****
Cristine's POV
"Cristine," malamig ang boses ng babae iyon at para bang napakalamyos pakinggan. Nakakahalina at para kang idinuduyan sa ere.
"S-sino ka?" tanong ko sa kanya.
"Hindi na mahalaga kung sino ako kailangan mo ng magmadali bago pa mahuli ang lahat."
"Mahuli ang lahat?" nagtatakang tanong ko.
"Sa pagtakip ng dilim sa liwanag, makakamtan ang matagal ng hinahangad. Kaguluhan at kasakiman, iyong masisilayan. Matatapos ang lahat ng kasiyahan at mapapalitan ng kalungkutan.
"H-Hindi kita maintindihan.. Anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko at nanatiling nasa harapan ko ang kamay ko para harangan ang nakakasilaw na liwanag.
Pilit kong inaaninag ang mukha ng nagsasalita pero hindi ko talaga magawa dahil sobrang nakakasilaw ito.
"Sa pagtakip ng dilim sa liwanag, hindi na maibabalik ang nawala."
Imbes na sagutin ako ay nagbitiw muli siya ng matalinghagang salita.
"P-pasensya na po pero kasi hindi ko po talaga kayo maintindihan." sagot ko sa kanya.
"Imulat mo ang iyong mga mata Cristine" sabi nito.
Imulat ang mata? A-ano?
"P-pero-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil unti-unti ng nawawala ang liwanag. Unti-unti itong naglaho na parang bula. Nagdilim ang buong paligid. Napakalamig.
Imulat ang aking mata?
Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahang iminulat ang mga ito. Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng madilim na sulok. Nasaan ako?
May nakita akong mumunting liwanag. Malabo, kaya muli kong ipinikit ang aking mga mata at iminulat tatlong beses ko itong ginawa hanggang sa naging malinaw ang aking paningin. Inilinga ko ang aking mga mata at nakita ko ang aking paligid. May mga nakasinding sulo sa bawat sulok ng kwarto. Maluwang ito kaysa doon sa naunang kwarto kung saan kami nakakulong ni Jacel. Kagaya doon ay may altar rin ito. Sa harap ng altar ay nakaukit ang isang simbolo na kagaya ng nakaukit sa itim na libro ng karunungan. Isang bituin na nasa loob ng buwan o hugis bilog. Na inukit gamit ang kulay ginto.
Maglalakad na sana ako ng marinig ko ang pagtunog ng tila maliliit na bakal at naramdaman ko ang bigat sa aking paa. Nakakadena ako. Ng lingonin ko iyon saka lang nahagip ng mata ko ang sugat sa aking palapulsuhan. At doon ay unti-unti kong naramdaman ang pagkirot nito.
"Jacel.." sigaw ko nag babaka sakali ako na marinig niya ako. O kaya ay malapit lang siya sa akin.
Ngunit, wala akong ibang narinig kundi ang sarili kong boses na nag-e-echo sa buong lugar. Muli kong nararamdaman ang aking takot. Hindi ko alam kung nasaan ako, kung saan na naman ako dinala ni Crisanta.
Bwisit talaga ang bruhang iyon pag ako naka labas rito, kakalbuhin ko siya ng bongga!
Pinilit kong makawala sa pagkakatali saakin ni Crisanta. Pinilit kong makawala sa kadenang nakagapos sa aking mga paa. Pero bigo ako, hindi ko ito kayang alisin at tanging ang pagkalansing lang nito ang tangi kong naririnig. Paano ako mamakatakas rito? Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sa bawat paggalaw ko at paghigit ko sa aking paa ay nasasaktan ako. Dahan-dahan ng tumulo ang luha ko. Tinigilan ko na rin ang pagtatangka na tumakas. Hindi ko ito magagawa.
Ilang sandali ng katahimikan ang namayani sa buong lugar. Nakaupo lang ako sa isang tabi habang nakadukmo ang aking ulo na nakapatong sa aking mga tuhod. Na may marinig akong maliliit na yabag. Kahit na natatakot ako ay nilakasan ko pa rin ang loob ko para magtanong.
BINABASA MO ANG
HALIMAW ANG BOYFRiEND KO
Horror#5.. highest rank so far.. salamat sa support wala akong pakialam kung ano ka! Kung alien ka .. halimaw ...monster .. aswang o anu pa mang tawag sayo ang importante Mahal kita!" *** enjoy reading .. vote-comment-share ^^)v