Zach's POV
Labag man sa loob nila Lola at Papa ang pagbalik ko sa Korea, hindi ako nagpapigil. Dahil ngayon naisip ko nang ipaglaban ang gusto ko. Maya-maya'y nagring ang phone ko.
"Asan ka na?" sigaw ni Grey.
"Wag mo nga kong sigawan. Papunta na. Naglalakad na ohh" nagsasalita ako nang masagi ng motor ang isang batang sa tabi ko, humarurot paalis ang nagmomotor at umiiyak ang bata. Nakatanga lang ako sa nangyari hanggang sa lumapit sakin yung bata na umiiyak.
"Hala, bata bat ka umiiyak?" patuloy lang sya sa pagiyak.
"Hays. Pano ka ba mapapatahan ahh." maya-maya'y may babaeng dumating.
"Ano bang ginagawa mo? Bat mo ba sya sinisigawan? Bata ayos ka lang ba?" sumbat nung babae sakin.
"A...ako? Sumisigaw? At saka parang teka nga ako ba yung sinisisi mo sa nangyari sa kanya?"
"Bakit hindi ba?" walang pag-aalinlangan nyang sinabi.
"Wala akong kinalaman sa nangyari sa kanya para malaman mo lang haa." nagsasalita pa ko pero ayun naglalakad na palayo yung babae kasama yung ata. Grabe talaga. Aish. Nasipa ko nalang yung lata sa tapat ko sa inis.
--
Recca's POV
Ang mga tao nga naman ngayon.
"Ano bata? May masakit ba sayo?" pinunasan ko ang luha nya.
"Dadalhin ka ni ate sa clinic ahh, wag mo nalang pansinin yang dahilan ng pag-iyak mo nakakainis lang makinig sa mga palusot ng lalaking yun. Aish. Osya tara na" ngumiti ako sa kanya at naglakad na kami pareho habang nagsasalita pa sya.
Matapos sa clinic ay inihatid ko ang bata sa mga magulang nya at nagtungo sa foundation center kung nasaan si Kirah na dalawang taon ko na ding tinutukan. Nakilala ko sya sa ampunan pero nandito sya ngayon dahil may sakit syang hindi maipaliwanag, nakwento nya sakin na may may magulang sya pero emosyonal sya kapag nakukwento nya kaya hindi ko na din inalam kung anong dahilan kung bakit sya nasa ampunan. Kung iniisip nyong nagstay ako sa ampunan, nagkakamali kayo dahil nandun ako para magvolunteer na tutukan ang mga bata. Simula ng aksidente ko siya (ang tumatayong nanay ko) na ang nag-alaga kahit na pinapalayo ko sya sa akin noon at kahit kailan hindi nya naisip na ipaampon ako o ipaubaya sa iba bagkus sya mismo ang nag-alaga sakin.
Sinisilip ko sya sa may pintuan, nagbabasa sya.
"Ate Recca" napansin nya ko.
"Kamusta? May masakit ba? Wala naman bang naging problema?" nakatitig lang sya sakin na nakapagtataka, ilang minuto ding naging tahimik ang paligid.
"Namiss kita" at parehas kaming nagtawanan.
--
First day of school.
Recca's POV
"Ang aga nyong nagising, ako sana ang maghahanda ng umagahan." naghahanda si Mama ng umagahan.
"Bakit? Sino ba ang nanay? Ikaw ba?" tumawa sya.
"Pero gusto ko" nginitian nya ko.
"Aish, masyado talagang matigas ang ulo ng batang ito, kumain na tayo para makapasok, first day mo sa bago mong school baka malate ka pa nyan ehh." ginulo nya ang buhok ko at pinaupo ako.
School.
Tinititigan ko ang bagong school na papasukan ko at ibang-iba ito sa school na pinasukan ko noon. Hindi ko inaasahan na ganto sya kalaki. Whoo. Kinakabahan ata akong pumasok dito.
BINABASA MO ANG
I'm No Angel
ActionStory of first loves. Story of love not only for opposite sex but love for all.