CHAPTER 26

2.2K 81 7
                                    

***

Naglalakad ako sa may pasilyo papasok sa silid-aralan namin ng nakasalubong ko si Mark nakasuot sa kanya ang kanyang puting headphones. Nginitian ko siya pero para bang hangin lang akong dinaanan niya. Hindi niya ako pinansin. Ang ngiti kaninang suot ko ay parang bulang bigla nalang naglaho. Para namang may kirot sa puso ko at may kung ano ang bumukol sa lalamunan ko.

Dumiretso na lamang ako sa silid namin at nakita ko roon si France, nakaupo sa tabi kong desk, kung saan nakaupo si Mark. Naupo ako sa tabi niya. Wala pa naman ang prof. namin kaya malaya pa magdaldalan ang mga estudyante. Pero ako para akong lutang at wala akong ganang magsalita. Iniisip ko ang ikinilos ni Mark kanina. Hindi naman siya ganoon, dati ay siya pa ang bumabati sa akin at siya ang madalas kong esnabin.

Maya't maya ay pumasok si Jacel sa room at kasama si Mark na nakaakbay sa kanya. Sinundan ko sila ng tingin, mala nag slo-mo pa, biglang lumingon saakin si Jacel at unti-unting umukit ang mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. Patuloy pa din akong nakatingin sa kanila hanggang sa makaupo sila.Inantay ko na maupo si Mark sa tabi ko pero hindi niya iyon ginawa. At para bang wala ako sa kanya. Wala ang lahat. Tila ba parang may libo-libong kutsilyo ang tumarak sa aking dibdib at nagsimula ng mapuno ng tubig ang aking mata na nagbabadyang tumulo na. Nakatingin lang ako sa likuran nila.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking pisngi. Hindi dapat ako umiiyak! Kakausapin ko siya mamaya. Baka may ibang rason siya kung bakit niya ako iniiwasan baka may mas matinding dahilan kung bakit. Tama, kakausapin ko siya mamaya.

"Bes okay ka lang tulala ka diyan" napabalik ako sa reyalidad ng magsalita sa tabi ko si France. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko din napansin na nasa harapan na pala ang prof at kanina pa dada ng dada.

Tumango lang ako bilang sagot kay France. Wala ako sa mood makipag daldalan sa kanya ngayon.

Natapos ang klase at inabangan ko talaga na lumabas si Mark ng classroom namin. Nagpunta siya ng parking lot.

"Mark" tawag ko sa kanyang pangalan ng akmang papasok na ito sa kanyang kotse. Natigil naman siya pero hindi niya ako nilingon.

"May problema ba?" pinipilit kong ayusin ang boses ko. Alam ko na nagka-crak na ito ngunit ayoko ipahalata ito sa kanya."Pwede mo namang sabihin sa akin e. Hindi yung ganito, iniiwasan mo ako" pagpapatuloy ko. Ngunit wala akong nakuha na sagot sa kanya.

"Tsk!" narinig kong bigkas nito at ipinagpatuloy ang pagpasok sa kotse niya. Isinuot niya muli ang headphones niya at pinaandar ang kotse.

Pakiramdam ko ay nilalamig ako at para bang nanginginig ang buong katawan ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko na anumang oras ay matutumba ako. Bakit bigla siyang nagbago? Dahil ba nakuha na niya ang gusto niya? Kaya ba ganun na lang yon? Para akong paulit-ulit na pinipiga ang puso sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nag-unahan ng tumulo ang luha ko.

***

Dumaan ang ilang araw at linggo na patuloy paring hindi ako pinapansin ni Mark sa hindi ko malamang dahilan. Si Jacel palagi ang kasama niya. Ito ba ang sinasabi sa akin ni Jacel na binabalaan niya ako. Dapat na ba akong magsisi dahil naniwala ako sa kanya. Halimaw talaga siya literal na literal! Hindi lang sa pisikal kundi pati na rin sa buong pagkatao niya.

Nakaupo lang kami ngayon ni France sa silong ng umbrella tree kung saan kami madalas pumwesto. At ngayon kaming dalawa nalang talaga ulit. Wala nang iba dahil ang mga kasama namin dati ay nasa tabi na ni Jacel at ang masakit kung paano ako itrato dati ni Mark ay yun ang ginagawa niya kay Jacel. Masakit nga pala talaga ang mainlove.

Pasulyap-sulyap lang ako sa kinaroroonan nila. At habang ginagawa ko iyon ay paulit-ulit kong sinasaktan ang sarili ko. Tumulo muli ang mga luha ko.

"Bes okay ka lang? Palagi ka nang ganyan. Bigla ka nalang iiyak tapos pag tinatanong ka hindi ka naman sumasagot."

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon