***
"Eh, bakit naman daw ba bes?" tanong sa akin ni France kinuwento ko kasi sa kanya ang naging reaksyon ni Mama kahapon.Naka Lunch break kami ngayon kasama namin si Deansel at Akane. Nasa labas na kami ng canteen at ngayon ay nasa isang round table kami sa madalas namin tambayan ni France.
"Ewan ko ba, ang alam ko lang sabi niya nalaman daw niya na anak siya ni Marcos." sagot ko sa kanya bago ako muling sumubo ng kinakain naming cheese curls.
"Oh, E ano namang meron sa Daddy niya?"
"Malay ko hindi na niya sinagot ang tanong ko tsaka gusto pa nga niya ay lumipat kami ng bahay hindi nga ako pumayag paano na lang tong pag-aaral ko scholar lang ako dito bes di ba sayang naman."
Tango lang ang itinugon niya sa akin. Hindi na din ako umimik atsaka nakinig nalang ako ng mga lessons na nirecord ko kagabi. Na kahit pa sobrang gulo ng ng isip ko dahil sa mga nangyayari ay nagawa ko pa rin ang mag-record nito. Mahirap kasi ang may pinangangalagaan ang grades, hindi kasi ako ipinanganak na mayaman.
Idinukmo ko ang ulo ko sa mesa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Maya't maya ay nagising nalang ako ng mag-isa wala ng katao-tao sa paligid ne walang kaingay-ingay. Inalis ko ang earphones sa tenga ko at saka nag palinga-linga. Ako lang talaga ang tao rito. At ang mga dahong inililipad sa bawat pagsipol ng hangin. Tatayo na sana ako ng biglang magdilim sa paligid ko. Para itong naglalakad at unti-unting kinakain ang liwanag.
Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Mabibigat na din ang paghinga na ginagawa ko. Maya't maya pa ay may narinig akong huni ng paniki. Mula sa isa ay parami ito ng parami. Inikot ko ang aking paningin para hanapin kung saan nanggaling ang huni ng mga paniki na iyon. Subalit isang bulto ng tao ang nakita ko.. Mapula ang mata niya mula sa madilim na bahagi. Napansin ko rin na nakalutang siya sa ere. Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na ito at nakangisi. Siya ang babaeng nakita ko sa kakahuyan.
Tatakbo na sana ako ng i-angat niya ang kamay niya sa ere at mabilis na ibinaba pagkatapos niyang gawin yon bigla nalang nag siliparan ang li-libong paniki na may matatalas na pangil at kuko, mapupula rin ang mga mata nito. Nagsiliparan sila sa ulunan ko. Itinaas ko ang mga kamay ko para itaboy sila pero patuloy parin sila sa pagsugod saakin. Ramdam ko ang hapdi sa bawat pagpunit ng aking balat gamit ang kanilang matatalas na kuko.
Nagsisigaw lang ako habang itinataboy pa rin sila.
"Ahhh" sigaw parin ako ng sigaw habang iwinawaksi ang kamay ko sa ere.
"Bes! bes!" isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Francisco na siyang dahilan para magising ako. Habol hininga na tinitigan ko siya habang hawak ang pisngi ko na sinampal niya.
"Bes sorry, sigaw ka kasi ng sigaw e. Hindi kita magising."
Inilinga ko ang mata ko at halos na nga lahat ng tao ay nakatingin sa amin. sa akin. Ang babaeng iyon sino ba talaga siya. At anong kailangan niya sa akin.
"Bes okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin at inabot sa akin ang isang bote ng tubig. Kaagad ko itong kinuha at ininom ang laman nito. Halos makalahati pa ito ng ibaba ko ang bote.
Huminga ako ng malalim saka ako tumingin kay France. "Bes yong babaeng nakita ko sa kakahuyan nong nakaraan nagpakita siya sa panaginip ko" sabi ko sa kanya at para bang naguguluhan itong tumingin sa akin.
"A-anong babae... Sino?"
Magsasalita na sana ako ng bigla akong pigilan ni Deansel na magsalita. Dinala niya kami sa isang lugar na halos walang katao-tao. Pagkatapos noon ay ikinuwento ko lahat ng nangyari sa kakahuyan maging ang panaginip ko kanina.
Natigilan silang tatlo at napatingin saakin.
"Totoo ba yan bes, grabe ah! kinikilabutan ako" komento ni France.
BINABASA MO ANG
HALIMAW ANG BOYFRiEND KO
Terror#5.. highest rank so far.. salamat sa support wala akong pakialam kung ano ka! Kung alien ka .. halimaw ...monster .. aswang o anu pa mang tawag sayo ang importante Mahal kita!" *** enjoy reading .. vote-comment-share ^^)v