CHAPTER 22: VALENTINES

396 6 2
                                    

Recca's POV

"Oh, Recca" bati ni Grey pero bigla syang inakbayan ni Zach palayo. Di naman halatang iniiwasan nya ko. Psh.

At saka bakit ba masyado atang gayak ang school ngayon. May bisita ba?

"Yah, Recca" tawag ni Ash while catching her breath.

"Anong meron sayo?" tanong ko.

"Wala, wala lang to" sagot nya pero hindi halata namang meron.

--

Ash's POV

Kanina....

"Hoy ikaw, pano mo nagagawang makipagdate sa iba samantalang nagdedate tayo!"

Medyo malakas yung paghihimutok ni ate kaya napatigil ako.

"Hindi mo ba gusto yung concept na yun? Akala ko kase okay lang" sagot nung guy.

Geez. Parang wala sa tipo nya ang magsorry, nagagawa pa nga nyang ngumiti. Aigoo.

"Pano mo.... ha" paiyak na si ate sa tono nya. Ano ba? Valentine's day tapos may gantong scene sa campus, sana ipinagpabukas nalang diba. Psh.

"Hoy ikaw, kanina ka pa ba dyan nakikinig?" tinuro nya ko, patay na.

"Ha, hindi. Napadaan lang naman ako, di ko naman talaga intensyong ----"

"Babe" kinawayan ako nung guy at tumakbo papalapit sakin. Tumingin ako sa likod ko pero walang tao kaya mukhang sakin sya pupunta at mukhang ako yung tinawag nyang babe. Heol.

"Babe?!" sigaw ni ate, at mukhang sasabunutan nya ko.

"Oo, sya. Diba babe?" inakbayan nya ko at ngumiti ng pagkagwapo, i mean ngumiti sya sakin kaya napatitig ako.

I'm No AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon