CHAPTER 5: STALKER

865 7 0
                                    

Recca's POV

Naglalakad ako papuntang school nang parang kanina pa ko nakakaaninanag ng maliwanag, ilaw? Ewan ko. Tapos parang nakakarinig din ako ng 'click' ay basta. Napansin ko ang isang mama. Kahina-hinala ang dating nya. May dala syang camera.

"Ayun ba yung?" humanap ako ng pagkakataon para hablutin ang dala nyang camera.

"Sabi ko na nga ba, bakit mo ko kinukunan huh? Bakit?" natataranta sya.

"Alam mo miss pwede kang model" nainis ako sa sinabi nya.

"Wag mo na ulit akong susundan, pag nakita pa kita uli baka hindi na ko makapagtimpi" at iniwan ko sya.

Sa school.

Nakita ko naman yung mama at teka kasama nya si Nigel.

"Hindi kaya, nakikipagclose sakin yung Nigel dahil gusto nya din ako na makipagtrabaho sa kanila? Hays. Malamang nga na ganun yun. Teka, nakita nya ko. Aish" tinakpan ko ang mukha ko at dali-daling tumakbo sa room.

Sa rooftop.

"Recca" tawag ni Nigel, susubukan kong umalis.

"Bakit di ka pumunta?" tanong nya.

"Pwede ba, tigilan mo na ko. Ayokong maging model or whatsoever" nagulat sya sa sinabi ko.

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" di ko inaasahan ang sagot nya.

"Yung mama kanina, sinundan nya ko tapos sabi nya pwede daw akong maging model, malamang kasabwat ka nya para makuha nyo ko" sabi ko, natawa sya.

"Nakakadisappoint naman yung iniisip mo tungkol saken" medyo nakaramdam ako ng hiya, at hindi ko alam kung bakit.

"Hindi ko sya kasabwat, pinipilit nya din ako dati na maging artista kaso ayokong iwan yung banda, pero naging close kami since tinutulungan nya din kami. Wag kang mag-alala hindi ka niya guguluhin, mukhang ikaw yung tinutukoy nya na nanakot sa kanya" ngumiti sya bago umalis.

"Kung ganon mali ako? Okey mali ako at nakakahiya. Aish" Nasabi ko pero may strange parin dito parang may isa pang umaaligid dito at parang nakikita ko sya sa gilid ng mata ko.

Maya-maya'y may tumawag sa phone ko.

"Ate Recca" pamilyar ang boses nya.

"Kirah?" tanong ko.

"Oo ate, hindi ka ba pupunta dito? Gusto kong pumunta sa ampunan. Miss ko na sila. Pwede naman daw akong lumabas ehh, feeling ko nga gumagaling na ko" may sigla sa kanya.

"Mabuti naman, sige pupunta tayo" sagot ko.

--

Zach's POV

"Zach, sama ka para mamaya?" tanong ni Grey.

"Hindi ako pwede"

"Bakit naman? Family day ba?" tanong nya ulit.

"Parang ganun" sagot ko.

"Okay. Goodluck" at umalis na sya.

"Kailangan ko ba talaga tong gawin? Hindi pa naman ako sa mahilig sa mga bata. Tsk" reklamo ko.

Sa orphanage.

"Sir, andito na tayo" sabi nung driver.

Nang bumaba kami buhat ang mga kahon ng goods ay sinalubong kami ng mga bata. Hindi talaga ako mahilig sa mga bata pero nakakatuwa sila.

--

Recca's POV

Nakarating na kami sa orphanage pero parang may kung ano dito, madami ding mga sasakyan at mga kahon pero parang natatandaan ko sila.

I'm No AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon