Epilogue

2.2K 79 25
                                    

After 2 years...

Inaayos ko ang buhok ko bago ko isinuot ng aking toga, muli kong pinasadahan ang aking kabuan sa harap ng aking salamain, maayos kung isinuot ang aking toga ata saka ko pinasadahan ng ang kamay para hagurin iyon.

Nginitian ko ang aking sarili mula sa salamin..

Tama dalawang taon na ang nakakaraan mula noong huling pagkakataon na nag-ayos ako. Dalawang taon na ang nakakaraan mula noong titigan ko ang sarili ko ng ganito sa salamin. Dalawang taon na ang nakakaraan mula noong araw na nagtapat si Mark saakin.

Hindi ako makapaniwala na ngayon ay gagraduate na kami, gagraduate ako ng hindi siya kasama. Nag iinit ang aking pisngi at nagbabadyang bumuhos ang aking luha. Matapos ang lahat ng nangyari sa Sta. Evila ay hindi na namin siya ulit nakita. Hindi ko alam kung nasaan siya, sila ni Crisanta. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na makikita ko pa siya. Na sana nga, sana nga buhay pa siya.

Sana nga...

Ang luhang pinipigilan ko ay unti-unti ng tumulo sa mata ko. Ramdam ko rin na ang bumubukol sa lalamunan ko, ang sakit na nararamdaman ko simula ng nawala siya na parang pinipisil at tinutusok ng libong karayom ang puso ko sa tuwing naalala ko siya. Dalawang taon na nung huli ko siyang nakita, dalawang taon na din akong nasasaktan at umaasa.

Never siyang nawala sa isip ko, sa bawat sulok ng puso ko, ng kwartong ito. Pinasadahan ko ng tingin ang aking kwarto, at napangiti ako ng magawi ako sa aking bintana, ang madalas na daanan niya.

Nakita ko si Doraemon na nakahiga sa higaan ko, pinulot ko ito at pinaka titigan. Oo nga, malalaman mo lang ang halaga ng bawat bagay kapag alam mong wala na.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

Lumunok ako at pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko ng marinig ko ang pagpihit sa seradura ng pintuan ko sa kwarto. Nilingon ko iyon at nakita ko na nakatayo doon si France.

Nginitian ko siya at gayon din naman siya saakin. Alam niya. Naiintindihan niya.

"Tara na bes, baka malate na tayo sa program." sabi nito saka niya kinuha ang kamay ko. "Um— wag ka nang umiyak! Masisira yang make-up mo nako huh! sayang ang eyeliner at eyeshadow. Mahal yan! Kaloka ka, todo-todong pagtitipid ang ginawa ko mabili ko lang iyan huh!—emp!" iyon ang paraan niya para pagaanin ang nararamdaman ko, ngumiti ako para naman di sayang ang effort niya. Kinuha niya si Doraemon na hawak ko sa kaliwang kamay ko at saka niya ito inilapag sa higaan ko. "Alam ko bes mahirap, masakit.. Pero kailangan mong tanggapin. Buhay ka ngayon dahil sa kanya, dahil nagsakripisyo siya para sayo, para sa atin. At kung nasaan man siya ngayon sigurado akong nasasaktan siya dahil malungkot ang taong mahal niya. Kaya bes, maging masaya ka na lang para sa kanya, para maging masaya na din siya." sabi niya at hinawakan ang magkabilang kung kamay, saka siya ngumiti. "Saka malay mo, hindi kayo magkasama ngayon baka sa susunod na buhay" hinila ko ang kamay ko at pinunasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan at saka ko niyakap si France.

Buti nalang at may bestfriend akong kagaya niya.

"Sana nga bes, sana nga.... Sa susunod na buhay namin, hindi na ganto" hinagod hagod niya ang likod.

"Ay nakakaloka ka. Ayoko na, pahihirapan mo pa akong mag-retouch diyan s make-up mo huh! Tama na kasi yan. Sobra-sobrang effort na ang ginawa ko para itago ang eyebags mong naging eye suitcase na. Hahaha"

Lintik na bakla to, nagdadrama na nga ako rito nagawa pang laitin ako. Psh.

"Baliw ka halika na nga makaalis na." sabi ko at hinila na siya palabas.

Ngayon ang mismong araw ng pagtatapos ng klase at ang pagtatapos ko sa kolehiyo na sa kabila ng lahat ay nakatapos din ako. Iyon nga lang wala na sa tabi ko ang taong kasama ko dati sa pangarap naito. Hay!

