"Wennaaaaaaaaaah!!!?"
Malakas kong sigaw habang nakadungaw sa pinto ng kwarto ng kapatid ko. Nakapamaywang ako at may hawak na sadok. Kanina ko pa ginigising ang babaeng ito. Anong oras na.
"Hmm." Bahagya sya gumalaw dahilan para tuluyang mahulog sa kama ang buing katawan. "Aray!!"
"Aba kulot anong petsa na? Akala ko ba may interview ka sa kompanyang inapply-an mo? Oh eh mahihiya sayo ang hr department nila, kailangan nilang mag adjust dahil late ka!!"
Inayos ko ang salamin kong medyo tabingi na sa aking mukha.
Nakita kong tinakpan niya ang dalawang tenga at gumapang papasok sa ilalim ng kama nya. Humakbang ako at sinundot ko ang pwet nya ng sandok na bitbit ko.
"Aray ate naman. Mabi-virginan ako ng sandok sa ginagawa mo ehh."
Lumabas sya sa kabilang bahagi ng kama at patamad na umupo. Sabog ang kulot nyang buhok, may laway pa sa gilid ng mga labi.
"Maghilamos kanang gaga ka! Kung ayaw mong mabuntis ng sandok ko!"
"Eehh atee..tinatamad akooo!"
Yumuko sya uli sa kama. Tumirik ang mga mata ko. Wenna is 4 years younger than me. Mula ng mamatay ang nanay at mag asawa uli ang tatay ay ako na ang tumayong ina sa kanya. Ako na rin ang nagpaaral sa kanya sa kolehiyo hanggang makatapos ng DevCom sa isang unibersidad. Ilang taon na syang graduate pero hanggang ngayon ay wala pa ring matinong trabaho. She's 25 pero parang wala pa ring direksyon ang buhay, well parang ako lang din.
"Isa pa ate birthday mo ngayon diba? 29 kana, dapat tayong magcelebrate!"
I rolled my eyes again. Kahit kelan talaga ang daming palusot.
"I swear, when you reach this age, you wont even wanna remember your birthdate! Kaya wag mong bilugin ang ulo ko. Get up! Take a bath then get dress. Malilate kana sa interview mo!"
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto nya. Bumalik ako sa kusina at itinuloy ang pagluluto. Pero pinalitan ko muna ang sandok ko.
Nakatira kami sa dati naming bahay. Yari iyon sa Narra, yung tipong pang sinaunang bahay ng mga kastila? Dalawang palapag iyon. May apat na silid sa taas, samabtalang pinauupahan namin ang tatlong silid sa ibaba pandagdag gastos.
"May pagkain na ba?"
I snort when I heard my step sister's voice. I turned to Maki. Prenteng nakaupo sya sa hapag na tila kun sinong nakataas pa ang isang paa habang nagkakamot. She's 20 and a bitch in a school girls uniform. Asar kami ni Wenna sa kanya dahil akala mo kung sinong umasta. Tulad ngayon.
"Hoy Maki, matuto kang gumising ng maaga para makapagluto ka ng almusal mo. Hindi yung umaasa kapa! Ang tanda mo na ahh!"
Inirapang nya ako at dumampot ng pan de sal na binili ko kanina sa ibaba. I never like her. She's a bitch. Parang yung nanay nyang si Olga. Walang ibang alam kundi magsugal at tumaya sa jueteng. Ewan ko ba kung anong nakain ni Tatay at pinatulan yung bruhang yun. Eh ang layo ng ugali nun kay Nanay. Okay lang namang nag asawa sya, walang issue sa amin yun. Ang kaso, ay ang uri ng babaeng ipinalit nya sa nanay ko.
Tatlong taon palang na patay nun si Nanay. Ang sabi ni Tatay ay uuwi muna sya sa Probinsya nya sa Luzon para tuluyang makalimot sa sakit sanhi ng pagpanaw ni Nanay. Pumayag naman akong noon ay disesies lang, naiwan kami dito sa Ilo-Ilo sa pangangalaga ni Tiya Auring, ang bunsong kapatid ni nanay. Ilang buwan ding namalagi sa Salvacion si Tatay. Nakalipas ang anim na buwan ay umuwi sya kasama ang babaeng sawa at may kasama pang bulinggit. Ang sabi ni Tatay ay asawa nya na daw si Olga. Nasaktan ako. Ilang gabi ko ding iniyak ang tungkol sa bagay na iyon. Ayos lang sana kung mabuti ang pskikitungo ng asawa nya sa amin, ang kaso ay akala mo kung sinong umasta. Ilang beses na akong nakipagsagutan sa bruhang iyon sa buong buhay ko, akala nya talaga ay kaya nya akong apihin? Ha. Hindi na uso ang Cinderella sa akin uyy. Ilalaban ko ang karapatan ko. Namin ng kapatid ko!
YOU ARE READING
THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca Brothers
Romansa--de Lucca Brothers-- #4 Alexous Raffael de Lucca *THE RICHMAN TRILOGY*