Recca's POV
Then someone came in front of me at pinayungan ako. Nung tumunghay ako, it was....
"Zach" hindi ko inaasahan na nandito sya.
"Bakit ka ba nagpapaulan?"
Hinigit nya ko sa may bus stop.
Nung nakarating na kami, hinubad nya yung coat nya at inilagay sakin.Habang inaayos nya sakin yung coat nya, nakatitig lang ako sa kanya. Pero natigil sya kaya naman umiwas ako ng tingin.
"Yah!" tinuro nya yung paa ko.
"Kanina ka pa ba nakapaa? Bakit ba wala ka man lang sapin sa paa mo? Hays"
Lol. Akala ko napansin nya ko na nakatingin sa kanya. Pft.
"Wala na kong magagawa, pumasan ka na" tumalikod sya at lumuhod.
"Hindi mo na kailangang gawin yan"
After nun, pinasan nya ko ng walang pahintulot ko.
"Zach, ano ba ibaba mo na ko!"
"Wag ka ng mahiya, pwede ba? he smiled.
"Nagpapatawa ka ba? Tsk"
"Hawakan mo na nga lang yang payong para di tayo mabasa"
Ewan ko pero sumunod nalang ako, ano nga bang magagawa ko kung pasan nya ako.
Naglalakad sa gitna ng ulan habang pasan nya ko, what a scene! Lol. Pero teka nga, bakit ba naglalakad kami samantalang may bus naman, siguro naman may pera na ang isang tulad nya.
"Bakit ba maglalakad ka pa, edi ba may bus naman, mas mahihirapan ka lang" I asked.
"Wala kasi akong dalang pera ehh. Hehe" he answered.
--
Zach's POV
"Bakit ba maglalakad ka pa, edi ba may bus naman, mas mahihirapan ka lang" Recca asked.
Akala ko hindi nya na mapapansin. Hays. Okay na kaya ko dito, baka mamaya ipilit nya pa.
"Wala kasi akong dalang pera ehh. Hehe" sagot ko.
Ang korni nga ehh, barya lang pala ang meron sa bulsa ko kaya ayun yung naging pamasahe ko papunta dito.
"Ano? Wala kang dalang pera? Pano ka nakapunta dito? So? Payong lang ang dala mo pagpunta dito?"
"Bakit? Wala ka din namang pera ehh. Tsaka pano ko maaalalang magdala ng pera kung ang naisip ko lang ay dalhan ka ng payong dahil mukhang uulan kanina"
Ilang segundo syang natahimik.
"Akala ko sinabihan ka ni Mama"
"Nakatulog na si Mama, kakaintay sayo"
"Patay"
"Don't worry sinabi ko na baka nagovertime ka pero mukhang nagkamali pala ako, at saka naglalakad ka na kanina kaya nga eto oh, may kasabay ka pa. Haha"
Ngumiti sya kaya mas lumawak pa ang ngiti ko.
"Hindi mo ba tatanungin kung anong ginawa ko? O san ako galing? Diba naghihinala ka na hindi ako nagovertime sa trabaho?"
"Hindi, mukhang ayaw mo din namang sabihin"
--
Kinabukasan.
Nigel's POV
School.
"Nigel"
Humahangos si Manong na photographer na talent scout ng isang agency, yung Manong na gusto kaming pag-artistahin ni Recca. In short, yung naging stalker ni Recca noon.
BINABASA MO ANG
I'm No Angel
ActionStory of first loves. Story of love not only for opposite sex but love for all.