CHAPTER 20: KISSEU

499 8 0
                                    

Zach's POV

Nakauwi na kami sa bahay at pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Mama.

"Welcome back!" ngiti ni Mama. Ano naman kayang meron?

Niyakap nya kaming dalawa ni Recca at mangiyak-ngiyak sya.

"Salamat at lumabas ka na ng kwarto. Salamat at bumalik na ang dating Recca. Hindi ko alam na mas naging close na pala ngayon ni Zach ngayon, Salamat Zach" ngumiti kami ni Recca kay Mama.

"Hays, tama na ang drama Mama, kumain na tayo. Marami ata kayong niluto" sabi ko at nagpunas naman ng luha si Mama.

"Oo naman. Para to sa inyo kaya tara na" natutuwang sabi ni Mama.

FF.

Nakita ko si Recca sa labas ng bahay at nilapitan sya.

"Bakit ka pa nasa labas?" tanong ko.

"Tinitingnan ko si Kirah sa mga bituin" sagot nya.

"Ah, kung ganon sasamahan na kita"

"Ha?"

"Ayaw mo ba? Kahit ayaw mo sasamahan padin kita" I smiled.

"Mukhang mahal nyo talaga ang isa't-isa ni Mama, parang tunay na talaga kayong magina" dagdag ko.

"Napakabait ng Mama mo para kupkupin ang isang tulad ko, hindi ko talaga sya gusto noon o siguro ayoko lang maging pabigat sa kanya kaya naman tinataboy ko sya. Napapaaway ako noon lagi at sya lagi ang nagtatanggol at pumoprotekta sakin kaya nga ayun naramdaman kong may pagmamahal sya para sakin at sumama na ko sa kanya. May isang beses pa nga na -------"

Napatigil sya.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Ahm, mukhang marami na kong nasabi inaantok na ko sige bukas nalang" bigla syang tumayo at pagkastep nya natalapid sya kaya naout of balance sya and buti nalang nahawakan ko sya.

--

Recca's POV

"Napakabait ng Mama mo para kupkupin ang isang tulad ko, hindi ko talaga sya gusto noon o siguro ayoko lang maging pabigat sa kanya kaya naman tinataboy ko sya. Napapaaway ako noon lagi at sya lagi ang nagtatanggol at pumoprotekta sakin kaya nga ayun naramdaman kong may pagmamahal sya para sakin at sumama na ko sa kanya. May isang beses pa nga na -------"

Focus sya sa kwento ko at the same time nakatingin sya sakin kaya naiilang ako na kinakabahan.

"Anong nangyari?" tanong nya. 

"Ahm, mukhang marami na kong nasabi inaantok na ko sige bukas nalang" pagstep ko naman natalapid ako at ayun nasagip ako ni Zach. Tinitingnan ko sya. Tinitingnan nya ko. Yung puso ko sasabog na ata. Pwede bang tumigil ang oras ngayon?

"Recca?" at natauhan ako kaya umalis nalang doon agad.

On my room.

Hawak ko ang dibdib ko. Kinakabahan ako pero napapangiti din naman ako. Naiimagine ko na naman yung scene na hawak nya ako. Kyaaaah. Ay jok hindi ako kinikilig. Hindi. Hindi. Hindi. Hihi.

Kinabukasan.

Pumunta kami nila Mama kung nasan si Kirah, I mean yung ash nya.

Nilagay ni Mama ang bulaklak.

"Mama, pupuntahan ko muna si Reese" paalam ni Zach.

Reese? Babae? Kaano-ano nya yun? Bakit dito pa talaga sila magkikita? Arrggh.

I'm No AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon