Chapter 1

1.8K 54 5
                                    


I' LL REVISE THIS STORY PO FROM NOW ON, SORRY PO SA MGA SUSUNOD NA CHAPTERS NA HINDI PA MAAYOS, I HOPE YOU UNDERSTAND, THANK YOU!


Brianna's POV

Hindi ko maiwasang hindi antukin sa subject namin ngayon, pa'no ba naman kasi, ang hina-hina na nga ng boses ni ma'am, tapos parang board lang din kausap niya. Nakaka-boring, ansaya sana sa Math kung maayos lang siyang nagtuturo.

Napatingin ako sa orasan sa cellphone para tignan kung malapit na ba mag- time, pero may ilang minutes pa at hindi ugali ni Ma'am na mag-dismiss nang maaga.

"Pst! Bri!"

Napalingon ako sa gawi ni Xandra na nakakunot ang noo, alam naman niyang ayaw kong naiistorbo pag nakikinig ako, hina-hina na nga ng boses ni ma'am at ang hirap na nga intindihin, ma-didistract ka pa.

"Bakit?"

Nagmamadali niyang inextend 'yung kamay niya sakin at parang may inaabot. "Ano ba 'yan?" Hindi niya ako sinagot at pinagpipilitan nalang na abutin ko. Aabutin ko na sana nang biglang sumigaw si Ma'am Selestis.

"MS. MONTERDE!"

Nawala bigla ang antok ko at napaayos nang upo, kita ko naman na nalaglag ni Xandra ang papel na hawak niya sa sobrang taranta. Nakupo, nasabi ko na ba na nag-tatransform si ma'am kapag galit siya? Kung hindi pa, ayon.

"WHAT ARE YOU DOING?!"

Hindi muna ako sumagot dahil hiyang-hiya ako sa mga kaklase ko.

"I am asking you, Ms. Monterde!"

"I am not paying attention to your class po. I am sorry po, Ma'am."

Inangat ko ang ulo ko para tignan si Ma'am, pero nagulat ako dahil biglang nagkulay pula 'yung mata niya.

Kumunot tuloy ang noo ko habang nakatitig sa kaniya, nang mapansin niya siguro na nakatitig ako do'n ay bumalik na sa dati ang kulay nito. Namamalik-mata lang ba 'ko?

"All of you, out! Class dismissed!"

Hindi muna kami agad nagsitayuan sa mga upuan namin dahil gaya nang sabi ko kanina, bihira lang magpalabas si Ma'am nang maaga, usually kasi overtime siya or eksakto talaga sa dismissal time namin sa tapos ng klase niya. I don't know what to feel, really. Hindi ko alam kung dapat maging thankful ako na nahuli ako at ma-didismiss kami nang maaga or maguiguilty kasi dahil sakin, natigil ang klase.

"I said class dismissed!"

Nagmadali na kaming lahat na ayusin ang mga gamit namin at iniwan ang room na hindi magulo.

Nagsitinginan naman kami nila Alexandra at sumenyas na doon muna kami sa may field, wala pa namang time, may vacant pa kami ng atleast 20 minutes.

"Nice one, Bri!" I scoffed at Kristoff. Muntik pa akong matumba nang akbayan ako ni Andrei, at pinalo ko ang kamay niya dahil ginulo niya ang buhok ko.

"Ba't ka pala napagalitan kanina? Usually naman very attentive ka sa class ni Ma'am ah." I rolled my eyes at him and I looked at Alexandra.

"Si Xandra kasi 'di mapirmi. May inaabot siya sakin kanina kaso 'di ko na nakuha kasi nga nahuli kami ni Ma'am. Ano ba 'yung inaabot mo?"

"Hala ba't ako? Eh nagpapaabot lang naman 'tong si— teka 'di mo na nakuha 'yung papel? Di ko na napulot kanina kasi nakakataranta si ma'am eh," sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Bakit ano ba meron dun para pulutin ko pa? Kita mo na ngang halos umusok na ilong ni Ma'am sa galit eh. Atsaka kanino ba galing 'yon?"

"Sakin," napatingin kaming lahat kay Jeff na nag-cecellphone lang habang naka-earphones. Wow, kasama pa pala namin siya. Madalas kasi 'to may sariling mundo at tahimik lang eh, kaya nakakapanibago lagi pag nagsasalita.

"Importante ba 'yun?" tanong ko.

"Kinda," sabi niya sabay kibit-balikat.

"Need ko pa bang balikan?"

"It depends on you." Napasapo nalang ako sa noo ko. Ang nonsense talaga sumagot! Sarap batukan.

"Balikan mo na Bri, baka may importanteng sinabi 'yang mokong na 'yan at sa papel nalang dinaan, pipi kasi eh." Nagsitawanan naman sila sa sinabi ni Kristoff. Hay nako parang mga bata nanaman.

"Sige sige, intay niyo nalang ako sa may hallway papuntang English, baka pag binalikan ko pa kayo rito ma-late pa tayo eh." Tumango nalang sila at tumalikod na ako.

Ewan ko ba bakit feeling ko napaka-importante nung papel na pinapaabot ni Jeff. Usually kasi hindi naman talaga siya ganon. Pag may gusto siyang sabihin, sinasabi niya nang deretsahan kahit na sobrang bihira lang siya magsalita. Pero para idaan sa papel?

Napabuntong-hininga na lang ako at humarap sa pintuan ni Ma'am Selestis. Galit pa rin kaya si Ma'am? Dibale na nga, kukuhain ko lang naman 'yung papel. Gagawa nalang ako nang kung anong excuse.

Huminga ako nang malalim at handa na sanang kumatok sa pintuan ni Ma'am, kaso bigla akong napatigil.

Nagsitaasan bigla ang mga balahibo ko at bigla akong nilamig. Ewan ko kung talagang sa hangin lang 'to o sa lamig ng aircon ni Ma'am sa loob, but I have been encountering this strange feeling over and over again. Isinawalambahala ko nalang dahil baka sa kaba ko lang, pero may bigla akong narinig,

"Puntahan mo 'ko ngayon dito sa classroom ko, mukhang nahanap ko na sila."

I frozed as I stare at the door for God knows how long. Bakit masama ang kutob ko rito?

****

Acadamia HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon