Chapter 13

3.2K 158 5
                                    

Mark's POV

"Sige pare, bukas nalang" nagpaalam ako kay Geo ang isa sa mga kaklase ko. Bago kami tuluyang maghiwalay.

"Sige pre" sabi naman nito atsaka nag umpisa maglakad na papunta sa kung saan naka-park ang sasakyan niya. Naglakad na rin ako sa may kung saan nakapark ang kotse ko. Galing kasi ako sa loob ng isang fast food chain kanina. Nagkasabay kami ni Geo kaya kami magkasama di naman kasi kami close or friends. Iniiwasan ko kasi ang makipagkaibigan pag mas marami ka kasing kaibigan maraming kang binibigyan ng karapatan para panghimasukan ang buhay mo, maraming nakikialam. Hindi ka makagalaw ng malaya, at dahil sa kalagayan ko na hindi normal na tao kailangan kung mag-ingat. Ayoko ng maraming kaibigan o mga nakakakilala sa akin mahirap na baka malaman pa nila kung ano talaga ako.

So ayon, mga ilang hakbang lang naman ang layo kung saan ako nagpark kaya mabilis lang akong nakarating sa kotse ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko ng makita ko si Cristine na nagmamadaling lumabas sa isang bookstore may yakap itong isang supot.

"Cristine" tawag ko sa kanya pero hindi niya yata ako narinig at dire-diretsong lang siyang naglakad.

Nagmamadali naman akong pumasok para habulin siya at upang ihatid na lang dahil anong oras na, madilim na din ang paligid. Sa pagmamadali kong ilagay ang susi sa keyhole ng kotse ko ay nalaglag naman ito.

"Ay bwisit talaga!"

Kinapa-kapa ko ang susi para ilinga ang aking paningin upang hanapin sa paligid si Cristine. Di naman ako na bigo dahil nakita ko itong kinakausap ang isang tricycle driver. Patuloy padin ako sa pagkapa pero hindi ko talaga ito mahanap. Maya't maya pa ay umalis na si Cristine naglakad na ito papalayo sa driver na kausap niya kanina.

"Ay ano ba yan asan ka na ba!" nagmamaktol ako ng di ko mahanap ang susi nakanina ay nalaglag mula sa dashboard.

Hanggang sa napilitan akong yumuko at ilawan ang silong ng dashboard ng kotse. Agad ko naman itong nakita at inilagay sa keyhole para ma-start na ang kotse. Muli akong sumilip kung saan ko huling nakita si Christine pero wala na siya. Hindi ko na siya makita, nagmamadali kong pinaandar ang kotse at pinatakbo ito at nagpunta sa direksyon kung saan nakita kong naglakad si Cristine. Iisa lang naman ang daan na nandoon kaya iyon lang ang dinaanan ko.

Nilinga-linga ko ang aking paningin pero hindi ko makita maski anino ni niya.

"Ang bilis naman niyang mawala"

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa nakarating ako sa Devils Lake Park. Napadaan din ako sa lugar kung saan ko iniwan ang katawan ni Summer. May nakatirik na kandila doon at mga bulaklak sa tabi ng isang puting krus.

"Kawawang Summer, napakalandi kasi tsk! .. Well thanks to her anyway I feel better because of her"

Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho pero wala akong nakitang Cristine sa daan. Imposibleng mawala siya ng ganun kabilis. Nakakapagtaka para sa normal na kagaya niya.

Dahil wala talaga akong makita. Bahagya kong hininto ang kotse at napagpasyahan ko na lang na mag palit anyo isang halimaw. Mas madali para sa akin ang hanapin siya kapag ganito ako dahil mas malakas ang senses ko kapag ganito ang anyo ko.

Kasing linaw ng umaga ang gabi sa aking paningin. Malakas ang aking pandinig, maging ang aking pang-amoy.

Pagkapalit ko ng anyo ay agad kong narinig ang hiyaw ng isang babae.

"Bitawan mo ako hayop ka .. Ahhhhhh!"

"Si Cristine.. Si Cristine 'yon"

"Sinabi ng wag kang maingay e,!"

Boses lalaki hindi kaya..

Dali-dali akong bumaba ng kotse at hinanap kung saan nanggaling ang mga boses na iyon. Sumisinghot-singhot ako para malaman kung saang direksyon sila ng matukoy ko kung nasaan sila ay kumaripas agad ako ng takbo.

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon