CHAPTER 25: PLEASE BELIEVE

406 7 0
                                    

Recca's POV

"A... Ano bang ginagawa nyo?" pagpasok ni Manang.

Nagulat ako sa pagpasok ni Manang, baka kung anong isipin nya kase nakaakto akong sasaktan si Zach. Pero mas nagulat ako nung hinigit ako ni Zach at saluhin nya.

"Ganito lang po kaming maglambing sa isa't-isa Manang" paliwanag ni Zach.

"Ah naku pasensya na, naabala ko pa ata kayong mag-asawa"

"Naku hindi po, wala po yun"

"Nga pala, eto ang pagkain paniguradong gutom na kayo, ang pamalit nandyan lang ha"

"Salamat po Manang" - Zach

I'm frozen. Ngayong super magkadikit kami ni Zach, di ko alam kung bakit parang naestatwa ako sa pwesto ko. Nakaalis na lahat lahat si Manang pero I'm still frozen.

"Recca, gusto mo ba talagang ganito na lang tayo matulog ngayong gabi, okay lang naman" natauhan ako sa sinabi ni Zach.

I walked out at lumabas.

Labas.

Pinapaypayan ko ang sarili ko kase medyo umiinit na, ang pakiramdam ko. Pft.

"Mainit ba? Anlamig lamig kaya" hays Zach.

"Seryoso ba talagang sa iisang kwarto tayo matutulog?" biglang tanong ko para di na maissue yung kahihiyan ko lol.

"Hm. Oo. Mabuti na din yun tutal hindi naman pwedeng nakabukas ang pinto mo sa ganito"

"Hindi naman ako inaatake kapag nakatulog akong nakabukas ang pinto"

"Yun na nga babantayan kita para makatulog ka or matulog ka na nasa loob tayo, nakakatulog ka naman kapag may kasama ka kahit sarado na ang pinto diba? As long na alam mong safe ka, baka naman sabihin mo pa na hindi mo nararamdamang safe ka pag ako ang kasama mo eh nakatulog ka nga na ako ang kasama mo nung inatake ka"

"Bakit mo ba ko inuunahan? At saka ano babantayan mo ko? Sino ba ko para sayo para bantayan mo para lang makatulog?" naging seryoso ang mukha nya sa tanong ko.

"Gusto mo ba talagang malaman? Mukhang hindi ka rin naman maniniwala kaya bakit pa" problema neto ang seryoso masyado pft.

"Oo na, oo na, magkapatid nga pala tayo, diba kuya" my answer in a sarcastic way.

"Kahit minsan di kita tinuring na kapatid" kumunot ang noo ko sa sinabi nya, feeling ko paiyak na ko sa sinabi nya kase naman ibig nya palang sabihin wala talaga syang pake sakin ganun?

"Kase gusto kita. Recca, gusto kita, simula palang nung first meeting natin gusto na kita" pinunasan ko muna ang papatak ko ng luha bago sumagot sa kanya.

"Hindi ito ang panahon para magbiro Zach, nawawala na nga tayo eh" sagot ko.

Paalis na ko nang hinigit nya ko at niyakap. Nagpumiglas ako pero hindi nya ko hinayaang makawala.

"Tinanong mo sakin noon kung may gusto ba ko sayo, ngayon sinagot ko na pero sinabi mo din noon na ni katiting wala kang interes sa tulad ko, pinigilan ko naman pero sadyang hindi ko kaya"

"Yah, Zach"

"Don't ask me to forget you, dahil di ko gagawin at saka ni hindi ka pa nga naniniwala sa feelings ko. Basta, kahit di mo din ako magustuhan gusto kong maniwala ka muna sa feelings ko bago tayo tuluyang maging legal na magkapatid"

After nyang sabihin yun, binitawan nya na ko at kumaripas ng takbo palayo. Ano yun, matapos nya kong gawing tanga dito lalayasan nya ko aish. Pero natutuwa ba ko na nagconfess sya? --- ay hindi, hindi pala. I need to refrain myself. Pero ano pa bang papatunayan nya kung may feelings na din ako para sa kanya.

--

Zach's POV

Hingal na hingal akong bumalik sa bahay. Waahh, Zach, nagawa mo ba talagang umamin kanina lang? Hays, bakit all of a sudden nagconfess ako baka mamaya iwasan nya pa ko eh. Aish.

Ayun na nga, bumalik na din sya, nagkatitigan kami pero dumiretso lang sya, eto na nga ba ang sinasabi ko, iniiwasan nya na ko.

"Yah, Recca, a-alam mong mahirap yung ginawa kong pag-amin tapos iiwasan mo lang ako, hindi ko naman hinihinging magkafeelings ka din for me" napatigil sya sa sinabi ko.

--

Recca's POV

"Yah, Recca, a-alam mong mahirap yung ginawa kong pag-amin tapos iiwasan mo lang ako, hindi ko naman hinihinging magkafeelings ka din for me" tumigil ako nung mgsalita sya

"Hindi mo na kailangang hingin dahil may feelings na naman ako para sayo" bulong ko.

"Ano?" he asked.

"Wala, at saka anong iniiwasan? Matutulog na kaya ako, dyan ka na" paliwanag ko pero umiiwas din naman talaga ako.

"Ah ganun ba? Nga pala, alam kong hindi ako ang tipo mo kaya wag mo nalang masyadong isipin yung nangyari kanina"

"Pano mo naman nasabi na hindi ikaw ang tipo ko?"

"Sa pakikitungo mo palang noh, teka nga sinasabi mo bang ti--"

"Hindi noh! Hindi!" and I escaped.

Nakita ko yung ngiti nya, binigyan ko ba sya ng false hope? Aish, mas masasaktan ko lang sya sa ginagawa ko pero hindi rin naman sagot ang pag-iwas. Waaaaah, eotteokhae.

FF.

Pagod ako, pero hindi padin ako makatulog at saka hindi ko mapigilang ngumiti sa nangyari kanina lol. Nasa labas si Zach kaya hindi ko magawang magtatalon tulad noon, kaya nagtalakbong nalang ako ng kumot para hindi nya mahalatang abot langit ang ngiti ko dahil sa confession nya.


---

It's a short ud after a month of ud. May pasok na kase kaya ayun lol. What are your thoughts for this chap? Please vote and comment.

I'm No AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon