Chapter 17

2.6K 123 4
                                    

****

"Itim na mahika ... Nilikha siya ng itim na mahika"

Natahimik kaming lahat at lahat kami ay nakatingin lang sa nakatayong si Jacel sa likuran ni Mark. Samantala si Mark naman ay kunot ang noo na nakatingin sa kawalan.

"Itim na mahika? Paano mo nasabing ang nilalang na ito ay nilikha ng itim na mahika. At kung nilikha siya... Sino ang lumikha sa kanya. Si Satanas?" sarkastikong komento ni France "Nakakaloka yan Jess huh!" sabi nito saka pa tumawa. Maging si Dennise ay natawa narin.

Subalit nanatili lamang na seryoso ang tatlo pa naming kasama at ako naman ay naguguluhan sa mga sinabi ni Jacel... Itim na mahika... Paano nangyayari ang ganoon. Totoo ba ang magic..

At tila ba nabasa naman ni Deansel ang nasa utak ko.

" May dalawang uri ng mahika sa mundo at totoo yon .. Iyon ay ang Black magic at White magic na ginagamit ng mga sorcerer o witch. " Tumigil siya at tumingin sa amin. "Ibig sabihin noon ay hindi mismo si Satan ang lumikha kundi... Kundi isa sa mga taga-sunod niya, isa sa mga naniniwala at sumasamba sa kanya."

"Illuminate?" kunot-noo na tanong ni Francisco.

"Marahil ... Pero maaring isa itong mortal na humingi ng kapangyarihan sa demonyo kapalit ng kanyang kaluluwa. O kaya naman isang anghel na ipinatapon ng Diyos dahil sa pagtataksil." Sagot ni Akane.

Para akong ewan na at mababaliw ang utak sa mga sinasabi nila. Hirap na hirap itong i-process ang bawat salitang sinasabi nila. Napatingin ako kay Jacel na nakatayo parin sa likuran ni Mark at si Mark naman na walang emosyong nakikinig sa dalawa. Biglang kumorti ang isang pagngisi sa labi ni Jacel saka niya ako binalingan ng tingin. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay iba ang pakiramdam ko sa Jacel na nasa harapan ko ngayon. Parang ang bigat at para bang ... Nakakatakot. Maya't maya pa ay bigla nalang siyang tumalikod at umalis sa grupo namin.

"May saltik yata iyon" seryosong komento ni Dennise na hanggang ngayon ay sinundan ng tingin si Jacel habang papalayo siya saamin.

Oo nga napakawirdo ng babaeng iyon simula noong naging malapit ako kay Mark.

"Anong magic naman ang ginagamit ng mga magician?" tanong France, at hindi ko din maipaliwanag na dahilan ulit ay bakit naitanong niya iyon. At para bang wala lang sa kanya ang sinabi ni Jacel na lagi niyang sinasabi na mabait or what.

" Ang ginagamit nilang mahika ay hindi totoo. Isa itong ilusyon. Ang mahika nila ay ang kumbinsihin tayong totoo ang ginagawa nila kahit alam natin sa sarili natin na isa lamang itong ilusyon.." sagot ni Akane.

"White Magic? ... Black Magic? ... bakit tila yata napakarami mong alam tungkol sa ganyan. Deansel?" naguguluhan tanong ni Dennise. Maski ako ay naguguluhan din sa ibig sabihin ni Deansel.

"Magbasa kasi kayo ng may alam kayo." sagot niya saamin. Sabagay palabasa talaga itong si Deansel kahit simula pa noong naging kaklase ko siya madalas siyang nasa library kasama si Akane.

"Maaaring ang nilalang na ito ay ginawa ng isang sorcerer o witch. At ito ay—"

Hindi naituloy ni Akane ang sasabihin niya ng bigla nalang ...

"Excuse ..." sabi ni Mark saka ito umalis at tumakbo palayo saamin.

"Problema non?" tanong ni Dennise

"Baka natatae," sagot naman ni France, tsk ewan ko sa mokong na ito ano pinagsasabi. Nagtatawanan lang sila at ako naman ay napatingin sa dako kung saan nagpunta si Mark. Kanina ko pa siya nakikitang balisa at parang may kung anong siyang pinipigilan. Maya't maya ay nakita ko na lamang ang sarili ko na tumayo at naglalakad papunta sa kung saan tumakbo si Mark. Patuloy lang ako sa paglalakad na kahit naririnig ko ang pagtawag sa akin ng mga kasama ko ay hindi ko sila pinansin. Hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa likod ng eskwelahan sa dulong bahagi nito. Ipinagbabawal nila ang pagpunta sa lugar na ito dahil sa pinaghihinalaang may bantay raw dito yung parang engkanto or kunga anoman na minsan sinasabi ng mga matatanda. Masukal ang mga damo rito at nagtataasan ang mga puno na may mayayabong ang dahon. Halos dumilim na nga sa loob nito dahil natatakpan na ng mga dahon ang sinag ng araw.. Tanging maliliit na liwanag lamang ang tumatagos rito mula sa makapal at malalapad na dahon.

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon