Nagmadali akong lumabas ng kusina hawak ang aking dibdib. Dumirerso ako sa kwartong inuukupa ko dito sa bahay nina Lian, I close the door and took a deep breath. Hinaplos-haplos ko ang aking dibdib, umaasang mabawasan ang mabilis na pagtibok nito. I feel like Im having a heart attack. The crazy beating of my heart is all because of Lianna. Ginugulo nya ang isip at puso ko. She's entering my mind and so is my heart."Damn..."
Napamura ako ng mahina. Why am I feeling this? Bakit kailangan ko pang maramdaman muli ang mga bagay na ipinaramdam nya sa akin noon? I've move on. I know I did. Pero isang malapitang titig lang sa mga mata ni Lian ay tila ulan na bumuhos ang lahat. And its driving me crazy. I could not feel this way again.
Pero kahit na anong pigil ko'y may pwersang tila humihila sa akin sa kanya. I remembered what happened last night.
I heard Wenna telling her father about Lianna. Napag alaman kong may lagnat sya kagabi, and all I could feel is guilt. Yun ay dahil sa ginawa ko sa kanya. Pinaglaruan ko sya. Dahil sa akin ay nagkasakit sya.
Ang dapat na pagsilip sa kanya ay nauwi sa isang bagay na hindi ko inakalang magagawa ko. I kissed her last night. After six long years, again, I had a taste of her lips. And all I felt is heaven. I feel like I was lost for a long time and got home from that unwanted journey.
Napaupo ako sa sahig na hawak parin ang aking dibdib.
"This has to stop...."
Tama. Dapat na itong matapos. Aaminin kong ginusto ko syang paghigantihan. Pero pagkatapos ng nangyari kahapon ay narealized kong hindi ko pala kayang saktan Lianna. Physically or emotionally. Hindi ko kayang magdulot ng sakit sa kanya. Kahit ilang beses ko pang alalahanin ang sakit na naramdaman ko nang mga panahong hinahanap ko sya. Noong mga panahong wala sya. Kahit ipunin lahat ng sakit. Kahit ipunin lahat ng pag-iyak ay hindi magiging sapat na dahilan para saktan ko din sya.
Im not kuya Dyncent. Hindi ko kayang manakit ng babaeng minsan kong minahal. O minsan nga lang ba?
Hindi din ako si Drace na kayang e-taken for granted ang mga babae nya.
I am me. The Romantic de Lucca. And I just can't cause Lian a pain that might tear her apart.
But I can't let her enter my life again.Im settled with being who I am and what I have. I am okay with it.
Ayos na ako sa sapat.
-----
Narinig ko ang maingay na ugong ng kararating na sasakyan sa baba. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at bumaba. Saktong pagpasok naman ni Tatay. Tila nagmamadali.
"Tay. nagmamadali ka po?" Takang tanong ko bago idiniretso sa likod nya ang aking paningin. Hoping to see that face. Pero parang wala. Ibinalik ko nlng ang tingin kay tatay.
Saglit syang tumigil para tignan ako.
"May pinapakuha kasi sa akin si Sir Raffa. Mga papeles daw. Kailangan nya na agad. Ewan ko ba sa batang iyon. Wala namang hinahabol na deadline ang constuction, pero ayun at tila aligaga. parang nagmamadali." Iling-iling na sabi ni tatay.
Nagkunot naman ang aking noo. "Baka naman may hinahabol lang tay."
Nagkibit-balikat si tatay.
"Hindi ko din alam. Sige dyan ka muna at kukunin ko pa yung inutos nya sa akin." Tumango nalang ako. Bumalik ako sa taas at nagpatuloy sa panonood ng palabas sa telebisyon.
Buong maghapon lang na iyon ang gagawin ko. Nagprisinta kasi si Wenna na tatao muna sa bookstore. Magpahinga nalang daw muna ako. Minsan talaga kailangan ko pang magkasakit para sweet sa akin ang kapatid ko.
YOU ARE READING
THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca Brothers
Roman d'amour--de Lucca Brothers-- #4 Alexous Raffael de Lucca *THE RICHMAN TRILOGY*