CHAPTER 35: SHOULD'VE KNOWN BETTER

206 1 0
                                    

Recca's POV

Hindi ko alam ang mararamdaman sa sinabi nya. At kung ano pa ang dapat kong paniwalaan sa mga sinabi nya, pero baka nga inaasar nya lang ako.

--

Max's POV

"Nahawa ka na ba sa mga kaibigan mo kaya ka nagkakaganyan? Akala ko pa naman matino ka at iba ka sa kanila. Gusto mong makarinig ng sikreto? Boyfriend ko si Zach"

Alam ko ang relasyon nila, pero nagulat pdin ako nang sabihin nya. At nasaktan ako sa part ni Nigel. Kaya naman di nko nakapagpigil...

"Hahahaha. Ano? Yah. Pano mangyayari yun eh engaged kaming dalwa sa isa't-isa"

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. Nagsisi naman ako sa mga sinambit ko.

"Gulat ka ba? Syempre joke lang yon" at iniwan ko syang nagaalalang baka nga talagang maniwala sya sa sinabi ko. Hays Max.

Nakasalubong ko naman si Steph.

"May plano ako para talagang mapatalsik na sa school yang si Recca" bulong nya.

"Teka, kailangan bang umabot pa tayo sa ganyan? Nakakaawa naman yung tao" sagot ko.

"Mas maawa ka sa sarili mo, pag naagaw na nya sayo ang lahat. Kaya dapat ngayon gumagawa na tayo ng aksyon para mawala na sya sa landas natin" napaisip ako sa sinabi nya.

"Tutulungan kita kaya sabihin molang kung kelan mo balak makicooperate" and she left.

Ngayon palang guilty nako sa gagawin namin. Wala namang ginagawang masama si Recca para gawin samin yon.

"He..Hello po, kaibigan po ba kayo ni Sir Nigel?" may babaeng lumapit saken.

"Ah opo"

"Kung ganyan ka kaganda, baka nga ikaw na yun" ngiti nya.

"Po?" tanong ko.

"May sakit kase sya eh..." nanlaki mata ko sa sinabi nya.

"Talaga po? Sige po sasama ako sa inyo" agad kong sabi.

--

Recca's POV

Iniisip ko padin ang sinabi ni Max. Nakita ko si Zach pero nagtago ako dahil di ko parin talaga maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Max.

"Ms. Recca?" someone approached me.

"Ako nga po" I answered.

"Pasensya na po sa abala. Ako nga po pala ang tagapagalaga ni Sir Nigel" tama nakikita ko nga syang kasama ni Nigel.

"May sakit po kase sya, eh naisip ko pong baka mas bumuti ang lagay nya kapag nakita kayo" nagtaka ako sa sinabi nya.

"Po?" nagtaka ako sa sinabi nya.

"Ang ibig ko pong sabihin eh baka nais nyo syang makita hehe" sagot nya.

"Ah sige po. Kamusta na po sya?" at kami ay dumiretso na sa ka nila.

--

Max's POV

Nigel's house.

Umakyat ako sa taas tulad ng sinabi ng katulong nila Nigel. Nakita ko na ang kwarto nya, at doon sya ay nakahiga. Nakita ko syang pawis na pawis kaya naman agad akong lumapit sa kanya.

Hinipo ko ang noo nya, at napakataas ng kanyang lagnat. Maya maya'y hinawakan nya ang kamay ko. Mukhang nagalit ata sya. Pero...

Niyakap nya ko.... Di ko alam ang gagawin, di ko makagalaw sa higpit ng yakap nya. Kabado ako. Eto ang unang beses na ang lapit lapit ko sa kanya. Sumaya ang puso ko sa ginawa nya ngunit..

"Recca" narinig kong sabi nya, at parang dinurog ang puso ko.

Hanggang sa tuluyan na syang nagising at bigla syang kumalas at bumangon.

"M..Max?" gulat nya.

--

Recca's POV

Nakarating nako sa bahay nila Nigel at wah ang laki ng bahay nila. Mukhang yayamanin naman pala tong isang to. Pero walang bahid sa kanya.

"Pwede ka ng tumaas Ms. Recca" sabi sakin ni Manong, ah mali Sir pla.

"Recca? Sya yung Recca?" tanong ng isang babae na mukhang kasambahay nila.

"Oo" sagot ni Manong.

"Patay, sino yung sinama ko dito" nagtaka ako sa sinabi nya, at umakyat ako para malaman.

Nakita ko si Max na tumatakbo paalis sa isang kwarto. Nakita nya ko, pero mas lalo nya lang binilisan ang takbo nya.

Agad akong dumiretso sa kwarto na inalisan, at nandoon si Nigel.

"Nigel, anong nangyari" I asked him.

"Ah, kase" he murmured.

--

Max's POV

M..Max?" gulat nya.

"Ah eh, pasensya na" he added.

Nasaktan ako sa sinabi nya.

"Okay lang, sige alis nako"

"T..Teka" pero umalis na din naman ako.

Nakita ko si Recca na mukhang gulat na makita ako doon. Tama, sya naman talaga ang kailangan ni Nigel kaya naman aalis nalang ako.

"Ano bang meron? Bakit ba bukambibig ni Sir Nigel yung Recca kahit ngayong natutulog sya" tanong nung babae kanina.

"Kaya nga nagkasakit yon ngayon, dahil siguro broken. Hays napakadalang nyang magkasakit pero nakakapagtaka ngayon.." sagot nung lalaki.

Napatigil sila nung makita ako.

"Ma..Maam" tawag sakin nung babae.

"Ah sige po alis nako. Salamat po" at tuluyan na nga akong umalis don.

--

Nigel's POV

Hindi ko maipaliwanag kay Recca ang nangyari.

"Kung ano man ang nangyari sainyo, kausapin mo ulit sya" Recca's words comforts me and I smiled.

"Humiga ka na ulit. Bakit ka ba nagkasakit"
she asked.

"Ha? Ah, ewan ko hehe" I answered.

"Ikaw? Pano mo nalaman? At bakit ka nandito?"

"Ah sinabi saken ni Manong, ah sir pala"

"Ano?!" baka kung anong sinabi nya kay Recca.

"Ano bang masama dun? Eto nga lang ang magagawa ko sa lahat ng tulong mo, kaya humiga ka na dyan ulit at magluluto lang ako" nahiya ako sa sinabi nya.

"Teka, hindi mo naman yun kailangang gawain"

"Di ako inutusan, I volunteered" sagot nya.

"Pero" pigil ko.

"Gusto mo bang mabedridden ng ilan pang araw" ang awra nya na naman.

"Sabi ko nga eh" I still have a bad feeling about this.


---

Hello to all. Sorry ngayon lang, short update muna since nangangapa pa ko ulit sa story. Sana magustuhan nyo and leave a comment nadin. Thankyouuu ❤️

I'm No AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon