16

11.9K 313 4
                                    


After that another encounter with Raffa, I went back to my room and cried again. I cried until I couldn't feel anything. Until I felt numb. Until my heart got used to the pain.



Hindi ko alam kung ilang oras akong nagkulong sa kwarto ko. Ang alam ko.lang ay ayokong lumabas o kumausap ng kahit na sino.


Sa sobrang manhind na ng nararamdaman ko ay hindi na ako nakakaramdam ng gutom. Kahit ang pagkirot ng ulo ko ay hindi ko na iniinda.


Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nanatili akong nakahigang patihaya.

"Ate..?"


I stirred a bit to show her I'm still breathing. Baka kasi umandar na naman ang ka-OA-han nya at isiping patay na ako.



Umupo sya sa tabi ko.



"Ate...Bumangon ka na at kumain. Maghapon kana dyan. Nagtatanong na si tatay. Ang sabi ko nalang may dysmenorrhea ka." Gusto kong pumakatak. Story teller nga si Wenna. Ang galing nyang magdahilan.




"Hindi ako gutom." sabi ko.


"Ate...you're slowly killing yourself." Sabi nya.



Nanatili akong nakatingin sa kawalan.


"I'm hurting." Sabi ko.


"I know. But life doesn't end with geting hurt." Umupo sya sa kama at hinaplos ang ulo ko. "Six years ago, ganito ka din pagkagaling mo ng maynila. Back then. I was so scared. I'm scared because I thought you'll die in hunger. Natakot akong iwan mo din ako gaya ni Nanay."




Bahagya kong nalingon ang kapatid ko. Sincerity is within her face. Namamasa din ang kanyang mga mata.




"Thank God, you've over come that phase of your life." Muling hinaplos-haplos nya ang buhok ko. Nanatili akong tahimik.





"Ate, ayoko nang matakot. Wag mo naman akong takutin uli." Her voice was a bit shaky.



I raise my hand and touch her arm.



"Kaso ang sakit...Akala noong una, magiging okay din ang lahat. Alam ko namang mahirap. Pero di ko in-expect na ganito pala kasakit. Hindi ko inasahang maagang tatapusin ni Raffa yung ilusyon kong magkakabalikan kami. Masyado nyang ginalingan ang pananakit sa akin. But what hurts the most is that, no matter how much pain he cause me, I still love him the same. Ni hindi nabawasan iyon." Namasa uli ang aking mga mata.


"But it doesn't end there. Nabubuhay parin ang tao kahit iisa lang ang kidney nya." Kumunot ang noo ko. Tuluyan ko syang binalingan.




"Ano naman ang kinalaman ng kidney sa sitwasyon ko?" Nagtatakang tanong ko.





"Ang point, hindi mo kailangan ng kapartner para gumana ka. May sarili kang buhay. What he told you or what he thinks about you, doesn't define you as a person. Or dictate what you should do to your life. It hurts maybe, but I'm sure, you'll get over it. And most of all, you'll get over him."




May bahid ng katotohanan ang mga sinabi nya but the part where I'll move on and get over him just won't enter my system. Parang ang hirap.







Nang gabing iyon ay napilitan akong lumabas kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ayoko kasing magdulot ng pag-aalala sa pamilya ko.


Sabog ang buhok kong lumabas, kagabi pa kasi sila huling nagkita ng suklay kaya ganon. Nakapjama na ako nang lumabas para maghapunan. Hindi ko alam kung ano ang kakainin namin dahil hindi naman ako ang nagluto. Umupo agad ako sa silya. Tinignan ko si tatay at ngumiti.

"Ayos naba pakiramdam mo, Yan?"

Pilit akong ngumiti. I nod at my father. Sinikap kong wag tumingin sa kabilang bahagi ng mesa. Kahit ang hirap na paglabanan ng tila magnetong humihila sa akin sa kinauupuan nya. Pakiramdam ko ay magkaka-stiff neck ako dahil doon.



