6

16.9K 333 2
                                    


This is for Lyzza, my little Wenna's friend. Happy reading beh :)

---------------

"Raffa?"

I stop tapping my fingers on the table as I heard my brother Tres called my name.

"Yes?"

Nakita kong ngumisi bago umiling-iling si kuya Xander habang tumitingin sa direksyon ko.

"Bro? Whats happening to you? You're off, kanina kapa namin kinakausap tungkol sa project sa Ilo-ilo. Hindi mo kami pinapansin."

Ano nga ba ang nangyayari sakin? Nawawala ako sa sarili ko nitong mga nakaraang araw. Simula noong araw na pumunta ako sa Ilo-ilo. Partukular sa sandaling muli ay nakita ko ang babaeng minahal ko. Since then, I couldn't get her off my mind. I was always thinking about her. And I hate it. Bakit ko ba kasi sya naiisip? Bakit ko naiimagine ang mukha nya?

"Nothing kuya, Im just....exhausted. I guess."

I lean my back on the backrest.

"And what exhausts you in Ilo-ilo? women? lots of them?" Ngumisi si kuya Xander ng nakakaloko.

"The fuck Xander! wala kang ibang alam!!'' Saway ni kuya Dyncent. Ngumisi lang si kuya Xander. Bumaling sa akin si kuya Dyncent at ngumisi din. " So, babae nga?"

"Tss. stop that you two. Xander asan na ba ang kambal? Dati si Drace lang laging late, bakit ngayon pati na din si Drake?"

Kunot-noong tanong ni kuya Tres. Nakakanginig talaga ng kalamnan ang boses nya pag naiinip pero hindi ko pinahalata sa kanila na medyo takot ako sa kanya.

"For Drace, Im sure he's fucking around, Pero si Drake, diko alam." Kibit-balikat na sabi ni kuya Xander. I agree with him.

"Damn..Ang tagal naman ng mga yun, Kailangan ko nang umuwi, I missed Lenzy already." maktol ni Kuya Dyncent. Xander snorted.

"That's so gay,dude.''


" Naah, Im in love with my wife.'' he grinned at Us medyo namumula pa ang tenga nya.

Kanina pa kaming andito para sa close door meeting naming magkakapatid. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang kambal ng tadhana.


Kung saan-saan na napunta ang usapan. I was just listening to them. Si kuya Xander lang naman ang panay salita, paminsan-minsa'y sumasabat si Kuya D. While I was just looking at them. In my mind was a picture of a woman.


"Juskoloord!! Pagod na akong maghintay dito. Aabutan ako ni Dyosa, ayokong umuwi ng lasog-lasog. Im still a virgin. I cant be corrupted!!"


Maya-maya ay reklamo ni Kuya Xander.

"That's it.'' Biglang binitawan ni kuya Tres ang binabasang dyaryo sa mesa. "Humanda sa akin ang dalawang kulugong iyon, Pag-uuntugin ko silang dalawa." Napatingin kami kay kuya Tres na parang nalugi ng milyon. "E-re-sched nalang natin itong meeting.''

Yun lang at tumayo na sya. Walang lingon-likod na lumabas sya ng opisina.


" Nakita mo yun Dyncent?"



"Ang ano?"

"That black Aura surrounding Alejandro. Mukha syang Tambutso na naglalabas ng maitim na usok.''

Napangisi ako sa sinabi ni Kuya Xander.

" Lagot ka kuya.'

Sabay silang lumingon sa direksyon ko. Nagkunot ako ng noo dahil sa mga reaksyon nila. They look like they saw a ghost.


THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca BrothersWhere stories live. Discover now