"You reminds me of someone I used to know, kamahalan." The guy even smiled at me while saying those words. Nangalumbaba sya sa harap ko at tinitigan ako ng diretso. I don't know why but there's something about this guy. Hindi ko lang mawari kung ano."Hindi nga sabi kamahalan ang pangalan ko ehh, pepektusan na kita!" Naasar na talaga ako. Ang feeling naman kasi ng lalakeng ito. Akala mo naman ilang taon na kaming magkakilala kung umasta!
Ngumiti na naman sya sakin.
Syeet! Ang hindi ko lang maidi-deny ay yung kagandahang lalake nya.
Parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa naisip.
"Kung ganoon, anong pangalan mo kamahalan?"
Hah! I knew it! Modus nya lang yung pagtawag nya sakin ng kung ano-ano. Gusto nya lang talagang malaman ang pangalan ko. Ang ganda ko naman talaga. Hindi na ako magtataka kung papalitan ko na bukas yung bidang babae nong 'meant to be' oh di kaya yung babae sa 'Scarlet heart' ...Bwahaha!
Pero hindi! Broken hearted ako kaya hindi ako lalagundi.
At isa pa. Kahit pilahan pa ako ng sandamakmak na lalake, alam ko sa puso kong kay Raffa parin ako. I belong to him. He belong to me. We belong together. Hindi lang sya masyadong nainform!
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Okay, huhulaan ko. Siguro, ang pangalan mo ay Liza." He smiled again. ohh geeezzz those perfect teeth!
"Magkahulma lang kami ng mukha pero hindi kami magkapangalan ni Liza Soberano." I said full confident. Tho Im just messing with him. Ayaw ko man aminin ay naaaliw na ako. Pansamantala kong nakalimutan yung sakit sa puso ko.
"Uuh, Julia?"
"Mas maganda ako doon."
"Sam?"
"Im hotter."
"Jessy?"
"Maliit lang ang balakang ko."
"Kath?"
"No comment. Baka mabash ako."
"Nadine?"
Umiling ako. Im stopping myself from forming a smile in my lips. Ewan ko ba pero, biglang nawala yung inis ko sa kanya!
"Okay, kamahalan nalang talaga itatawag ko sayo." Sabi nya. He smiled at me again. Bakit ba parang hindi nauubusan ng ngiti itong lalakeng ito?
"Tss." Inirapan ko sya. "Ang weak mo naman!"
Sasagot pa sana sya ng biglang tumunog ang cellphone nya. He excused himself and turn his back. Itinapat nya sa tenga ang kanyang cellphone habang ang kabila ay nasa bulsa. I had a chance to see his back, and ohh. sexy back.
Sinabunutan ko ang sarili dahil sa naisip.
Ang harot!
Ibinalik ko nalang ulit ang atensyon sa tinitignang magazine. I touch Raffa's face, ewan ko ba. Kahit siguro patayin na ako ni Raffa sa sakit. Mamahalin ko parin sya. Ganoon naman siguro talaga yun eh. Kahit na nasasaktan kana, kung mahal mo talaga, mamahalin mo parin. Kasi nga hindi nagdedemand ng kapalit ang tunay na pag-ibig. Sobrang cliché as in paulit-ulit nang ganoon. Pero ganoon talaga.
Pagnanasaan ko pa sana nang lihim si Raffa nang biglsang umabot sa pandinig ko ang boses ni Mr. Uuhhm ano nga ulit pangalan nya? Subic? Pambihiang magulang naman meron sya oh. Ipangalan ba sya sa lugar? Ba't di nalang nila ginawang Boracay?
"I just arrived here in Ilo-ilo. Yeah, nakacheck in ako sa isang hotel. Alam mo napakaDemanding mo! Magkapatid nga kayo ni Dyncent." Napanguso ako. Ang OA naman nito. Kulang nalang mag microphone.
"Yes, I'll report tomorrow." Tumahimik muna ito na tila nakikinig sa kabilang linya. "Well, kung hindi mo lang sinisante ang isa sa mga Engineer na pinadala ko, hindi ko kailangang pumunta dito, alam mo namang busy ang kagwapuhan ko. Hello. have you seen me? Im hotter than the sun above noh?"
Humalakhak sya pagkatapos nyang magsabin ng puro kayabangan. Napanguso uli ako. Ang sarap namang hamapasin ng mamang ito!
