Nais ko sanang kausapin si Mama kanina pag dating ko ng bahay pero wala siya malamang ay nasa trabaho pa iyon. Lakad dito, lakad doon ang ginagawa ko. Hindi ako mapakali sa kakaisip kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko kay Mama.
Maya't maya ay narinig ko ang paglagikgik ng pintuan namin indikasyon na may nag bukas noon. Marahil ay si Mama na iyon kaya nagmamadali akong bumaba para salubungin siya. Pero nanlaki ang mga mata ko ng hindi mukha ng aking ina ang nakita kundi ... kundi ..
Si Crisanta.
"Cristine" sambit niya sa pangalan ko. Iginagala niya ang paningin niya sa buong bahay namin. Kinuha niya ang isa sa mga display ni Mama ang paborito niyang vase. "Maingat talaga si Crizilda sa mga gamit" hawak niya ito at matiim na pinagmamasdan. Natatandaan ko nga na sinabi sa akin ni Mama na mas matanda pa daw ang vase na iyon kaysa sa akin. Naglalakad lakad lang siya sa loob ng bahay at pinapasadahan ng kamay ang mga gamit na madaanan niya tila sinusuri lahat ng iyon.
Nangangatog na ako sa takot pero hindi ko ito ipinapahalata sa kanya. Sa itsura pa lang niya ay kikilabutan ka na talaga. Itim lahat ng suot niya ang dress niya na sumasayad hanggang sa lupa sa sobrang haba at ang kutis niyang sobrang puti na akala mo wala ng dugo. Pati ang labi niya na para bang inubos ang isang stick ng pulang lipstick sa sobrang pula. Pati ang mata niya na napakaitim dahil sa eyeliner na nilagay niya. O sadyang iyon talaga ang itsura nila bilang sorsera. Napansin ko rin na iba ang itsura nila Akane noong nakita ko sila bilang isang sorsera.
"A-anong ginagawa mo dito?" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko para magtanong sa kanya.
Napangisi siya at bahagyang tumawa.
"Bilib din ako sa lakas ng loob mo pamangkin... Mabuti at hindi ka nag mana sa nanay mong mahina" sabi niya at pinagkadiinan ang salitang mahina.
"Anong kailangan mo?"
"Si Mark, lubayan mo siya Cristine. Dahil akin siya ...at wala ka ng magagawa para mawala ang sumpa."
Tumawa siya ng tumawa na tila ba binubuo ng libo-libong boses ang tinig niya. Umaalingawngaw sa buong paligid ang halakhak niya. Napatakip ako ng aking tenga dahil habang tumatagal ay palakas ng palakas ang tinig niya na para bang nababasag ang salamin sa tenga ko. Lumingon uli ako sakanya pero wala na siya roon.
Nilinga-linga ko ang paningin ko habang nakatakip parin ang mga kamay ko sa aking tainga para hanapin siya sa paligid pero wala siya roon at tanging boses niya lang ang naririnig ko.
Maya't maya pa ay bumukas ang pinto at niluwa noon si Mark.
"Cristine, anong nangyayari" agad na bungad nito ng makita niya ako.
Lumapit siya sa akin at agad-agad na niyakap ako.
"Nandito siya kanina, nandito siya" sabi ko sa kanya sa pagitan ng paghikbi ko.
"Sino?"
"Yung babae sa kakahuyan, nandito siya kanina.."
Naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko. Wala rin akong narinig na sagot niya, nanahimik lang siya habang yakap ako.
Itinayo niya ako at ginabayan paakyat ng hagdan pakiramdam ko ay nanghihina ako sa sobrang kaba kanina. Nilock naman ni Mark ang pinto bago kami tuluyang pumanik ng kwarto ko.
"Magpahinga ka na lang muna Cristine"
"Natatakot ako paano kung bumalik siya, Paano kung-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nalang niyang ilapat ang mga labi niya sa labi ko. Ilang ulit akong napa kurap at pinoproseso sa utak ko ang nangyayari. Mabilis na namang nag siliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko. Mabilis lang naman iyon, agad din naman niyang tinapos ang halik na iyon.
BINABASA MO ANG
HALIMAW ANG BOYFRiEND KO
Horror#5.. highest rank so far.. salamat sa support wala akong pakialam kung ano ka! Kung alien ka .. halimaw ...monster .. aswang o anu pa mang tawag sayo ang importante Mahal kita!" *** enjoy reading .. vote-comment-share ^^)v