2

25.3K 626 7
                                    

Sinipat ko ang aking sarili sa malaking salamin sa aking kwarto, matapos ipusod ng ubod higpit ang aking buhok. Sinuri ko din ang Kulay abong pantalon at puting long sleeve polo shirt na pinaresan ko ng doll shoes na puti din. Isunot ko na ang aking super kapal glasses para kompleto na.

Hmm. Asan ba yung cellphone ko? Magseselfie muna ako sabay #OOTD!

Pero naalala kong wala pala akong fb account dahil binura ko na. Ang dami ko kasing nakikitang posts doon na nakakahurt ng feelings kaya ayun, nilisan ko ang mundo ng fb.

Lumabas na ako ng kwarto at hinanap ang kapatid kong bulbol!

"Wennnnaaaaaa! Asan ka na naman ba!!!" Nakapamaywang akong tumayo sa gitna ng sala namin.

"Teh? Andito ako sa baba, hinihintay si Tatay! Makasigaw ka jan ahh!"

Sumungaw ang ulo ng kapatid ko mula sa hagdan. Nilapitan ko sya at pinamaywangan.

"Sumama ka sa akin sa bookstore ng may pakinabang ako sayo!"

Nagkamot sya ng batok at automatikong nagkunot ang mukha.

"Ehh hinihintay ko si Tatay. Ngayon darating yung kapatid ng amo ni Tatay!"

"Sinong amo? Yung sabi mong pogi?"

Tanong ko. Noong nakaraang buwan kasi ay may nanuluyan sa kwarto sa ibaba. Nasa Davao ako noon at nagbakasyon ng halos isang linggo din. Ang sabi ni Wenna ay gwapo daw yung amo ni Tatay na nakituloy sa amin dahil malapit lang daw sa site ng ipinapatayo nyang building ang sa amin. Sayang nga dahil diko na inabutan.

"Korek! Malamang pogi din yung kapatid. Tamang-tama kailangan ko ng mukhang pwedeng pagnasaan habang sinusulat ko yung isa kong nobela! Perfect timing!!"

Sabi nyang parang maiihi sa kilig.

"Eh pano kung pangit? Edi na hopya ka? Pati yang sinusulat mo? Hay nako tigilan mo ako! Samahan mo akong tumao sa bookstore.!"

Six years ago ay nagtayo ako ng sariling negosyo ang pinuhunan ko ay galing sa naipon ko noong nagtatrabaho pa ako sa Maynila bilang sikretarya ni Mrs.----

Oh well. Malaki din ang binigay nyang separation pay para lang magresign ako. I actually didn't resign. She literally fired me. In a nice way. Gayumpaman ay hindi ko magawang magalit. Tama lang din iyon.

Ngayon ay pinapatakbo ko ang sarili kong negosyo. A bookstore in the town proper. Malapit lang iyon. Isang sakayan lang ng tricycle.

"Alam mo ate ang nega mo!"

"Hindi kana kailangan dito! Nalinis na yung kwartong gagamitin nung bisita ni Tatay, wag kang ano dyan!"

"E to-tour ko pa sya sa buong bahay!"

"At ginawa mong tourist spot ang bahay natin? Hala bihis! Aalis na tayo!"

Nagpapadyak na nagkamot ng ulo si Wenna sanhi upang lalong gumulo ang buhok nya, mukha na syang stick ng cotton candy na maitim!

"Uy tigilan mo yan! Tumatayo yung bulbol sa ulo mo!"

"Ang bully mo!"

"Wag mo akong sigawan. Mas matanda ako sayo!"

"Eh ikaw kasi---"

"Yan-yan,Weng-weng!"

Sabay kami ni Wenna napatingin sa baba. Nakita namin si Tatay na nakasuot ng driver's uniform nya, may tuwalya pa sa balikat at may bitbit pang maleta. Naawa ako sa tatay ko. Sa edad nyang 53 ay dapat na syang nagpapahinga nalang sa bahay, pero dahil sa bisyo at luho ng asawa nya ay heto at kumakayod pa rin. Ayaw naman nyang tanggapin ang perang inaabot ko sa kanya, ang katuwiran nya ay para nalang daw sa amin ni Wenna. Minsan nga ay sya pa ang pilit na nag aabot ng sentemo sa akin. Diko naman magawang tanggihan dahil baka sumama ang loob. Ang ginagawa ko'y iniipon ko nalang at baka kailanganin nya.

THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca BrothersWhere stories live. Discover now