CHAPTER 2: AFTER A YEAR

1.7K 16 0
                                    

Recca's POV

"Mukhang mapapagod tayo today Rex, anniversary ngayon ng cafe, pero balita ko may sikat na banda daw mamayang iguguest si Sir Ron. Waaaahh" ramdam ko ang excitement kay Ash. 

"Oh, edi kung ganun magtrabaho na tayo" napasimangot sya pero gumawa na din ng mga gawain.

--

Nigel's POV

"Hmm?"

"May gig tayo mamaya. Bawal malate, isesend ko nalang sayo yung address." pagpapaalala ni Kyle.

"Pwede bang icancel nyo muna, tingin ko kase eto na ang tamang panahon." napangiti akong nakatingin sa isang cafe.

"Anong tamang panahon ba yang sinasabi mo?" usisa ni Kyle.

"Ahh, kase gusto ko nang magpakilala sa kanya." nahihiya kong sagot.

"Babae ba yan? Teka, kelan ka pa nagkagusto sa babae huh? Kailangan mo ba talagang ipagpaliban ang gig para sa kanya? Hay, iba ka na talaga Nigel Choi." at tumawa sya. Maya-maya ay parang napansin kong may kaguluhan sa loob ng cafe, nakita ko syang napaupo at napasandal sa gilid dahil tinulak sya ng isang lalaki kaya naman dali-dali akong pumasok sa loob.

--

Recca's POV

"Ayoko ngang sumama sayo!" ang sigaw ng babaeng ito habang umiiyak ang naging dahilan upang mapunta sa kanila ang lahat ng atensyon ng mga tao. Lumapit ako sa kanila.

"May problema po ba Sir?" malumanay kong tanong.

"Wala. Kaya pwede ba walang makikialam." hinihigit nya ang babae at nakikita kong nasasaktan na ito.

"Pero sir, nakakaistorbo na po kase tayo sa ibang costumer" hinawakan ko sya pero hindi ko inaasahan na itutulak nya ko na naging dahilan ng pagupo at pagsandal ko sa gilid. Nawalan na ko ng pasensya at tumayo ako. May lumapit sa aking isang binatang lalaki "Ayos ka lang ba?" tanong nya sa akin, hindi ko sya pinansin at naglakad patungo dun sa lalaki.

"Pinilit kong maging mahinahon, pero ngayon puno na ko." pinilipit ko ang braso ng lalaki at sumigaw sya sa sakit.

"Ano? Manggugulo ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na" takot na takot syang umalis sa cafe sumunod din naman yung babae.

"Ayos ka lang ba Rex? Grabe ang galing mo" nagsasalita si Ash pero di ko na masyadong naririnig dahil dun sa binatang ramdam kong kanina pang nakatingin.

"Ang strange" nasambit ko.

"Huh? Anong strange" - Ash

--

Nigel's POV

"Nakalimutan kong may pagkagangster nga pala sya." napangiti nalang ako sa sinabi ko.

--

Ash's POV

"Ano ba naman yan, hindi pa sila makakarating, kainis."

"Sino?" napahawak ako sa puso ko dahil kay Rex.

"Nakakagulat ka naman, yung banda kaseng dapat magpeperform ngayon, hindi daw makakadating, asang-asa pa naman akong makakita ng mga gwapo tonight. Hays" maya-maya'y dumating si Sir Ron.

"Mukhang magkakaroon talaga tayo ng problema, dahil yung vocalist nila ay nagback-out. Dapat mas maagang sinabi para hindi tayo namomroblema ngayon" reklamo ni Sir Ron.

Nakaisip naman ako ng magandang ideya na kung magpepresenta ako na ako ang magpeperform. Panigurado sisikat ako. Nanginginang ang mga mata ko sa naiisip kong hnaggang sa maputol ito gawa ni Rex.

"Ako nalang ang magpeperform" kaming dalawa ni Sir Ron ay nagulat sa sinabi ni Rex.

