myself na nakatitig sa upuan ni Recca then kinulbit ako nung nasa likod ko.
"Tawag ka sa unahan"
"Ha? Ako?" at tumango sya.
Pumunta naman agad ako sa unahan. At kasabay ko pa pala si Nigel psh.
"Zach, Nigel next time please maging focus naman kayo. Okay?"
"Opo, sorry po" -Nigel
And ako tumango nalang. Sinundan ko ng tingin si Nigel at pagkaupo na pagkaupo nya tumitig agad sya sa upuan ni Recca. Napansin nya ko kaya umiwas ako ng tingin.
--
Max's POV
"I only have two papers here and I'm really proud to say na isa sa kanila ay naperfect ang exam" -Maam
"Woah, sino kaya yun?"
"Ang hirap kaya ng test tas naperfect nya? Ibang klase" bulungan nila."May hula na ba kayo?" Mam asked.
"Si Max yan sya lang naman lagi ang highest sa klase ehh" sabi ng isa kong classmate.
"Hindi naman" sagot ko.
"Sus, ikaw yan, sino pa ba?" entra ni Bree.
Natutuwa ako sa mga sinasabi nila.
"Congratulations..... tantanan.... Recca Jung!"
"Ha?"
"Seryoso?"
"Matalino pala sya" bulungan nila. Lahat nashock maging ako."So wala si Recca today pero let's congratulate her"
Pumalakpak lahat. Like everyone is agreeing.
"Max, okay lang yan. You're still the second highest. Congratulations" ngiti ni Maam.
Nadisappoint ako. Sino namang hindi, nagassume na din kase ko. Feeling ko nga fake smile yung ginawa ko sa unahan.
"Hindi na ko magugulat kung one day Recca will take over sa lahat ng tinatamasa mo ngayon, even Nigel. Kaya nga sinasabi ko na na hindi magandang ideya ang makipagkaibigan sa kanya" bulong sakin ni Steph.
"Sinusubukan mo ba kaming pagawayin ni Recca?" tanong ko.
"I'm just telling the truth" she answered.
Uwian.
"Max" paglingon ko it's Nigel.
"Nigel" lumawak ang ngiti ko dahil ngayon na lang nya ko halos inapproach.
"Hindi ka naman siguro galit na nataasan ka ni Recca diba?" nagulat ako sa tanong nya.
"Ha? Hindi noh. Alam kong deserve ni Recca yun at saka mukhang nagaral naman talaga sya. Hindi din naman magandang highest ako lagi diba? Haha"
BINABASA MO ANG
I'm No Angel
ActionStory of first loves. Story of love not only for opposite sex but love for all.