Lahat kami ay bumalik sa normal naming mga buhay o normal pa bang masasabi ngayong wala na siya. Si Sheen ay isinama na ng lolo ni Mark sa US. Si Jacel naman ay ganun din sa US na rin siya nagpatuloy sa pag-aaral. Nawala na din sina Deansel at Akane na hindi din napapansin ng iba naming mga kaklase. At sa lahat ng nakakakilala kay Mark ang alam lang nila ay namatay siya sa isang car accident. Na nagbakasyon kami kasama sina Deansel at nabangga ang sasakyan namin. At lahat ng iyon ay kagagawan ng mahika nilang magkapatid. Pwera sa aming mga nakasaksi. Nakiusap ako sa kanilang dalawa na huwag burahin ang mga alaala namin patungkol sa tunay na nangyari kay Mark. Para hindi namin makakalimutan kung ano ang sakripisyo na ginawa niya para sa amin...saakin.

~*~

After ng graduation ceremony ay nagpaalam ako kay mama na maiiwan na muna ako dito sa school, pinauna ko na silang umuwi, alam ko may hinanda si mama para sa akin at may konting salo-salo sa bahay mamaya.

Pero mas gusto ko muna mapag isa, bago ako magpaalam sa school na ito ay nakapag desisyon ako na maglibot-libot muna. Sa school lang din ginanap ang graduation since malawak ang school at may sariling function hall.

Inalis ko ang suot kong toga at inabot iyon kay mama. Agad naman silang umalis kasama ni France. Pagkatapos noon ay nag lakad-lakad na ako papunta sa likurang bahagi ng school doon sa may mga puno kung saan nakalagay ang hile-hilera ng bench sa silong ng bawat puno. Naupo ako sa isa sa mga iyon.

Naglakad-lakad lang ako at pinagmamasdan ang paligid, nakarating ako sa parte ng school kung saan may hile-hilera ng bench bawat puno. Naupo ako sa isa sa mga yon. Dito, dito sa punong ito una kong nakausap si Mark. Sariwa pa sa alaala ko ang lahat ng pangyayaring iyon. Napangiti ako ng bahagya. Baliw siya! Baliw ang lalaking iyon. Kaya hindi ko siya makalimutan e, lahat na yata ng kabaliwan ginawa niya. Iniangat ko ang ulo ko at may nakita akong nakaukit sa katawan ng puno sa may bandang itaas nito.

Sumampa ako sa bench na kinauupuan ko kanina para mas makita kong ano ang mga nakasulat doon. At marahan akong natawa ng mabasa ko kung ano ang nakasulat.

This tree is property of Mark Skyler and Mark Skyler only!

This tree is property of Mark Skyler and Mark Skyler only!

Kahit kailan talaga may pagka-childish siya. Kung maka-angkin ng puno. Psh. Naghanap ako ng bato o kaya ay anumang matalas na bagay. Nang makakita ako nagbalik ako doon sa puno at ini-scratch iyong pangalan niya na nasa huling bahagi ng sentence at pinalitan ko ng pangalan ko. Baliw na kung baliw. Pero kahit ito lang kahit pangalan lang namin ang magkasama masaya na ako. Oo mababaw na kung mababaw... Ganto pag inlove.

Then I decided na umuwi na lang dahil mababaliw na ako sa lugar na ito. Literal. Kasi kung saan sulok ko igala ang paningin ko ay naaalala ko siya. Naririnig ko ang boses niya at maging ang pagtawa niya. Nakakainis din kasi talaga ang tadhana. Napaka daya niyang maglaro e.

Nang makalabas ako ng gate ng school ay may na daanan akong mga batang nag kumpulan sa isa sa mga puno na nasa gilid ng kalsada na malapit sa park. At sa punong iyon ay may nakasabit na lobo. Maya't maya ay may nakita akong isang lalaking umakyat sa puno at kinuha iyong lobo. Ng makalapit ako ay sakto rin bumaba ang lalaki. Nakasuot siya ng formal attire na kulay light pink. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Yung likod niya. Yung way ng pagtayo niya at— yong buhok niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyon...

Biglang lumingon ang lalaki ng inabot niya ang lobo sa bata. Nag-slo mo pa ang lahat, pati yong ngiti niya parehong-pareho sila. Iniangat nong lalaki ang mukha niya kaya nagtama ang mga mata naming dalawa. Nakangiti siya. Siya nga.. Si Mark! Buhay siya.

"Mark..." halos pabulong na sambit ko ng unti-unti ng umaagos ang luha sa mga mata ko. Otomatikong kumilos ang mga paa ko at mabilis na tumakbo palapit sa kanya saka ko siya niyakap. "Buhay ka, bumalik ka.. Buhay ka."

THE END...

 ~~~*~~~

Hi dear,

Just to let you know I am the author of this story, choos.

I have been editing this for sometime now, I have changed some dialogues, some words and some scenes. I did this so I can work on book 2 since it's been stuck for a while. It's just that I started writing this when I was 17 or 18 and the fact that I am now 27 is a long gap.

I have to refresh my memories, so I can continue writing the other part. I'm gonna make it short.

That's all

Thanks.

Maj. 

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon