Recca's POV
Nagising ako na paalis na si Zach sa bahay.
"Ingat ka" bilin ni Mama sa kanya pero ni hindi nya man lang nilingon si Mama.
Ganyan ba talaga katigas ang ulo nya? Tsk. Mukhang wala syang papansinin samin ni Mama kaya super aga nyang pumasok. Sarili nya lang ang iniisip nya. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? Psh.
--
Zach's POV
"Bakit ba ang tagal lumabas ni Recca?" I said dahil kanina pa ko naghihintay sa kanya. Yeah, alam kong iniisip nya na pumasok na ko pero minabuti kong hintayin na sya. Tutal naman, gusto nya kong kasabay diba? Bilang kuya nya. Yun lang naman ang dahilan! Seryoso! Walang halong biro! At saka hindi naman talaga ako nagtatampo, nagpapapansin lang.
A few minutes lumabas na sya pero bakit may kasama syang guy at hawak nya pa si Recca? I mean parang escort lang? Haaa. Bakit hinahayaan ni Recca na hawakan sya nung lalaking yun? Baka nga pag ako yan saktan nya ko ehh. Tsk. Pero, hindi kaya, HINDI! Hindi maaaring ganyan ang tipo ni Recca. Hays, wala naman akong kinalaman dito at saka sya naman ang pumipili ng gugustuhin so why bother.
Tapos maya-maya sumakay sila dun sa car ng guy, ano yun? may pahatid-hatid pa? Ayaw na ayaw nya ngang makisabay kay Mama dahil sayang daw sa gasolina dahil magkaibang way ang school at shop tapos doon sasakay sya? Aigoo. Mas maganda pa yung car ko dyan sa bahay kaso nga lang wala na ko sa puder ni Papa kaya hindi ko na magamit. Kung alam ko lang sanang ganun ang mga tipo nya edi dapat pala ibinalandra ko na sa kanya yung kotse ko lol. Pero wala nga pala kong pake! Bahala sya kung anong gusto nyang gawin sa buhay nya!
--
Recca's POV
Aish. Kainis talaga yang Zach na yan, masyado nya bang tinataas ang sarili nya sakin? Argggh! Parang gusto ko syang sapakin ngayon, ngayon na!
Then nagulat nalang ako nang may umakbay sakin. It's a guy na nakamask at nakahood. Susubukan ko na sanang magpumiglas pero bumulong sya na
"Kung ayaw mong masaktan ang tao sa loob, sumama ka nalang ng maayos"
Hindi ko alam ang nangyayari, ni hindi ko alam kung sino ang taong ito, pero kailangan kong sumunod dahil kay Mama. Alam kong dehado ako sa pagkakataong ito kaya napilitan na din akong sumama.
--
Zach's POV
School.
Nakarating na ko sa room pero bakit wala pa din si Recca? Diba dapat nauna sya sakin kase nakakotse sya? Pft.
Hindi naman siguro nagditch sya ng class para dun sa lalaking kasama nya? Pucha bat ba ko masyadong naiinis pag naiisip ko yun? Hays. Nagpapakasaya sya ngayon kaya nga hindi na dapat ako umepal -_____-
--
Recca's POV
Nakarating kami sa isang warehouse, tinali nya ko sa may upuan tapos nagsidatingan na yung iba pa nyang kasama. Based on their looks and mga hawak na tubo, they're gangsters.
Tinanggal na din sa wakas nung nagdalas sakin dito ang mask at cap nya, it's unfamiliar face. Malamang na isa sila sa mga nakaaway ako na gustong gumanti."Yan ba yung Recca?" leader ata nila yung nagsalita.
Tumango yung guy.
"I heard na isa ka sa mga kinakatakutan ng ibang mga gangster? Pero ni hindi ka naman miyembro ng kahit na anong gang, I wonder kung anong meron ka, mukha ka lang namang ordinaryong high school student Haha" dagdag pa nya.
BINABASA MO ANG
I'm No Angel
ActionStory of first loves. Story of love not only for opposite sex but love for all.