25

14.2K 310 6
                                    


"Aish! Waaah... Ang saraaap nyaaa!! " Kunot-noong natigna ko si WengWeng na kasalukuyang nasa harap ng laptop ko. Andito na kami ngayon sa kwarto ko, ewan ko ba kung bakit nakikigamit na naman sya ng laptop. Sinilip ko ang pinapanood nya nang may nakasaksak na kutsara sa aking bibig. Kumakain kasi ako ng peanut butter. Pasado alas nueve na ng gabi pero pareho parin kaming gising. Hinihintay kasi namin si tatay na hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi.

Kaya naudlot ang pagpapakilala ko kay Uvic sa kanya. Tinawagan namin sya ang kaso ay hindi nya sinasagot ang tawag namin. Siguro ay sinundo ang asawa nya sa saklaan. Hays ang bruhang iyon talaga.

"Omo! Omo! Oppa! Sarangheyo!"

Napangiwi ako sa narinig.

Isang sabunot ang ginawad ko kay Wengweng na syang nagpalingon sa kanya. Pinindot nya ang pause button ng laptop at bumaling sa akin. Her forehead was knotted.

"Ano bang problema mo ate? " She asked. Nagsalpukan ang mga kilay nya.

"Una, yang paggamit mo ng laptop ko. Pangalawa, yang pagtili mo ng kung ano ano, hindi kita maintindihan. And most of all, your hair is just so annoying!" I answered. Inikutan ko sya ng eyeballs at itinuloy ang pagsubo ng peanut butter. She crinkled her nose as she looked at me.

"First, my lappy is bitching me out! Second, naglalabas ako ng emosyon. Ate ang kilig parang tae din. Dapat inilalabas. Dahil kung hindi ay masisira ang tyan mo! And lastly, my hair is innocent! " she said. Muling tinalikuran nya ako para manood uli. Nakisilip na rin ako sa pinanonood nya.

"Ayeeee!" Again she hit the pause button in the middle of the kissing scene. Muling binalingan nya ako.

"Ate. Pupunta na akong Korea bukas. Doon na ako titira! Pakakasalan ko si Gong Yoo sa kahit saang simbahan sa buong mundo! " Si exclaimed dreamily. Naturete ako sa kapatid ko. Mukha syang engot.

"I'm gonna love him forever! " Sabi nya uli na niyakap pa ang unan ko. Inirapan ko lang sya. I took a spoonful of peanut butter and ate it before I commented on her statement.

"Hmp walang forever noh! " I said. Kinakunot ng noo ni WengWeng ang sinabi ko.

"Huuy ah. Hindi dahil sawi ka sa pag -ibig e idadamay mo na lahat! Hindi nakakaganda ang bitterness ah! " humalukipkip nyang sabi. Parang apektadong-apektado sya sa sinabi ko. Well I should know better. Wenna is very Romantic. She believed in love and happily ever after. While, I'm on the edge of believing it doesn't exist. Tho, I like the thought.

"Sa lahat ng bitter ako lang yung matamis noh? " Itinaas ko yung kutsara sa harap nya. "May flavor kasi ang bitterness ko. Peanut bitter! " I joked.

Wenna just looked at me intently. Na para bang hindi sya makapaniwala.

Maya-maya ay nagkunwari syang tumatawa.

''Ang galing ng joke mo ate. Tatawa na ba ako? Ha ha! " Labas sa ilong nyang sabi at muling hinarap ang laptop. I didn't like her sarcasm.

Inambahan ko syang dudutdutin ng kutsara pero hindi nya naman nakikita. Nagtuloy nalang ako sa pagsubo.

"Emeeegheerd!! Pereng eng sherep nyeng hemelik!! " Kinikilig uli nyang sabi.

"Palibhasa hindi ka pa nakakatikim ng halik eh. " Sabi ko na marahas na nagpalingon sa kanya.

"Personalan?!!" she hissed. I made a face on her.

"Alam mo ate tigilan mo na yang bitterness mo dahil malapit na ang happy ending mo okay? "

She said convincingly. Nagkunot ako ng noo. My sister said those words na para bang siguradong-sigurado. Tinubuan tuloy ako ng curiosity.

THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca BrothersWhere stories live. Discover now