Yey ! so muli po akong nagbabalik Hehe ^^
Cristine's POV
"Ouch! " Daing ko .. paano ba naman kasi sa lakas ng impact ko sa pagkakabunggo kung ano man ang nabunggo e napaupo pa ako. Mukang poste yata ang hard e!
"Aray ko po!" sabi ko habang hinahaplos ang puwet kong nauntog sa sementong hallway.
"Miss ayos ka lang pasensya ka na" Isang lalaki ang nagsalita tapos inabot yung kamay niya para tulungan akong tumayo agad ko naman inabot yon ng di siya nililingon. Pinagpag ko muna ang palda ko saka ako tumingin sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita siya...
Totoo ba ito may ganitong tao. Muka siyang manikang buhay ... manikang lalaki. Yong mga mata niya na bilugan.. Full eyelashes na curly pa, yung kilay niyang itim na itim na makapal. Tapos yong lips niya na pulang-pula. Red as Rose. Idagdag mo pa ang kutis niyang paled white na makinis. Mas maputi pa nga yata siya saakin eh
"Miss sorry huh"
Matapos niyang sabihin yon ay bigla siyang naduduwal at itinakip pa niya yong palad niya sa bibig niya.
Teka nasusuka ba siya?
Dahil sa akin?
"Hoy mister! Mukha ba akong nakakasuka! Huh! Kung makaarte ka jan kala mo naman! " sabi ko at bahagyang inamoy-amoy ang sarili ko. "Naligo ako kanina isa pa mabango naman ako a! Kapal mo huh !
Pero hindi siya naimik. Patuloy lang siya sa pagduduwal niya, di kaya! Huh! "Tomboy ka ba? baka buntis ka!"
Umiling -iling lang siya. Namumula na siya marahil siguro sa pagpipigil.
"E-excuse me miss! " sabi niya lang saka niya ako iniwan nakatanga.
Napakamot nalang ako sa ulo ko at ipinagpatuloy ang paglalakad. Iniisip ko pa din yung itsura nong lalaki kanina.
Hmm ..
Teka! napanood ko na ang eksenang yun ah.
Huh! Ano feeling niya siya si Edward Cullen! Duhh asa siya! Sipain ko siya papuntang pluto e!
Pagdating ko sa room ay nakita ko si Francisco Ibarra, joke! haha si Francisco Mahusay sino pa edi ang BEAST-friend kong Beki.
"Isko. Sabihin mo nga sa akin nakakasuka ba pagmumukha ko!" yun agad yong tinanong ko. Hindi kasi mawala sa utak ko yung eksena kanina e.
"Ay oo bes. Sobra!" sagot niya kaya naman inangat ko ang kamao ko at sinamaan siya ng tingin.
"Di joke lang bes! ganda mo kaya. Bakit ba natanong mo? " tanong nito.
"Amoyin mo nga ako. " utos ko sa kanya sabi ko na siyang nag-pakunot naman sa noo niya dahil doon. "Dali na kasi.. "
Inilapit naman niya ang kanyang mukha saakin at inamoy-amoy ako
"Di naman ako mabaho diba? " tanong ko sa kanya.
"Hindi bakit ba kasi? " tanong niya sa akin na nakakunot ang noo.
"Umm wala! " tipid na sagot ko.
****
Hours Later***
Nasa locker room ako para ilagay ang ilan sa mga gamit ko. Tsk ang bigat e!
"Hoy! Malandi!" sigaw ng isang babae pero di ko siya pinansin. Duhhh di naman ako malandi no!
"Siguro sinadya mong buguin kanina si Prince Skyler no! para mapansin ka niya! sinasabi ko na nga ba e pasimpleng malandi ka! .. sigaw ulit nang babae
"Yeah right girl!" sulsol pa nung kasama nia
BINABASA MO ANG
HALIMAW ANG BOYFRiEND KO
Horror#5.. highest rank so far.. salamat sa support wala akong pakialam kung ano ka! Kung alien ka .. halimaw ...monster .. aswang o anu pa mang tawag sayo ang importante Mahal kita!" *** enjoy reading .. vote-comment-share ^^)v