Maya-maya pa ay dumating si Wenna at Maki bitbit ang mga pagkain. Napataas ako ng kilay. Himala naman atang andito itong babaeng higad na ito.



Awtomatikong umupo si higad girl sa tabi ni Raffa. Umupo din si Wenna sa tabi ko. Pasimpleng sinipa ko ang binti nya. She look at me. I give her the 'what is she doing here?' look. Sinagot nya ako ng 'Aba! malay ko!' look. Oh ganyan kami mag-usap minsan ni Wenna.





Inikot nya ang mga mata. Hindi ko nalang pinansin si Maki at Raffa.

"Ito din Raffa kumain ka nito." Sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko ang pagsisilbi ng hitad kay Raffa. At itong lalake namang ito, parang gustong-gusto. Parang kumulo ng bigla ang dugo ko. Pero hindi ko nalang pinansin.





"Thank you, Maki."



"Ito ohh. Say ahh!" Sinubuan pa ng hitad si Raffa. Pinilit kong magbulag-bulagan at magbingi-bingihan.





Sumubo nalang ako ng kanin. Sunod-sunod hanggang sa naramdaman kong sumikip.ang lalamunan ko. Pilit kong nilunok ang mga iyon ngunit hindi ko magawa. Bigla akong napaubo.




"Yan-yan!!"




"Atee!"


Sabay pang nasambit nina tatay at WengWeng ang pangalan ko nang mabilaukan ako. Agad-agad na nagsalin si tatay ng tubig sa baso at iniabot sa akin. I took the glass of water and drink from it. Nang tuluyang maalis ang mga bumarang pagkain ay huminga ako ng sunod-sunod. I just felt like I run miles away. Bahagyang napasulyap ako sa kinaroroonan ni Raffa at ganoon nalang ang pagsalakay ng sakit sa aking puso nang makitang patuloy lang ito sa pakikilaglandian kay Maki. Ni hindi man lang nya ako sinulyapan.





''I'll act as if you don't exist at all." Biglang bumalik sa akin ang sinabi nyang iyon.

Bago pa man ako maiyak sa harap ni tatay ay nag-iwas na ako ng tingin. Itinulak ko ang plato palayo sa akin at tumayo.



"Tapos na po ako tay, excuse me."



Takang tinignan ako ni tatay.




"Tapos kana agad? Ayos ka lang ba anak? namumutla ka ata."




Dinig sa boses ni tatay ang pag-aalala. Maging sa mukha nya ay mababakas iyon. I felt guilty for my father but the stinging pain is slowly killing me right now. Ako nalang ang aalis para umiwas. Kaya tumango ako kay tatay at pilit na ngumiti.




Agad akong tumalikod sa kanila. At kasabay niyon ay sya ring pagtulo ng aking luha. Sunod-sunod na tila walang katapusan.


------



Lihim na sinundan ko ng tingin si Lianna habang lumalakad papasok sa kwarto nya. Tila hindi ko magawang lunukin ang kanin sa aking bibig dahil sa bigat ng pakiramdam ko. I don't know why Im feeling this way-----maybe I know but I can't accept the fact that I'm feeling bad about myself because I am causing her so much pain.





But it is the only way to protect my heart from a total devastation.



Bahagyang nawaglit sa aking isip ang bigat ng nararamdaman ko at napalingon sa aking gilid.



I saw Maki smiled at me seductively, naramdaman ko ang pagdaiti nya ng kanyang paa sa aking binti paakyat sa pagitan niyon.



She bit her lips as her foot run down my legs again. Iniwasan ko sya tingin at tinuloy ang pagkain. I can easily put Maki in her place but not now, infront of the food and most of all in front of Lian's family.



Maki will be an accessory to my plan.




Muling naisip ko si Lian. Her cries. And all the pain in her eyes. I want to punch myself everytime I remember her eyes in tears. Ngunit wala akong magagawa para layuan nya ako. The only way to stop her invading my life again is to hurt her.



Though, it means hurting myself too in the process.


THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca BrothersWhere stories live. Discover now