Chapter 24

2.5K 105 8
                                    

***

Acquaintance Ball

---

Isinuot ko ang dress na binili ni mama. Napakaganda nito at hapit sa aking katawan. Maging ang sandalyas ay pakat na pakat sa aking paa. Ginawa ko lang na messy bun ang buhok ko at nilagyan ng ilang palamuti, isang makintab na kulay puting paru-paro ang nilagay ko sa ibabaw ng aking buhok, pagkatapos ay naglagay lang ako ng light make up. Maganda na ako sa tutuusin hindi ko na kailangan ng mga kolorete sa mukha.

"Anak, nandito na si Francisco." tawag sa akin ni Mama mula sa baba. Si France ang kasama ko ngayon dahil nga hindi ko na pwedeng papuntahin si Mark sa bahay. Kaya sa school na lang kami magkikita. Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa salamin.

Hinagod ko ng aking kamay ang aking dress at huminga ng malalim. Napakaganda talaga ng damit na suot ko bagay na bagay sa akin. Pagkatapos kong pagkatitigan ang aking sarili ay bumaba na ako.

"Wow! naman bessi .. Ganda, bongga! Amp.." puna ni France pagkababa ko galing sa aking kwarto. Bahagya pa nga siyang pumalakpak na akala mo ay isang fashion show ang naganap.

"Tsss.Baliw" sabi ko rito.

Maya't maya pa ay may bumusina na sa harap ng bahay.

"Andyan na sila Deansel. Tara na bessi sayang ang effort mo sa pag-aayos kung papawisan lang tayo ditey. um, bilisan natin at naexcite na me sa mga papables.. Ahay! kaloka ites, panigurado ay nagkalat na naman ang mga gwapings"

Landi talaga.

Kung hindi ko lang alam na bakla si France ay pagkakamalan mo siyang lalaki sa suot niya ngayon. Lalaking lalaki siya sa suot niyang itim na tuxedo. Sosyal huh may bow pa siya na kulay Fink! Oo Fink na Fink. Kaloka.

Agad kaming sumakay sa kotse nila Deansel, malamang sa malamang kasama si Akane. Hindi naman yata mapaghihiwalay ang dalawang ito.

Ilang oras lang ay nakarating na kami ng school. Ibinigay ko ang invitation card sa naka-assign sa entrance. Mahigpit kasi sa school na to bawal ang outsider kaya no invitation no entrance ang peg. Pagpasok na pagkapasok ko palang ay isang masayang tugtugin na ang sumalubong saamin. Napakaganda ng gayak ng Hall, may iba't-ibang kulay ng ilaw ang tila nagsasayaw rin at sumasabay sa tugtog ng kanta. Mga balloons na nagkalat sa itaas at sa lapag at mga petalya ng rosas, sa gitna ay red carpet papuntang stage. Siguro para daanan ng mapipiling king and queen. May tarpaulin din sa itaas ng stage. Doon nakasulat yung echu ekk acquaintance chu chu basta ganon alam niyo na iyon.

Inilinga ko ang paningin ko para sa hanapin si Mark pero, hindi ko siya makita ang dami na kasing tao sa buong paligid ang iba ay nagsasayaw na sa gitna. Kaya naman kanda haba ang leeg ko kakatanaw kung nasaan si Mark.

"Nice dress Cristine" isa sa mga estudyante ang pumuna sa suot ko pero hindi ko siya nakilala dahil busy ako sa kakahanap kay Mark.

"Thanks" sagot ko na hindi siya nililingon.

"Cristine," tawag sa akin ng isa sa mga kaklase ko. Nilingon ko naman siya" Sa may bandang kaliwa ang table ng dept. natin huh" sabi niya tumango nalang ako bilang sagot."Anyway ganda mo" ngumiti na lang ako sa kanya. Tumalikod na ito at aalis na sana.

"Ah nakita mo na ba si Mark?" tanong ko sa kanya. Lintek lang kasi wala pa man din akong dalang cellphone ngayon at tanging wallet ko lang ang daladala ko. Kainis kanina pa ako naghahanap, kanda pawis na din ako kahit pa sabihin aircondition ang hall na ito.

"Ahh, wala pa. Bakit hindi ka ba niya sinundo? I thought date ka niya?"

"Uhm, wa-wala naman .. sige hanapin ko nalang siya"

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon