Chapter 28

2.3K 128 19
                                    

****

"...ikaw bakit ka narito?"

Huminga ng malalim si Jacel saka niya ito pinakawalan sa ere. Bakit nga ba siya narito? Ano naman ang kasalanan niya kay Crisanta para dalhin siya rito at ikulong.

"Hindi ko din alam basta ang alam ko lang matagal na akong narito." sagot niya

"Matagal? e nakita pa nga kita noong acquaintance night e" may pagtatakang tanong ko.

" Acquaintance? I don't even remember that I attend that event. Ni hindi nga ako nakakalabas dito. Huling natatandaan ko lang ay noong nag-study kami ni France sa bahay. And nong nakaalis na siya. Bigla nalang akong nahilo and after that nandito na ako. Never na akong nakalabas dito."

Ano? E kung matagal na siya rito sino ang Jacel na laging pumapasok sa school ang Jacel na madalas akong sungitan. Kaya ba taliwas lahat ng ugali niya sa kinu kwento saakin ni France dahil impostor siya. At kung sinasabi niya na matagal na siya rito. Ibig sabihin iyon ang mga panahong namatay si Summer. Matagal na nga. Alam niya rin kaya ang sekreto ni Mark? Dahil hindi siya ang babaeng kausap ko noon sa C.R.

"um— Jace.. Si Mark may sikreto siya diba? Alam mo ba ang tungkol doon?"

Para siyang nagulat sa mga tinuran ko. At sa reaksyon niya ngayon ay alam niya nga ang tungkol kay Mark.

"Oo alam ko, kaya nga palagi ko siyang pinipigilan noon na mapalapit sayo dahil baka hindi mo siya matanggap. Bestfriend ko si Mark at mahal ko siya. Ayokong masaktan siya. I used to love him either kahit pa alam kong hanggang bestfriend lang talaga kami. But I know him, ever since I know that he's into you."

"Im sorry, Jacel naiintindihan ko. Pero alam mo, may paraan para mawala ang sumpa kay Mark. May paraan para maging normal ang bestfriend mo."

"Ano?"

Itinuro ko ang aklat na nasa harap ng altar.

"Sa aklat na iyon natin malalaman ang sagot."

"Pero paano natin magagawa iyon kung nakakulong tayo?"

"Ga—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magbukas ang pulang pinto na nasa may bandang kanan. At iniluwa nito ang babaeng nakasuot ng kulay itim na damit. Maitim ang labi at sadyang napakatalim ng mga mata nito. May karga-karga siyang itim na pusa.

Lumapit ito sa kinaroroonan namin ni Jacel. Nakaukit sa maitim nitong labi ang isang ngisi.

"Crisanta! Pakawalan mo ako dito napakasama mo!"

Pero tila ba hindi ito natinag at humalakhak pa ng humalakhak. Lumipat ang tingin ko sa hawak nitong pusa. Kung ano ang kulay ng mata nito ay siya ring kulay ng mata ni Crisanta. Dilaw na may pagkaberde.

"..Hmmm.. Kuro Feliza. iyon ang pangalan nitong aking pusa" napaangat muli ang mga mata ko sa kanya.

"Pakawalan mo ako rito Crisanta!.." sabi ko at niyugyog ang bakal na rehas. "...si Mama nasaan si Mama nasaan ang nanay ko huh!"

Pero imbes na sumagot siya ay nginisihan lang muli ako nito na tila ba nang-aasar pa. Bwesit siya!

"Napakatapang mo talaga pamangkin. Malayong-malayo ka sa iyong ina. Sabagay hindi naman nakakapagtaka na kahit alam mo na kung ano ang mangyayari sayo kapag ipinagpatuloy mo ang pakikipagrelasyon sa halimaw na ginawa ko ay ipinagpatuloy mo pa din. Bilib din naman ako sayo." naglakad siya paikot sa hawla na kinaroroonan ko.

"Pamangkin? Tita mo siya?" nagtataka na tanong ni Jacel.

"Oo tita niya ako magkadugo kami. At oo nga pala Jacel Shang ako ang dumukot saiyo. Ako rin ang kumokontrol sa katawan mo noong mga panahong kailangan kong manmanan ang kilos ni Mark"

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon