CHAPTER 6: DREAM

739 9 0
                                    

Zach's POV

Nakikita ko sya, si Reese naglalakad papalayo.

"Reese, Reese" tawag ko pero parang wala syang naririnig.

Papalapit sya sa may ilog, tatalon kaya sya?

"Reese, ano bang gagawin mo?" sigaw ko sa kanya.

"Patawarin mo ko, Zach" sa wakas sumagot na din sya pero pagharap nya mukha na ni Recca ang nakikita ko, hanggang sa..

NAGISING AKO.

Kinusot ko ang mga mata ko.

"Panaginip lang pala, pero bakit ang weird naman ata nun, si Reese talaga yung una kong nakita tapos si Recca yung... Hays, hanggang sa panaginip ba naman Recca" nasabi ko.

Sa school.

Hinanap ko yung Sean para ibalik yung notebook nya. Nakita ko sya pero napaatras ako ng makita ko si Recca.

"Nahihiya na ba ko sa kanya ngayon? Tsk." at umalis na din sya kaya nilapitan ko na yung nerd.

"Oh, yung notebook mo" abot ko sa kanya.

"Ahh" kinuha nya naman ito.

"Mukhang close na kayo nung iniistalk mo ahh" sabi ko.

"Mabait sya, nga pala nakita ka ni Recca kagabi pero nakakapagtaka dahil di naman nakita" nagulat ako sa sinabi nya.
"Huh? Ako? Bakit naman ako nandun?" nauutal ko pang sagot.

"Sabi nya pa nga nakadisguise ka daw" mas nagulat ako dito.

"Aish" nakita nya ko. Nakita nya talaga ako.

"Nandun ka ba talaga?" tanong nya pero umalis na ko.

Uwian.

Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung kagabi, bat ba ang galing nya. Pano nya ko nakita? Tsk.

Naglalakad lang ako, hindi ko ginamit yung kotse. Hanggang sa may napansin ako.

--

Recca's POV

Naglalakad ako tapos sa daraanan ko ay may mga nakatambay. Nakikilala ko sila, sila yung mga nakaaway ko nang nakaraan. Hindi dapat ako masangkot sa away, masyado silang madami. Tsk. Nilagay ko ang hood at earphone.

"Oyy, miss. Miss" tawag nila, naririnig ko sila dahil di naman nakasalpak sa phone ko yung earphone pero dere-deretso lang ako sa paglalakad. Mukhang nainis ko sila kaya nilapitan na nila ako.

"Kaya naman pala, hindi nya tayo naririnig dahil may nakasalpak sa tenga nya, pero teka nga mukhang wala ka namang pinapakinggan tapos medyo pamilyar yung mukha mo" sabi nung lalaki, mukhang wala na kong magagawa dahil nabuking nya na ko kaya naman sinipa ko sya at tumakbo na.

Hinahabol na nila ako. Nakakainis masyado talaga silang madami. Tapos ang bibilis pa nila. Maaabutan na nila ako. Anong mangyayari sakin kapag nahuli na nila ako. Pero bigla nalang may humablot sa kamay ko at tumakbo kami pareho.

"Zach" nasabi ko, hindi nya ko pinansin at nagpatuloy lang kami sa pagtakbo habang hawak nya ang kamay ko.

Napatigil naman ako sa naalala ko. Biglang pumasok sa isip ko ang dalawang batang tumatakbo.
"Bat ka ba tumigil dyan? Huh?" tanong nya. 

"Nangyari na ba to noon?" tanong ko sa kanya.

"Wala na tayong panahon para dyan, ayan na sila" at nagtago kami sa isang abandonadong apartment.

Naghintay kami ng ilang minuto doon.

"Mukhang wala na sila" sabi ni Zach.

"Nakakapagod yun ahh, bat ka ba nila hinahabol?" dagdag pa nya.

I'm No AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon