Chapter 34

2.3K 139 12
                                    

Mark's POV

Kinaumagahan, maayos na ulit ang pakiramdam ko kumpara kagabi na para akong lantang gulay. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako nilason ni Crisanta dahil base sa mga sinabi ni Luna sa akin ay iisa ang nararamdaman namin ni Crisanta na kapag mahina ako ay nanghihina rin siya. Hindi ko maintindihan.

"Mark," nilingon ko ang likuran ko upang tingnan siya. Kagaya ng tipikal na babae kapag bagong gising ay magulo ang buhok niya. Pero ganun pa man ay napakaganda pa rin niya. Ngumiti siya saakin "Ke-aga-aga nakasimangot ka, ngiti naman diyan, sige ka magkaka-wrinkles ka mababawasan ang kagwapuhan mo" sabi niya, kaya naman unti-unti akong napangiti. Mabuti nalang at may isang babaeng hindi pumapalya para pagaanin ang loob ko. "O ayan edi ngumiti ka din. Mas gwapo ka pag nakangiti" sabi nito at saka hinalikan ako sa pisngi. "Tara kumain muna tayo bago tayo umalis," sabi niya at hinila ako.

Bumuntong-hininga ako."Hindi ka ba natatakot?" tanong ko sa kanya at sinagot naman niya ako kung saan "Natatakot para sa atin kasi ako oo natatakot ako para sainyo, para kay Sheen at lalo na para sayo." Naglalakad kami pabalik sa camp, kanina kasi pagkagising ko habang tulog silang lahat ay naglakad-lakad muna ako. Gusto kong mapag-isa at mag-isip-isip.

"Mark, malalagpasan natin lahat ng ito. Tiwala lang makakawala ka sa sumpa ni Crisanta. Magiging maayos ang lahat gagawa tayo ng paraan para mangyari iyon. Okay?" magiliw na sabi nito. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob pero nakukumbinsi na niya ako na mag-tiwala.

Tumango nalang ako. Tiningnan ko siya habang naglalakad nakapulupot ang braso niya sa braso ko at habang nakangiti. "Oh mabuti naman at kumasya sayo ang damit ni Sheen"

"Oo nga halos magkasukat lang kami." sabi niya hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Halos sukat nga sa kanya ang damit ni Sheen. Hindi na nakapagtataka sa dahil malaki nga si Sheen para sa edad niya.

Nakarating na kami sa camp at naroon ang lahat nagsasalo sa pagkain. Nakisalo na din kami ni Cristine, kumuha siya ng isang disposable plate. Sabi niya share nalang daw kami sa isang plato.

——————*

"Malapit na tayo, doon sa likod ng malaking puno na iyon. Naroon ang isang bahay o baka templo iyon. Diyan ako iniwan ni Lola Melva. Noong tinulungan niya akong makatakas. Sa bandang yon ang likuran ng bahay na iyon." sabi ni Cristine sabay turo sa isang mayabong at matandang puno ng akasya. Napakalapad ng katawan nito, mula rito sa kinatatayuan namin. Narito pa rin kami sa loob ng gubat at nagkukubli sa makakapal na talahib. Nagkalat ang ilang halimaw sa paligid. Padilim na rin sa buong paligid ng makarating kami rito.

"Kailangan muna natin linisin ang dadaanan natin kailangan mawala ang mga halimaw na iyan" sabi ko.

"Magpapahabol kami ni bakla tapos kayo dumiretso na kayo roon sa loob" suhistiyon ni Sheen.

"Nahihibang ka ba? Edi natuwa ang mga halimaw na iyan at may pang hapunan na sila" pangongontra ko sa kanya.

"Oo nga naman girl. Sayang itong beauty kong naka-conceal paano nalang ang prince charming ko di ba. Edi tumanda siyang mag-isa kapag kinain ako ng mga beast na iyan. Ayoko nga!" wika naman ni France. Kaya siya binatukan ni Sheen kaya napa-aray siya.

"Kahit kailan talaga duwag ka! Malamang magpapahabol nga tayo di ba. Saka sino ba naman ang may gustong maging hapunan ng mga nilalang na iyan syempre wala." sabi niya at hinarap ako" Kuya, trust me about this one. Promise mag-ingat ako magkikita pa tayo saka sesermonan mo pa ako ng katakot-takot pagbalik natin sa Mapayapa di ba. Kaya sige na pumunta na kayo doon kami na bahala rito. Mag-ingat ka kuya huh! Mabubuhay ka, papagalitan mo ako tapos magpapakasal pa kayo ni ate Cristine tapos—tapos gagawa pa kayo ng maraming baby... para may mahiram ako sayo.— Pero bago iyon kuya dapat walang monster sa loob mo ayoko magkaroon ng pamangkin na tiyanak no!—" kaya pinitik ko siya sa noo. Ang dami-dami na niyang sinasabi." Aray kuya! kanina ka pa huh!" reklamo niya..

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon