Chapter 35

2K 84 2
                                    

Sheen's POV

Bitbit ang pana na binigay sa akin ni kuya ay dali-dali kaming tumakbo ni France at nagpahabol sa mga halimaw.

"Bilisan mo bakla! Pag naabutan tayo patay ka!"

"E ano pa ba sa tingin mo ang ginagawa ko, hindi ko pa binibilisan sa lagay na ito?"

Asar na bakla ito, bakit ba kasi siya pa ang napili kong kasama e, pwede naman kasi na si ate Akane nalang. O kaya si Kuya Deansel. Mas cool pa ang mga iyon may powers!.

Hmm... Pag Nakauwi kami ng Mapayapa, magpapaturo ako kung paano nagkakaroon ng powers. Para kapag may kinaiinisan akong classmate ko i-a- adevra-kedavra ko na lang. Lalo na yung si Jenny na painosente pero bruhilda naman. Bwesit talaga sa buhay ko yon e.

"Sa likod mo bakla! Dali panain mo!" napabalik ako sa reyalidad na may mga halimaw palang humahabol saamin nitong si Francisco at mayroon ng nasa likuran ko kaya siya nagsisigaw ngayon. Kaya agad-agad naman akong kumuha ng isang palaso at saka ko ito inilagay sa pana. Wish ko lang na matamaan ko iyong si Halimaw no! Hindi naman kasi ako si Cupid na kung pumana e hindi pumapalya.

Teka ba't nasali dito si Cupid?

"Bilisan natin. Umikot tayo doon para makasunod na tayo kila Cristine, masama ang kutob ko e" suhistiyon nitong si bakla.

Binilisan lang namin ang pagtakbo. Medyo malayo na pala ang nararating namin. Malayo na kami doon sa bahay na kanina ay itinuro ni ate Cristine. Dumaan kami nitong si France sa kalapit na kakahuyan kung saan hindi na kami makikita ng mga halimaw ni Crisanta na sa tingin ko ay nailigaw na rin namin ni France.

Takbo.. Lakad ... takbo ang ginagawa namin ni France hanggang sa muli kaming makarating sa lugar na pakay namin. Hala huh! walang hiyang mga halimaw iyon. Inabot din kami ng dalawang araw para iwala sila. Ng napansin ko na wala na ang mga nasunod sa amin ay naisipan kong magpahinga nalang muna. Tiningnan ko ang quiver na dala ko at dalawang arrow nalang pala ang laman nito.

Hmm. Napapaisip tuloy ako kung lahat ba ng arrow na pinakawalan ko ay hindi nasayang lang? Ay bahala na nga ang importante nawala namin yung mga panget na iyon.

Habang nakaupo kami sa may isang puno ng balete ay bigla nalang nagdilim ang kapaligiran. Oo nga pala ngayon ang solar eclipse. Ngayon mangyayari ang plano no Crisanta kailangan na naming magmadali.

"France halika ka na, ngayon yung— ay palakang kabayong panget!" bigla nalang kumidlat at dumagondong ang malakas na kulog sa buong paligid. Hindi naman normal na kapag nagkakasolar eclipse ay kikidlat at kukulog. Hindi na maganda ito.

"Uy ang sama mo huh, lahat na ng panlalait binanggit mo!" ani France.

Tiningnan ko lang siya ng diretso saka ko siya inirapan. Ayna baklang ito nakakataas ng dugo. Masakit siya sa bangs! Promise.

Dali-dali kaming tumakbo papunta doon sa bahay at ilang sandali lang ay narating na rin namin iyon. Pagkarating namin doon ay sumalubong sa amin ang ilang mga tao na nakapalibot sa bahay na nakasuot ng itim na balabal.

"Patay na, saan tayo dadaan niyan ngayon?" biglang tanong ni France.

Iginala ko ang aking paningin at saka ko napansin na lahat sila ay besing-busy sa pag-usal ng mga salitang mahiwaga este hindi pamilyar. Tunog Latin.

Hahakbang na sana ako ng biglang may isang matandang babae ang lumapit sa amin. And wait kasama niya si Ate Jacel. Kapareho ng iba ay nakasuot din sila ng cloak.

"Ate—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang takpan ni ate Jacel ang bibig ko. "Shhht. wag kang maingay mahahalat nila tayo." pabulong na sabi niya. Tumango nalang ako bilang tugon. May inabot naman sa akin iyong matandang babae. Cloak iyon na kagaya sa mga suot nila. "Dali kailangan nating bilisan bago pa man mahuli ang lahat." wika ulit ni ate Jacel.

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon