*****
"Cristine ... buti naman at gising ka na .. ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Mark pagpasok niya sa clinic at dala-dala ang mga gamit ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Naalala ko ulit ang panaginip ko kani-kanina lang.
Tinitigan ko siyang maigi. Napakaamo at napaka perpekto ng kanyang itsura. Hindi! Hindi maaaring maging halimaw siya. Napaka imposible noon.
"Ano bang naisip mo at pumasok ka sa kakahuyan?" tanong niya saakin matapos siyang kumalas mula sa pagka kayakap niya sakin kanina. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.
"Sinundan kasi kita .. Pero hindi kita nakita." tumigil ako sandali ng maalala ko iyong babae kanina. Ano siya? Bakit siya lumulutang sa ere, paano siya nakapag palabas ng usok, ano kayang ang kailangan niya saakin, bakit siya nagpakita? Tumingin muli ako kay Mark" tapos bigla nalang may—" napahinto ako ulit ng pumasok ang nurse sa loob ng clinic.
"Ms. Laum gising ka na pala .. Ok ka naman na at wala ka namang sakit. Siguro ay nakaramdam ka lamang kanina ng sobrang pagod kaya ka hinimatay... Sa ngayon maari ka na munang umuwi" tumango na lang ako sa kanya bilang tugon.
Inihatid ako ni Mark pauwi. Tahimik lang siya at malalim ang iniisip. Seryosong-seryoso lang ito habang nag d-drive nakakunot pa ang noo niya at nagsasalubong ang kanyang mga kilay. Pero kahit ganun ay napakaganda parin niyang pagmasdan. Napangiti ako habang tinititigan siya. Hindi talaga .. hindi maaring magkatotoo ang panaginip ko.
"Sige pumasok ka na .. magpahinga ka huh" sabi niya sa akin nang makarating kami sa tapat ng bahay at pagbaba ko ng kotse niya. Tumango naman ako at pinasalamatan siya.
"Mag-ingat ka." nginitian lang din niya ako at tinanguan kagaya ng ginawa ko.
Binuksan ko na ang gate at pumasok hinintay muna ako ni Mark makapasok sa loob bago ito umalis.
Pagpasok na pagpasok ko ay bumungad sa akin ang tatlong pulis na nakaupo at lahat sila ay nakatingin sa akin ng diretso. Napatingin ako sa aking ina pero wala akong mabasang emosyon mula sa kanya kundi napakaseryoso nito.
"Ma anong ginagawa nila dito?" nagtataka ng tanong ko saka muling binalingan ng tingin ang tatlong pulis.
"Anak narito sila dahil .. lumabas na ang resulta ng imbestigasyon tungkol doon sa lalaking nagtangkang gumahasa saiyo."
"P-po ... ano daw po kamusta nalaman na ba kung sino ang totoong may gawa non?" magkakasunod na tanong ko. Lumapit sa akin ang isa sa mga pulis iginiya ako nito para maupo muna.
"Sa katunayan niyan Hija.." tumingin siya saakin bago muling nagsalita" Hindi pa namin matukoy kung ano o sino ang may gawa noon! Pero nakatitiyak kami na hindi ikaw ang may sala. Dahil sa lumabas na resulta ng autopsy na isinagawa sa bangkay ay durog durog daw ang buto nito sa leeg. Isang bagay na hindi kayang gawin ng isang tao lalo pa't isang kagaya mo." Tumango-tango na lamang ako sa kanya.
"Abswelto ka na sa kasong ito Ms. Laum... pero wala ka ba talagang maalala noong gabing iyon?" tanong ng isa pang kasama nitong pulis.
"W-wala na po" tumigil muna ako ng may maalala akong muli. Ang likod ng lalaking nakita noon ng bahagya akong magka malay" Pero po noong bahagya akong nagising may nakita akong isang lalaki na nakatayo sa harapan ko .. yon nga lang ho nakatalikod siya." Napatingin saakin ang tatlong pulis. Na tila ba may gusto pa silang ibang malaman na sasabihin ko.
"Lalaki?" naguguluhan tanong ng pulis.
"Opo isang lalaki. Yon lang po ang huling naalala ko. Kasi nawalan ulit ako malay." Tumango siya saakin at nangalumbaba pa pagkawariy hinimas-himas nito ang kanyang baba na tila ba nag-iisip. Alam ko imposibleng gawin iyon ng isang ordinaryong lalaki lamang. Maging ako ay nagtataka sa taong nagligtas sa akin ng oras na iyon.
BINABASA MO ANG
HALIMAW ANG BOYFRiEND KO
Horror#5.. highest rank so far.. salamat sa support wala akong pakialam kung ano ka! Kung alien ka .. halimaw ...monster .. aswang o anu pa mang tawag sayo ang importante Mahal kita!" *** enjoy reading .. vote-comment-share ^^)v