19

12.8K 377 11
                                    


Dumaan ang dalawang araw ay hindi ko na nakitang muli si Raffa. Ang sabi ni Tatay ay masyado daw busy sa site dahil minamadali na di umanong maitayo ang building kaya doon na natutulog si Raffa at ang mga engineers. Alam ko namang nagdadahilan lang iyon. Ayaw nya lang talaga siguro akong makita kaya hindi sya umuuwi.

Ang kaisipang iyon ay muling nagdulot ng kirot sa aking dibdib. Hindi nya na talaga ako.kayang tignan man lang. Grabe na talaga yung sakit na binibigay sa akin ni Raffa, ngunit sa kabila niyon ay hindi ko parin magawang magalit man lang sa kanya. Nagtatampo siguro. Lalo na noong araw na nakita ko silang nagMOMOL ni Maki. Ang sakit-sakit talaga noon. Diring-diri ako sa Fridge namin. Kaya naman kinabukasan ay bumili ako ng bago. Ibinenta ko na yung luma, dahil binaboy nila ni Maki iyon.

Dapat ay magalit ako at pagkatapos ay hindi ko na sya mahalin pero. Ampotcha! Itong puso ko, bugbog na nga sa sakit, ibig parin ng ibig. Dahil kahit na ano pa yung gawing pananakit ni Raffa sa akin. MAHAL KO PA RIN SYA! ayan CAP'S LOCK para with feelings.




Ibinaba ko yung librong binabasa ko at bumuntong-hininga.



"Ghaaad! Namimiss ko na sya." I whispered in the air.



Alam kong nakakaloka na pero, yun talaga ang nararamdaman ko. 2days feels like years of living without him again. Ngumuso ako. I can't last another day without seeing his face.





Naputol ang pagmumuni-muni ko nang bumukas ang bookstore at pumasok doon si Wenna.



Kumunot ang noo ko nang makitang may bitbit syang supot.


"Ano yan?" Tanong ko. Sinilip ko pa ang bitbit nya. Inilapag nya iyon sa counter.




"Lunch ni Tatay.  Tumawag kasi sya, ang sabi nya dalhan ko daw sya, ang kaso pinatawag ako ng publisher ko. Kailangan ko nang magpasa ng manuscript ngayong ala una." Nagpanting ang pandinig ko.



Tinaas ko ang kilay ko.




"Gusto mo ako nalang?" I ask





Nagtaas sya ng kilay.



"Wag ka ngang judgemental Wenna, ihahatid ko lang yang lunch ni tatay." Sabi ko agad.



"Wala naman akong sinasabi ahh, defensive  ka jan."




"Ehh alam ko yung mga tingin mong ganoon eh."



"Ihahatid mo lang? Mamateey?" She asked racing her eyebrow.




Umiwas ako ng tingin.



"Sisilay lang ako saglit." Sabi ko. Napakamot sya ng batok.



I raised an eyebrow and rolled my eyes on her.



"Hayy nako. Bahala kana nga. Buhay mo yan. Kung saan ka masaya. Suportahan taka!"



"Ang bago ng joke mo."




"Oh sya, aalis na ako. Para sa future ko." Yun lang at tumalikod na sya. Iniwan nya sa counter ang supot na may lamang lunch boxes.




I smiled at myself.



"Saglit lang talaga, sisilay lang ako." Sabi ko sa sarili.




******



Pasimpleng naglakad-lakad ako paikot sa site ng construction nang makababa ako ng tricycle. Hinahanap ng mga mata ko si tatay. Oo si tatay ang hinahanap ko. Wag kayong ano jan.



THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca BrothersWhere stories live. Discover now