**
Parehong nakayuko ang mga ulo namin ni Raffa habang nakaupo sa mahabang sofa na nasa harap naman ng pang-isahang sofa kung saan nakaupo si Tatay na kanina pa kami tinitignan na para bang mga organism sa ilalim ng microscope. Sa tabi nua naman ay si Wenna na nakangisi sa amin ni Raffa.
Ilang minuto na kaming nakaupo dito matapos namin ipagtapat sa ama ko ang tunay na estado namin ni Raffa. Well, flash news kami na uli.
Syet kinikilig ako.
Napakagat-labi ako upang pigilan ang kilig na gustong kumawala mula sa buong pagkatao ko. Baka kasi mapa tumbling at split pa ako dito ng wala sa oras eh.
I heard Raffa cleard his throat. Even that sounds really sexy! Kung wala lang sa harapan ko si Tatay at ang kapatid ko ay baka kanina ko pa nagahasa si Raffa. Pero kailangan kong magpigil. Naniniwala ako sa kasabihang Patience is a virtue.
I calm my system.
Napatingala ako sa mukha ng irog ko nang maramdaman ko ang bahagyang paggagap nya sa palad kong nakapatong sa aking kandungan. He looked at me with that assuring face, para bang sinasabi nyang sya ang bahala. Sa titig na iyon ay tila gusto nyang iparating na ipaubaya ko na sa kanya ang lahat. I smiled at him.
"Aherm!! Ano to? Kathniel? Jadine? Titigan?" Basag ni kulot sa amin.
"Inggit! Walang jowa!" Pang-iinis ko naman sa kanya.
She was taken aback but just rolled her eyes on me!
"Oh ngayon? Hindi naman dahil may jowa kana ay resposibilidad ko nang magkajowa din noh! Isa pa who cares kung mamatay akong virgin? Pakialam ba nila? They can judge me but that's it! This is my life! My body! My reality, my heart,my soul, my toes,my knees, my shoulder and my head!" She blurt before standing up for a dramatic walk out. Nagkatinginan kami nina Papa at Raffa.
"Baliw po anak nyo tay." I commented. Napailing nalang ang ama ko bago ibinalik sa aming dalawa ang tingin.
"Kayong dalawa naman---'' Hindi natapos ang sa sabihin ni tatay nang biglang magsalita si Raffa.
"Mang Anselmo----Sir, nasiaiguro ko pong malinis ang intensyon ko sa anak nyo. Alam ko pong maling hindi ko inamin sa simula pa lang ang totoo sa inyo, inihihingi ko po iyon ng paumanhin. May mga bagay lang po talaga sa buhay natin na nangyayari ng hindi natin inaasahan. Inaamin ko pong naduwag ako. I even hurt your daughter's feelings, but I swear Sir, I've hurt myself by hurting her. I want to apologize for that. And----"
"Hijo.." Itinaas ni Tatay ang isang kamay upang patigilin si Raffa sa pagsasalita. Para namang gusto kong yakapin ang pabebe boy ko. I know its not easy for him to face my father after what happened for the last days in our lives. Napangiting tinitigan ko ang mukha nya, his face was flash as well as his ears, may pinong pawis din ang namuo sa kanyang noo. My pabebe boy is just so adorable. I want to pull him close to me and kiss him til the morning come again.
"Huminahon ka." Tatay said. Binaling ko nalang ang aking atensyon sa tatay ko dahil baka magahasa ko na talaga si Raffa ng wala sa oras kung ipagpatuloy ko pa ang pagtitig sa kanya. "Una, mahal na mahal ko ang mga anak ko."
"I love you two Tay." Sabat ko naman. Kinilig kasi ako sa sinabi nya. Hindi naman kasi showy si tatay, minsan lang sya ganito kaya kinikilig ako.
"Tumigil ka. At wag kayo masyadong magdikit, naaasiwa ako. Yan yan, halos magpakandong kana ahh!''sabi nya ng mahinahon pa rin ang Boses.
"Ayy sorry po tay, nadala po ako sa emosyon." Sabi ko at bahagyang lumayo. Pero hindi naman gaano kasi baka ma-miss ko si Raffa, saktong layo lang yung magkahawak parin kami ng kamay.
YOU ARE READING
THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca Brothers
Romansa--de Lucca Brothers-- #4 Alexous Raffael de Lucca *THE RICHMAN TRILOGY*