CHAPTER 4: A GANGSTER BEHAVIOR

1K 8 0
                                    

Recca's POV

Nagtatago ako sa may halamanan dito sa dati kong tinitirhan, mukhang wala pading rumerenta dito. Gusto kong magpaalam kay Mr. Milky Man  kaya ako nagtatago ngayon, alam ko kaseng ayaw nyang magpapakilala pero ayos lang naman magpapaalam lang naman ako na hindi na ko nakatira dito. Nakalimutan ko na kase sya. Sa totoo lang taon nya na ding ginagawa na dalhan ako nang gatas minsan nga may pera pa pero hindi ko alam kung bakit nya iyon ginagawa tsaka bakit ayaw nyang magpakilala.

"Ang tagal naman nya, dapat nandito na sya ahh, omo, ayan na sya" at dali-dali akong nagtago na ulit.

"Huh? Sumisilip sya sa may pintuan. Okey, pagkakataon ko na" dahan-dahan akong lumapit.

"Mr. Milky Man" nataranta sya at biglang tumakbo, halata naman dahil nadapa pa sya.

"Teka, magpapaalam lang naman ako ee, mukhang wala na talaga sya"

Sa bahay.

"Oh? Recca? Ang aga naman ng jogging mo" bungad ni Mama.

"Ah, opo" sagot ko naman.

"Kumain ka na dali" yaya nya habang naghahanda ng almusal.

--

Zach's POV

"Zach" naglalakad ako sa corridor ng may tumawag sa pangalan ko.

"Maxine?" hindi ko alam kung tama ba ang pangalan na nasabi ko, hindi ko kase sya masyadong maalala.

"Tama, buti naman naaalala mo pa, balita ko kase hindi mo nakilala si Steph" ngumiti naman sya pagkatapos.

"Ah. Oo" matipid kong sagot.

"Alam ko bang matunog ang pagbabalik mo, nga pala pag may kailangan ka sabihan mo lang ako, ako din kase ang class president, sige mauna na ko" pagpapaalam nya.

"Sige" at tumango ako.

Bigla namang dumating si Grey at inakbayan ako.

"Oh? Bat mo kausap si Max?" usisa nya.

"Wala" at tinanggal ko ang kamay nya.

"Oohh, si Recca. Hi Recca" pero hindi man lang sya tumingin samin kahit kay Grey.

"Suplada? Haha" nasabi nalang ni Grey.

"Wag mo na nga lang syang pansinin, tara na" yaya ko kay Grey.

--

Max's POV

"Teka, Max, talaga bang kausap mo si Zach kanina lang?" halatang gustong malaman ni Steph.

"Wag kang mag-isip ng masama, gusto ko lang syang iaccommodate sa school at sa klase, I'm the president? Right?" ngumiti naman ako.

"Dapat ako nalang ang gumawa nun" nalungkot pa sya. Haha.

"Wag kang mag-alala di ko sya aagawin. Hays. Bakit sya pa ang nagustuhan mo? Ni hindi ka nya pinapansin kahit noon" napasimangot naman sya.

"Pasensya na. Hindi ko naman sinasabi na dapat kang sumuko, nagtataka lang ako" mukhang magsasalita na sya.

"Iba sya, siguro nga may pagkabad boy sya dahil nagawa nya pa nga kong itulak noon pero sinasabi ko sayo iba, nakakapagtaka nga na hindi ka nagkagusto sa kanya samantalang kayo lagi ang magkasama, kayong dalwa lagi ang magkapareha" sagot nya naman.

"Ahh, ewan ko" pag-aalinlangan ko.

"Siguro may nagugustuhan ka na? Huh? Oh ano? Sino?" biglang nabaling sakin ang usapan.

I'm No AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon