Nanginginig ang mga tuhod na napaupo ako sa may flower box na nasa gilid ng aming bahay. Tuloy sa pag agos ang aking mga luha. Walang tigil. Hindi ko alam kung saan na naggagaling ang walang katapusang luha na inilalabas ng aking mga mata. Ang aking hagulgol ay bahagyang lumakas, ngunit di nagtagal ay nagmistulang ungol na lamang. Wala nang boses nang lumalabas mula sa aking bibig. Ngunit ang tindi ng pagkirot at paghapdi ng aking dibdib, mismo sa aking puso ay tila walang katapusan.Sakit na dulot ng tagpong namagitan sa amin ni Raffa. Tagpong hindi ko inasahang magaganap ng ganito kaaga.Ang akala ko, pagkatapos ng kaninang umaga ay magiging mas maayos na ang lahat sa aming dalawa. Subalit nagkamali ako. Dahil hindi pa man natatapos ang araw ay tuluyang nabasag ang pag-asang maaari pang ibalik ang dati sa aming dalawa.
Just a while ago, Raffa made it clear na ayaw nya na sa akin. At ang katotohanang iyon ang syang dahilan ng tuluyang pagkawasak ng aking puso.
Ilang sandali pa akong nanatili sa lugar na iyon. Ninamnam kong mabuti ang sakit na iniwan ng kanyang mga salita. Hanggang sa pakiwari ko ay naging manhid na ang aking dandamin. My heart is getting use to the pain that is currently governing it.
Ilang saglit pa'y nagpasya akong umakyat. Baka kasi magtaka sina tatay.
I dried my tears and relaxed myself. Pumasok ako sa kabahayan at dirediretsong umakyat sa taas. Ni hindi ko man lang tinapunan ng tingin ang pinto ng kwarto ni Raffa. Baka kasi bigla na namang bumulwak ang luha mula sa aking kaawa-awang mga mata.
Papasok na sana ako sa aking kwarto nang bigla akong tawagin ni tatay. Bahagya akong tumigil ngunit ni hindi ko sya nilingon.
"Anak, kaon na. Oh sa diin na si Sir Raffa? Nga kadugay mo gid nagbalik?"
Lumunok muna ako bago sumagot. I tried controlling my voice not to shake. Hindi pa rin ako tumingin kay tatay.
"Pag una nalang daw kamu tay. magsunod lang sya. Kag ako man." I said. Hindi na ako naghintay na muling magsalita si tatay. Agad na akong pumasok sa kwarto.
Dumapa ako sa aking kama at muling dinamdam ang sakit na nagmumula sa sugat-sugat kong puso.
Sa unan ko isinigaw at muling iniyak ang sakit na nadarama. Doon ko ninamnam ang paninikip ng aking dibdib. At pagkirot ng aking damdamin.
Binalikan ng aking isip ang araw na muling nagkita kami ni Raffa. Ang pagbalik ng damdaming matagal na itinago at inalagaan ng aking puso. Ang damdaming ninais kong sikilin subalit nagpumilit sa pag alpas. Binalikan ko ang araw na nabuo sa aking isip ang muling pagbawi sa kanya. Ang planong nabuo. Ang panunuyo. At ang nangyari kanina.
Tila tatong dumikit sa aking puso lahat ng salitang nanggaling sa kanya kanina. Naisin ko mang kalimutan at baliwalain ay diko magawa.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na umiiyak, nang biglang maramdaman ko ang banayad na pagbukas ng aking pinto.
Sa mga sandaling ito ay nakahigang patagilid ako na nakaharap sa binatana ng aking kwarto. Hindi na ako humahagulgol subalit panaka-naka parin ang pagtulo ng aking mainit na luha. Tila iyon bagyo sa pagbuhos kanina na naging ambon na lamang.
Naramdaman ko ang paglundo ng aking kama.
"Ate...?" Naipikit ko ng marahan ang aking mga mata nang marinig ko ang banayad na pagbigkas ni Wenna sa aking pangalan.
Hindi ko sya sinagot o nilingon man lamang. Pakiramdam ko kasi ay wala na akong sapat na lakas upang igalaw maging isa man sa aking daliri.
"Ate... tulog kana ba?" nababatid ko ang pag-aalala sa tono ng pananalita nya.
YOU ARE READING
THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca Brothers
Roman d'amour--de Lucca Brothers-- #4 Alexous Raffael de Lucca *THE RICHMAN TRILOGY*