Nakangusong inaayos ko ang mga pinggang pinagkainan nina tatay sa site kanina. Kakagaling ko lang doon ngunit hindi ako nagtagal nang matapos silang kumain, nainis kasi ako sa inasal ni Raffa kanina, sobrang nakakainis sya. Hindi ko alam kung bakit nagbago na naman ang trato niya sa akin.Noong isang araw ang bait nya, tapos kanina para na naman syang mangangain ng tao kapag kausap ako. Tulad kanina, nang hawakan ko sya, hindi ko naman sinasadya yun eh nadala lang din ako sa emosyon. I wouldn't deny the fact that I want to hold him close, but he doesn't have to be rude and act like he was so disgusted being close to me, nasaktan talaga ako nang bigla nyang iwaksi ang kamay nyang hawak ko. Na para bang nandidiri sya sa akin.
Tapos idagdag mo pa yung hitad nyang secretary! Ang babaeng puro boobs at balakang! Nangigigil talaga ako sa kanya. Ang sarap nyang ipa-Tokhang sa CIDG.
"Ate?"
Napaangat ako ng kilay nang marinig ko si Wengweng. Nilingon ko sya na kasalukuyang nakaupo sa may dinning table. Kumakain sya ng saging habang nagkakamot.
"Uyy, bakit nakabusangot ka?"
Inirapan ko sya bago lapitan. I sat in the chair just next to her.
"Inis ako."
"Ako din ehh. Kaya itinigil ko muna ang pagfe-facebook at twitter. ang dami kasing matatalino.Pang Universe ang mga bashing kaloka!"
Binatukan ko sya. May balak pa ata syang agawin sa akin ang moment.
"Aray!"
"Wag ka nga sumabay! nabubwisit ako kaya pwede?"
Inismiran nya lang ako.
"Na naman! akala ko pa naman magpapaparty ka pagkauwi mo dahil galing ka sa jowa mo."
"Break na kami gaga!"
"Edi jojowain ulit.''
Muling kumagat sya mula sa saging at nginuya.Hindi ako sumagot.
" Okay payn! Ano bang nangyari?"
Ngumuso uli ako.
"Hindi ko kasi maintindihan si Raffa."
Dahil sa sinabi ko ay biglang napasinghap si WengWeng.
"HuuuMayGhaaad ateee! Do you need an interpreter? Ikukuha kita!"
Napakunot ako ng noo. Bakit nya ako ikukuha ng interpreter? Hindi ko na naman maintindihan ang kapatid ko.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Wala naman.Anyways, so hindi mo sya maintindihan? In what way?"
Tinukod ko yung mga kamay ko sa mesa. Muli ay sinariwa ko ang pangyayari kanina sa site. His eyes full of hatred and disgust. I took a deep breathe.
"His attitude."
"What about it?"
"One moment his nice, then a moment after he is rude.Hindi ko na tuloy alam.kung paano ko sya papakisamahan. Kung paano ko sya pakikiharapan. Nalilito ako."
"Aba matakot ka te, bipolar ang boylet mo."
Tinignan ko sya ng masama. Hindi ko talaga lubos maisip na may kapatid akong ganito.
YOU ARE READING
THE RICH MAN'S POSSESSION (book 1):de Lucca Brothers
Romansa--de Lucca Brothers-- #4 Alexous Raffael de Lucca *THE RICHMAN TRILOGY*