Pababa na ako ng hagdan nang mamataan ko si Tatay na lumabas mula sa kwarto ni Raffa. He was holding an envelope.
Tumigil ako sa pinakababa.
"Tay? Ano yan?" Tanong ko dahil sadyang chikadora ako.
Umangat ng tingin si tatay at ngumiti sa akin.
"Nakalimutan ni Sir Raffa itong kontratang ito. Kaya pinabalikan nya sa akin." He said.
"Ahh ganoon po ba?" Tumango sya at ngumit. "Ahm tay pwede mo po ba akong isabay? Ibaba nyo nalang po ako sa bookstore."
Lambing ko. Kung siniswerte ka nga naman oh. Makakatipid pa ata ako ng 7 pesos ngayong araw.
Biglang napakamot ng batok si tatay.
"Yun na nga Yan-yan eh. Kanina kasi nong papunta ako dito ay biglang tumirik yung kotse kaya idinaan ko muna sa talyer ni Idong. Balak kong ihatid na muna itong papeles dahil baka matagal pa yung pag-aayos ng sira. Eh kailangan na ito ni Sir Raffa."
Sabi ni tatay at muling nagkamot. Napataas naman bigla ang aking kilay. May isang ideya ang pumasok sa utak ko. Ngumisi ako ng malaki at lumapit kay tatay.
"Ahh tay. ako nalang po ang maghahatid nito kay Sir Raffa. dumiretso na po kayo sa talyer ni Ninong Idong. Para matignan nyo kung ano nga ang sira ng sasakyan." Sabi ko. Napatitig sa akin si tatay na halatang nagtataka. Kumunot ang noo nya.
"At sinong tatao sa bookstore mo anak?"
Naglikot ang mga mata ko habang nag-iisip ng magandang idadahilan.
"Ayy andoon po si WengWeng tay! Isa pa sandali lang naman ito. Magtatricycle na lang po ako papunta sa site." Inayos ko ang pagsasalita ko.
"Ayos lang ba talaga?" Paniniguro nya
Ngumiti ako kay tatay at kinuha ang envelope.
"Keri po tay. Pumunta na po kayo sa talyer. Ako na po ang bahala dito."
Itinaas ko pa ang hawak kong papeles.
"Kung gayon ay sige. Pasabi na din kay Sir Raffa ang nangyari sa kotse."
"Ako pong bahala tay."
"O sya. Lumarga kana."
Ngumiti muna ako kay tatay bago tumalikod para umalis na. Nasa labas na ako ng bahay ng inilabas ko mula sa aking bag ang cellphone. I dialed Raffa's number. Ilang ring pa ay sinagot nya na ang tawag ko.
"Lian." tila biglang sumikdo ang puso ko ng marinig ang boses nya. Shit kahit sa cellphone ay ang sarap parin pakinggan ng boses nya. Biglang nais magwala ng puso ko subalit agad ko itong pinigil.
I cleard my throat.
"Ano kasi. Si tatay. biglang nagkaroon ng emergency. kaya ako nalang ang maghahatid ng papeles na pinakuha mo sa kanya." Sinubukan kong wag pumiyok o mautal. Mabuti nalang at hindi naman ako gaanong nabigo.
Biglang natahimik ang kabilang linya.
"Hello?" usal ko.
Nakarinig ako ng eksaheradong tikhim mula sa kabilang linya.
And even that. sounds so sexy.
"Ganoon ba? What happen to you father? Is he alright?" He ask sounded sincerely worried.
YOU ARE READING
THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca Brothers
Romance--de Lucca Brothers-- #4 Alexous Raffael de Lucca *THE RICHMAN TRILOGY*