At dahil asar ako sa mundo at kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko. Kinuha ko yung magazine na inilapag nya kanina. Hinampas ko sya sa likod gamit iyon. Ubod lakas na tila mababali yung braso ko. Syeet! Ako yung nanakit pero ako yung nasaktan!
"Aww!"Nilingon nya ako na hawak ang balikat nyang pinag gigilan ko. Pero nakatapat parin sa tenga ang cellphone nya.
" Bibilhin mo o hindi? Nakikigamit ka lang ata ng aircon at nakikiconnect ng Wifi eh. hashtag wifi is life ganoon?" Sabi ko. Subukan nya lang akong patulan isusumbong ko sya kay President Digong!
Nahimas nya yung balikat nya.
"Can I just call you later? Its a matter of life and death! Okay bye, muah muah chup chup!"
Napangiwi ako sa huli nyang sinabi. Ang luma naman noon.
Matapos e-off ang phone ay bumaling sya sa akin.
"Kamahalan, hindi naman ako nainform na bayolente kayo!" Tila hindi makapaniwalang sabi nya.
"Talagang bayolente ako. Lalo na pag hindi mo ito binayaran!" Ngumiting kumuha sya ng wallet at doon dumukot ng pera. Kumuha din sya ng isang marker pen at inilagay sa counter. Kinuha ko yung pera matapos kwentahin lahat. Dumudukot na ako ng sukli nya nang biglang tanggalin nya yung cellophane cover nong magazine. Binuksan nya rin gamit ang bibig ang marker at nagsulat ng kung ano sa front cover ng magazine. Hindi na natuloy ang pagdukot ko ng barya.
I was just looking at him. Para naman syang bata na kagat-kagat ang takip ng marker. After a few minutes ay tumigil din sya at muling tumingin sa akin ng may ngiti. Tapos tumingin uli sya sa magazine, tapos sa akin uli. This time he was nodding his head.
"Mas maganda parin kung nakatago yung mga bagay na hindi dapat nakikita ng lahat." He said gently. Hindi ko alam pero parang may naulinigan akong lungkot sa boses nya kahit nakangiti naman sya.
Pero bakit ko ba sya pinoproblema?
Muling tumunog ang cellphone nya. Inilapag nya sa counter ang magazine at sinagot yung phone. I was just still looking at him.
"Ang sabi ko tatawagan kita ulit! Okay, papunta na ako."
Pinatay nya ang phone nya. At muling bumaling sa akin.
"I'll see you around kamahalan." Sabi nya habang parang engot na nagbabow.
Wala akong imik na tinitigan lang sya. Hanggang sa lumabas na sya. Dahil sa tunog ng pinto ay nagising ako sa tila bahagyang pagkaidlip.
Doon ko naalalang may sukli pa sya.
"Teka sandali! Subic! Nakalimutan mo'ng sukli mo!'' pero malamang ay hindi nya na ako narinig. Dumako sa counter ang paningin ko. " At ang magazine mo.'' Bulong ko nalang.
Para naman kasing siraulo yung ehh.
Wala sa loob na kinuha ko yung magazine at pinagmasdan. Halos mapasinghap ako nang makita ang sinspit ng magazine sa kamay ni Subic. Gusto kong matawa pero hindi ako tatawa. Paano ba naman. Dinrawing-an nya ng damit yung model na nasa front cover ng men's mag na kanina lang ay halos hubad na sa suot ng two piece black bikini. Ngayon ay nakasuot na ito ng long sleeve at pantalon na ni drawing gamit ang marker. Hindi lang yun. Nakasuot na rin ito ngayon ng parang isang reading glasses na gaya nang sa akin. I touch my glasses. Umiling-iling ako.
Sa ibabang bahagi ng magazine nakasulat ang OH MY G. Capslock para sagad!
Napailing-iling ako.
"Sira-ulo nga ata."
--------
Sa mga laging nagvovote at nagcocomment, Hindi ko na kayo eme-mention, you know who you are! I appreciate every comments from you. Hindi ko lang narereply-an lahat. Ito lang po muna ang kinaya ko. Babawi nalang ako..Thank you❤❤
-Dyosa
YOU ARE READING
THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca Brothers
Romance--de Lucca Brothers-- #4 Alexous Raffael de Lucca *THE RICHMAN TRILOGY*