A/N: Doing some changes...
****
Cristine~~
"Ma .. alam mo po ba 'yong bahay-kubo d'yan sa may kabilang barangay yong madalas natin madaanan sa tuwing naglalakad tayo pauwi." tanong ko sa nanay ko habang kumakain kami
"Oh bakit anak?" sagot niya sa akin
"May nakatira pala doon .. kinausap pa nga kami ni Cristina kanina... napaka wirdo nga niya e. Alam mo 'yun ma para siyang ewan" sabi ko sa nanay ko.
"H-huh? .. bakit ano bang sinabi?" tanong ng nanay ko sa akin na ngayon ay diretso ng nakatingin sa akin.
"Sabi po kasi niya. Mag-ingat daw kami dahil bumalik na siya," sagot ko sa aking ina at isinubo ang sinandok kong pagkain mula sa plato ko.
"Siya? sinong siya ang tinutukoy niya?" tanong ng aking ina.
"Ewan ko ho Ma.. tinanong ko din po siya.. pero di naman na umimik.. basta po ma napaka wirdo niya." pagkukwento ko sa aking ina.
"Eh,! baka baliw lang iyan anak .. wag mo na lang papansinin" sabi saakin ng inay ko.. matapos niyang sabihin iyon ay napansin ko nalang na kumunot ang noo niya.
****
Mark's POV.
Palihim kong sinundan si Cristine kanina noong pauwi siya. Hindi ko alam pero gusto kong malaman kung saan siya nakatira.
Stalker??
Siguro.. ewan ko ba kung bakit pero gusto ko siyang kilalanin. Kaya palihim ako na nagtatago sa tuwing napapalingon siya sa likuran niya.
"Ate napaka creepy naman ng kubong iyon!" dinig kong turan ng babaeng kasama niya at itinuro pa ang kinaroroonan ng kubong iyon..
Napatingon lang din ako sa kubo na tinutukoy niya. Nakakatakot nga itong pagmasdan na tila may kung ano sa loob nito.
Ibinalik ko ang tingin ko sa dako nila Cristine ng marinig ko ang pangatlong boses. Oo malakas ang pandinig ko. Di gaya ng ibang tao kahit napakalayo ay malinaw na malinaw kong naririnig ang mga sinasabi nila.
"Mag-ingat kayo .. Nagbalik na siya" sabi ng isang ale na nasa harapan nila ngayon..
"H-ho? s-sino ho?" tanong ni Cristine
"Siya" tipid na sagot ng ale kila Cristine napansin ko din ang pangisi nito.
Napako namn sa kinatatayuan nila sila Cristine na tila ba pinoproseso pa ng utak nila ang mga sinabi ng babae kanina.
Ang babaeng 'yon .. May alam kaya siya tungkol saakin? Tungkol sa pagiging isa kong Halimaw?
"Ate tara na" Pag-aaya ng kasama niya at tuluyan na silang naglalakad palayo ..
Hinayaan ko na lamang silang makalayo pa ng kaunti bago ko sila sinundan. I have that strong senses so I can easily find them.
Ilang sandali pa ay natunton ko din ang bahay nila Cristine.
Sumisinghot-singhot ako ng may naamoy akong isang pamilyar na amoy. Ang babaeng iyon.. at ang babae kanina magkasing amoy sila.
Nag-abang lang ako ng ilang sandali sa isang punong kahoy malapit kila Cristine. Inaantay ko siyang pumasok sa kwarto niya. At di ako nabigo dahil matapos ang ilang minuto ng pag-aabang ay nandoon na nga siya.
Dahan dahan akong nagpunta sa bobong ng bahay nila Cristine malapit sa bintana ng kwarto niya at kumatok.
"M-mark! anong ginagawa mo d'yan"gulat na tanong niya.
BINABASA MO ANG
HALIMAW ANG BOYFRiEND KO
Horror#5.. highest rank so far.. salamat sa support wala akong pakialam kung ano ka! Kung alien ka .. halimaw ...monster .. aswang o anu pa mang tawag sayo ang importante Mahal kita!" *** enjoy reading .. vote-comment-share ^^)v