CHAPTER 5

4.2K 194 15
                                    

Hai kay Sheena Reign Ramos .. para sayo ito .. Diko nga lang madidicate ng maayos. Hihi!

*****

Mark's POV

Pangiti-ngiti akong naglalakad pauwi saamin. At sinisipa-sipa ang maliliit na batong madaanan ko.

"Tsk nakakatawa talaga ang babaeng 'yon. Sarap asarin" wika ko sa sarili ko na nakaukit parin ang isang ngiti.

Ng bigla nalang paglapit ko sa isang malaking puno na malapit sa kalsada ay may biglang nagsalita.

"Talaga? Kaya ba palagi mo siyang sinusundan? .. Hindi naman kita dapat kakaklase diba Mark" taas kilay na tanong niya.

"Tsk! Ano ngayon sa'yo pinapakialaman ba kita? Isa pa tigilan mo na nga kakabuntot saakin. Baka mapano ka pa anong oras na Oh!" nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko ng makita ko ang pamilyar na mukha.

"Malalaman mo naman diba?" bahagya siyang tumigil at lumapit sa akin. "Kung mapapahamak na ako... Alam ko ang tungkol sayo Mark .. Alam ko lahat " sabi nito at saka ngumisi.

"Malamang alam mo .. Bumuntot ka ba naman sa akin sa buong buhay ko hindi mo pa kaya malalaman ang sikreto ko." Sabi ko sa kanya saka ko siya tinalikuran. Muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Masasaktan ka lang sa mortal na iyon!" sigaw niya. Bahagya akong tumigil sa paglalakad.

Tsk!

"Alam ko. But who knows right? Who can predict the future? .. no one.. neither you nor I .. can do it!" I told her and left.

I started walking 'till I got home.

"Successor kanina pa po nag-aantay ang lolo niyo sainyo" bungad sa akin ng isa sa mga maid namin.

"Ah ganun ba sige diretso na ako sa kanya , salamat Eva!" sabi ko sa kanya .

Ngumiti lang siya at nag bow.

Nagpunta ako sa library kung saan naroon ang office ni Lolo .. Maaga pa naman kaya sigurado ako na nandoon lang siya.

Pagdating ko doon ay hindi nga ako nagkamali.

"Lo" bungad ko sa kanya pagpasok ko

"Where have you been? Hindi mo ba alam kung anong oras na?" paninermon nito sa akin na nakaupo sa kanyang swivel chair habang nakatalikod saakin.

"I know Lo, nagpahangin lang ako sa labas and at the same time, exploring this place" sagot ko sa kanya.

"Exploring Huh?... At this hour? Gabi na hindi mo alam kung anu-ano ang masamang nagkalat d'yan sa labas? Hindi mo ba nabalitaan ang babaeng natagpuan na lamang na patay jan sa may kanto?" sabi nito saakin turning his swivel chair and now we're facing each other.

Naalala ko nga.. Ang babaeng iyon.. Ang una kong biktima dito sa bayan ng Mapayapa.

*Flashback*

Bilog ang buwan noon..

Kailangan kong kumain dahil nanghihina na ako. At kapag hindi ako kumain ay patuloy lang akong nanghihina hanggang sa mamatay ako.

"Mang Danny.. Mauna na po kayo sa bahay susunod nalang po ako."Pagpapaalam ko doon sa driver na sumundo sa akin sa Airport kanina.

"Pero successor .. hinihintay ka po ng Lolo mo sa probinsya."tugon nito sa akin.

"Mang Danny.. sige na ho kaya ko ho ang sarili ko.. O kaya kung gusto mo.. Mag check-in ka muna sa hotel tatawagan nalang kita pag uuwi na ako. May da-daanan lang akong kaibigan ako na bahala kay lolo" pagpilit ko sa kanya.

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon