5

18.2K 396 8
                                    

Ilang araw kong dinibdib ang pang iindian sa akin ni Raffa.Sana pala hindi na ako nagdyeta, nagsuot pa naman ako ng kulay green na off shoulder tapos hindi pala sya sisipot? Ano ba naman yung nagpasabi man lang, ayos lang namang ere-shedule ehh. Pero ang mas nakainit ng ulo ko ay yung parang ayos lang sa kanya yun, that he's not even sorry,  Lalo na yung part na sinumbatan nya ako ng slight. Alam ko naman yung kasalanan ko noon. Nong iwanan ko sya ng walang pasabi. Pero kahit na pagsisihan ko pa yun forever ay hindi ko na mababago ang nakalipas. Kahit maglupasay pa ako sa iyak o magbitin ng patiwarik. Wala na BES!

Naiintindihan ko nman siya. I had hurt him and Im sorry. Kaya nga gusto kong magkausap kami ng serypso eh. Ako na yung nagrereach out. Pero wala eh. Galit sya. At hindi ko sya masisisi kung ganoon man. Hindi ko sya pwedeng diktahan na pakinggan at tanggapin ang dahilan ko. Siguro nga ay dapat ko nalang tanggapin ang lugar ko. That I am his past. And past alone.

But hey! who's hoping? not me. pweee!

Siguro dapat na maging civil nalang din ako sa kanya. Or act as if he doesn't exist. Kung kaya ko man.

"Ate? Drama mo uli jan?"

Napapiglas ako ng wala sa oras mula sa pagmumuni-muni ko nang biglang sumulpot sa harap ko ang taong bulbol.

"ano ba? kakagulat to!"

"Ang lalim ng iniisip mo ah!* Umupo sya sa kama ko at hinarap ako. " Tungkol parin ba kay Raffa baby?"Inirapan ko sya. Minsan pinaglihi sa bolang kristal tong kapatid ko eh.

"Ayy! Dahil sa reaction mong yun ay parang sinagot mo na rin ng OO ang tanong ko.""

Pumiksi ako para iwasan sya. Nakakainis minsan ang mukha nitong kulot na ito.

"So si Raffa nga?"

Hinarap ko sya.

"I envoke my right against self-incrimination." WalaNg ganang sabi ko.


"Tss. Ano to senate hearing? Umayos ka nga ng sagot ate. Para kang bata jan. Uulitin ko, Kilala mo ba si Ronnie Dayan? "
Napakunot ang noo ko.

"Sinong Ronnie?"

"Yung driver slash body guard slash lover mo."

Binatukan ko si kulot nang mapagtanto kong pinaglololoko na naman nya ako.
"Aray!"

"Pwede ba kulot. Inis ako sa mundo. Inis ako sa sarili ko. Inis ako sa lahat at naiinis ako dahil diko alam kung bakit ako naiinis. Kaya isara mo yang bunganga mo please lang."



"Ayy taray!"

Umingos ako. Hindi nya talaga alam ang salitang privacy

"You know what te? Ang gulo mo."

Sabi nya. humiga sya sa kama ko. Alin nalang sa dalawa, Manhid sya tanga. Di nya ma sense na kailangan kong mapag-isa at mag-isip.

"Mas magulo parin yang buhok mo."

Napanguso sya at hinaplos ang sabog nyang buhok.

"Inaano kaba ng buhok ko?" Pumiksi sya. "Ano ba kasing problema?"

"Tinatanong paba yan?" Okay suko na ako sa pusuing powers ni kulot.

"Okay. Given. Raffael de Lucca. Na-Kris Aquino ka 3 days ago. Hanggang ngayon yan pa rin ang issue mo?? I mean, sinabi na ni tatay na nagka-emergency sya sa Manila diba, kaya kinailangan nyang umalis agad."

"Hindi lang naman yun eh.'' Muling naalala ko yung araw na tawagan ko sya.

Yung totoo? Parang sya pa yung ate sa aming dalawa. at ako yung engot na bunso.

THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca BrothersWhere stories live. Discover now