"Rex, hindi mo ito kailangang gawin, alam mo pwede naman kasing.... "

"Osge" naputol ang sasabihin ko sa pagpayag ni Sir Ron.

"Huh? Pero anong gagawin mo sa stage Rex? Di pa kita nakitang kumanta o sumayaw?" sabi ko naman.

"Bakit? Ayaw mo ba?" ayan na naman sya nakakatakot. Lol. At tumungo sa may likod.

"Syempre hindi. Haha. Sige po Sir Ron"

Sa backstage

"Waaaaaahh, Rex ngayon ko lang makikitang magpeperform ka, excited na ko. Kaya mo yan, nandito lang ako." Okey lang kung si Rex ang sisikat ngayon baka hindi ko pa kase panahon. Tama. Kapag naging sikat ang kaibigan ko, magiging sikat na din ako. Hihi.

"Hindi ko na tuloy alam kung anong sasabakin ko, para kasing may contest akong sinalihan." at parehas kaming tumawa.

Oras na nya para magperform ramdam ko ang kaba sa kanya kase naman mukhang napilitan lang ang taong yun. Masyado talaga syang matulungin. Haha. Nagsisimula na sya pero parang wala lang sa ibang tao hanggang sa nagchorus na at doon nya napukaw ang atensyon ng mga tao. Chinicheer ko sya kasabay ng mga manonood pero nakafocus lang sya sa pagkanta at pagsayaw. "Aish ang babaeng yun di man lang makuhang tumngin" ngumiti ako at pinagpatuloy ang "Go Rex, Wooooh Rex" hanggang sa nakasagi ko ang isang lalaki na pamilyar, nginitian nya ko at nagpatuloy sa pagcheer kay Rex. "Recca!" Nagtaka din ako kung bakit nya alam ang pangalan ni Rex. Hmm? Pero ang gwapo nya ahh. Hoho.

Natapos ang performance nya at niyakap ko sya.

"Oh, para san yun?" nagulat sya sa ginawa ko.

"Ang galing mo, grabe buti nalang nga hindi ako yung nagperform. Haha. Mukhang alam ni Sir Ron yang talent mo ahh bakit ako di ko alam? Hmm?" natawa sya.

"Basta nalang kase sya lumabas ganun" sabi nya.

"Ganun? Nga pala, naalala ko na yung lalaki kanina na umeksena nung natumba ka? Kilala mo ba yun, nagchicheer sya sayo kanina, pakilala mo naman ako. Hihi."

"Hindi, ngayon ko lang sya nakita." maya-maya'y may kumatok sa pinto.

"Recca, may naghahanap sayo fan mo ata." sabi ng isa naming katrabaho.

"Pakisabi nakaaalis na, salamat." sagot naman ni Recca.

"Huh? Pero? Baka naman magpapapicture sayo o magpapaautograph" gusto syang kumbinsihin.

"Hindi ako artista, okay? Di ko ginawa yun para magpapansin, ginawa ko yun para sa cafe at saka hindi na naman yun maaulit." nalungkot ako sa sinabi nya pero kailangang tanggapin na iba ang pangarap o kung may pangarap man sya. Lol.

--

Nigel's POV

"Ahmm, sir sorry po nakaalis na po ehh." sabi ni kuya saakin.

"Ah ganun po ba? Sge po. Salamat" nginitian ko sya at umalis na.

"Kung ganon hindi pa ito ang tamang panahon, Recca" nasabi ko sa harap ng cafe.

--

Zach's POV

Isang taon na din ang nakakalipas nang magdesisyon akong mag-aral ng martial arts. Siguro kailangan ko ding ipagtanggol ang sarili ko laban sa iba. Hindi rin mawala sa isipan ko ang mga mata nya na parang kay.. Ay hindi imposible yun. Sa susunod hindi na ko ipapagtanggol ng isang babae dahil kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko.
"Tama, dapat kong ipagtanggol. at ipaglaban ang sarili ko" naisipan kong tawagan si Grey.

"Humanda ka Grey, uuwi na ko ulit. Dyan na ko mag-aaral."

I'm No AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon