3days Before.
Mark~~
Nagmadali akong kumuha ng ilang gamit at isinilid sa backpack ko. Nabanggit sa akin ni Tita Crizilda na malayo raw dito sa mapayapa ang maaaring pagdalhan ni Crisanta. Kapatid niya si Crisanta kaya maaring alam niya nga kung nasaan ito.
Masyado na akong nababahala kaya hindi ko na maayos na na ilagay ang mga gamit basta ko nalang ito isiniksik ng isiniksik sa bag ko. Halos mga pagkain at ilang kagamitan lang ang nilagay ko sa bag.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay agad na bumungad sa akin ang mukha ni tita Crizilda na nag-aalala at si France na nakaupo lang sa couch. Kailangan na naming kumilos ng mabilis dahil kung hindi baka kung ano na ang mangyari kay Cristine.
"Halina ho kayo tita, France dito ka nalang muna samahan mo nalang dito si Sheen." Akmang aalis na sana kami ng biglang sumulpot itong si Sheen na nakabihis pa at may backpack din.
"I'll go with you, Kuya" walang anu-anong sambit niya. Nahihibang ba siya? Wala nga siyang ideya kung ano ang pinag-usapan namin o kung ano ang panganib na haharapin namin. "Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo. And I know I can help"
"Are you insane? Hindi ka maaaring sumama sa amin. Baka mapahamak ka pa. Isa pa, you don't have any idea kung saan kami pupunta"
"Basta sasama ako sa ayaw at sa gusto mo." pagkasambit niya noon ay nauna na siyang naglakad palabas ng pinto.
Hinabol ko siya para pigilan at pabalikin sa loob hindi siya maaring sumama dahil baka masaktan lang siya ako ang mananagot sa nanay niya at kay lolo.
"Hindi ka pwedeng sumama! Ano ba ang mahirap intindihin sa mga sinabi ko?" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinaharap sa akin. Antigas ng ulo niya. Talaga!
"Kuya, I can help. And you need me." sabi pa nito na wala man lang ka-emo-emosyon ang mukha.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo huh!"
Tinitigan lang niya ako at saka siya nagsalita.
"May i-tatanga ka pa ba Kuya? See saan ka ba nakakita ng taong malambot ang ulo? Duhh! And sa ayaw at sa gusto mo sasama ako sayo at wala kang magagawa doon!" pagkasabi niya noon ay tinaasan pa niya ako ng kilay. Aba't namilosopo pa.
"Aba—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Tita Crizilda sa likuran ko.
"Mark, kailangan na nating umalis." sabi nito.
"Sige po tita, " pero hindi ko siya nilingon kundi nakatuon pa din ang tingin ko kay Sheen at sinamaan ko siya ng tingin. "Dito ka lang hindi ka aalis at ako ang masusunod dahil ako ang mas nakakatanda sayo! Naiintindihan mo ba!" Pinagkadiinan ko ang sinabi kong iyon kay Sheen at pag ganoon na ang tono ng pananalita ko alam niya na kung ano ang mood ko.
Naglakad na kami papunta sa kotse at si Sheen ay naroon pa din sa kinatatayuan niya na nakatingin sa akin ng masama.
***
"Saan po ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay tita Crizilda dahil napapansin ko kasi na ang daan na itinuro niya sa akin ay ito yung daan kung saan dumadaan si Cristine kapag naglalakad lang siya pauwi.
"Hindi natin kayang harapin si Ate kung tayong dalawa lang kailangan natin humingi ng tulong."
"Kanino po?"
"Itabi mo diyan" itinuro ni tita ang isang poste ng kuryente. Sa kalayuan noon ay nailawan ng headlights ko ang isang kubo na halos magiba na sa sobrang kalumaan. Sa pagkaktanda ko ay dito ko nakita yung babaeng wirdo na kumausap kina Cristine.
BINABASA MO ANG
HALIMAW ANG BOYFRiEND KO
Horror#5.. highest rank so far.. salamat sa support wala akong pakialam kung ano ka! Kung alien ka .. halimaw ...monster .. aswang o anu pa mang tawag sayo ang importante Mahal kita!" *** enjoy reading .. vote-comment-share ^^)v