Pagkarating namin ni Mark sa bahay ay dumiritso na ako sa loob inanyayahan ko pa siyang pumasok pero tumangi na siya. Nagpaalam siya sa akin at pagkatapos noon ay tuluyan na siyang umalis.
Pagpasok na pagpasok ko ay binati ako ng nanay ko na kasalukuyang nasa kusina at naghahain.
"Madalas ka yatang ihatid ni Mark" bungad nito saakin habang inaayos ang mga plato sa mesa.
Inilapag ko naman ang mga gamit ko sa may sofa sa sala at dumiritso sa kusina.
"Opo ma, simula noong insidenting nangyari doon sa Park."
Tango lang ang sagot niya saakin. Pagkatapos namin kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin bago ako naghilamos at pumanhik na sa aking kwarto.
Nasa harap ako ng study table ko at nagbabasa ng libro. Pero kahit anong basa ko nito ay parang hindi ito pumapasok sa utak ko.At paulit ulit paring bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina.Ramdam ko pa din ang malambot na labi ni Mark na dumampi sa aking noo. Kasabay noon ay ang pag echo ng pangalan niya sa utak ko. Na para bang sirang plaka na paulit-ulit binibigkas ang pangalan ni Mark.
"Ahhhh"
sabi ko at marahang sinampal sampal ang sarili ko. Nahiga ako sa kama atsaka ko niyakap ang unan ko. Parang nagwala at nagugulo ang malanding hormones ko sa katawan kaya itinakip ko ang unan sa mukha ko at nagsisigaw at doon ko pinakawalan ang sayang nadarama ko.
"Ehhhh nakakainis pati ba naman sa pagpikit ko makikita kita!"
Para akong tangang kinakausap ang sarili ko. Ewan ko ba.
***
Madalas nga kaming magkasama ni Mark. At noong nakaraang pasko nga ay magkasama kami. Nagpunta kami sa bahay nila. Nakita ko doon si Sheen at tuwang-tuwa naman ako dahil ang bait pala ng lolo niya taliwas sa mga iniisip ko dati na tungkol sa mayayaman. Hindi pala lahat ng mayaman ay masama ang ugali. Hindi lahat.
Sabay din kaming nanood ni Mark ng firework display sa may plaza noong nakaraang bagong taon. Halos hindi na nga kami natulog kagagala. Kaya in the end saamin siya natulog kinaumagahan. Paano kasi ayaw niyang umuwi. Masyado raw kasing makaluma ang lolo niya at KJ ayaw ng mga paputok kaya ma boboring lang daw siya doon.
***
"Nainlove ka na ba?" Out of nowhere na tanong ko kay France habang kasalukuyan kaming nagrereview para sa exam.
Kunot-noong tinitigan niya naman ako maging ang mga kasama namin ay napatingin saakin. Nasa classroom lang kami ngayon at dahil wala kaming prof. ay napagpasyahan namin na magreview nalang muna.
"Ah nevermind .. wag mo nang sagutin"
Ibinalik ko muli ang atensyon ko sa librong binabasa ko. Hayts! Bakit ko ba tinanong yon panigurado hahalukayin na naman nito ang itinatago kung baul!
"Nainlove? — siguro" alanganing sagot niya.
"Bakit siguro?"
"Hindi ko alam kung in-love ba yon o baka crush lang" sagot niya saakin.
Labo. Ano ba ang crush at in-love.
"Ah. E, ano ba ang pagkakaiba non?"
Tumingin ulit siya sa akin at saka ako tinitigan ng madiin para bang gusto niyang sabihin na Seriously bes? Hindi mo alam?
Isinara niya ang binabasa niyang libro at saka pa niya dahan-dahan na ipinatong ang mga palad sa ibabaw nito at inayos ang pagkakaupo saka ako pinagkatitigan.Ulit!
"Hayts ! Bessy ang Crush kasi yun yong strong feeling na nararamdaman mo sa isang tao pero madali lang itong mawala. Parang kapag crush mo kasi ang isang tao. Attractive ka sa physical feature niya o kaya naman na wiwili ka sa kanya at natutuwa ka. Pero ang pagiging in-love, yong yung feeling mo para sa isang tao na sa kabila ng mga flaws niya tanggap mo siya. Sa kung ano siya at kung sino siya. At tandaan mo toh bessie ang crush pangmadalian lang pero ang pagiging in-love ay pangmatagalan. Pwedi kang magka-crush kahit ilan. Pero ang mainlove sa isang tao lang." seryosong sagot nito saakin. Minsan talaga may since din ang mga sinasabi nitong si Isko e. Napaisip ako sa mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
HALIMAW ANG BOYFRiEND KO
Horror#5.. highest rank so far.. salamat sa support wala akong pakialam kung ano ka! Kung alien ka .. halimaw ...monster .. aswang o anu pa mang tawag sayo ang importante Mahal kita!" *** enjoy reading .. vote-comment-share ^^)v