***
Para akong napako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Crisanta sa tabi ni Mark. Pero bakit? Magkakilala na sila? Niloko niya ako. Wala siyang kwenta!
Sunod-sunod na umaagos ang luha mula sa mata ko. Tumakbo ako palayo sa kanila habang naririnig ko pa rin ang halakhak ni Crisanta na palakas ng palakas na akala mo'y hinahabol ako. At sa tuwing pumipikit ang mga mata ko'y mukha nilang dalawa ang nakikita habang naka-ukit sa kanila ang mga nakakainis na ngisi. Mga walang hiya!
Nagsisi ako nasinabing kong tutulungan ko siya. Na sinabi kong mahal ko siya! Ipiniksi ko ang luhang muling namumuo sa aking mata. Hindi dapat ako naiyak. Unti-unti na ring nawala ang boses ni Crisanta. Binagalan ko narin ang pagtakbo ko at tuluyan ng naglakad. Huminga ako ng malalim at ibinuga ito sa ere.
Hindi dapat siya iniiyakan.
Ilang sandali ay nakarating na ako sa bahay. Ala-sais na at madilim sa paligid. Wala pa si Mama. Pumasok ako at dumiretso sa aking kwarto. Pagkalao'y ununat ko ang aking likod sa aking kama. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana. Sa bintana kung saan laging nadaan si Mark dati. Muli na namang tumulo ang luha sa aking pisngi. Nakakainis bakit ba ako naniwala sa kanya!
Patuloy lang ako sa pagluha at sa mga impit na pag-iyak. Hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
****
Lumipas ang ilang buwan at unti-unti ng bumibilog ang tiyan ko. Natapos na din ang school year namin kaya wala ng dahilan para lumabas pa ako. Palagi lang akong nasa bahay. Wala akong ganang lumabas. Bukod sa iniiwasan ko ang mga tingin at bulungan ng mga tsismosang kapitbahay ay ayoko ring makita ang mga lugar kung saan kami madalas pumunta ni Mark at magkasama.
Habang nasa loob ako ng kwarto ko ay may mga narinig akong mga taong nagsisigawan sa labas. At kung hindi ako nagkakamali ay sa labas ng bahay namin iyon. Sa tapat mismo ng bahay namin. Maya't maya ay humahangos at nagmamadaling pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko.
"Anak halika na kailangan nating makaalis dito" naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Ma, bakit po? A-ano po bang nangyayari?" unti-unting gumapang ang kaba sa dibdib ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Pakiramdam ko ay may hindi maganda ang mangyayari.
"Wag ka ng maraming tanong kailangan na nating makaalis dito bago ka pa man nila saktan." sabi ni mama habang inaalalayan niya ako pababa ng hagdan.
Sumilip ako sa maliit na siwang ng bintana namin at kitang-kita ko ang mga nagkakagulong kapitbahay namin sa harapan. May mga dala-dala silang sulo, itak at mga kawayan o kung anu-ano pang armas.
"Ma anong ginagawa nila dito? B-bakit may mga dalang silang mga armas?"
Hindi sagot si Mama kundi ay may tinitingnan ito kung saan kami maaring dumaan. Balisa siya at takot na takot. Samantala ako naman ay puno ng pagtataka sa ikinikilos ng aming mga kapit bahay.
"Ma!" halos pasigaw ko nang tinawag siya.
"Ssshht ... wag kang maingay hindi dapat nila malaman na nandito pa tayo."
"Crizilda.. ilabas mo ang anak mo! Hindi dapat mabuhay ang batang dinadala niya" sigaw ng isa sa mga tao sa labas. Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ng punong barangay dito sa amin.
"Kailangan mawala ang bata" sigaw pa ng isang boses babae.
Kailangan mawala ang bata. Naparito sila para patayin ang anak ko. Ang isang inosenteng buhay. Hindi! Hindi ako papayag.
"Halika na Cristine bilisan mo habang walang tao sa likod"
Dali-dali naman akong sumunod kay Mama halos nakayuko na kaming naglalakad para lamang makatakas. Ayokong mawala sa akin ang anak ko.
BINABASA MO ANG
HALIMAW ANG BOYFRiEND KO
Horror#5.. highest rank so far.. salamat sa support wala akong pakialam kung ano ka! Kung alien ka .. halimaw ...monster .. aswang o anu pa mang tawag sayo ang importante Mahal kita!" *** enjoy reading .. vote-comment-share ^^)v