Andrei's POV
Tahimik kong pinagmasdan sila Jeff at Kathrina, wala rin naman nagtangkang makisabat samin. Ang alam ko lang sa ngayon, baka masagot lahat ng katanungan namin dahil sa librong na kay Kathrina.
"May alam ka ba dito, Jeff?" Takang tanong ni Kathrina.
"Wala," simple niyang sagot pero 'di ako kumbinsido. Minsan gusto ko nalang talaga siyang sapakin, napaka-misteryoso niya kasi. Parang ayaw niyang malaman namin 'yung mga nalalaman niya. At nakakainis lang kasi parang 'di kaibigan 'yung turing niya samin.
"So, what about that book?" Basag ni Kristoff sa katahimikan namin.
Lumingon-lingon si Kathrina sa gilid na parang kinakabahan o ano.
"I don't think that this is the right place to talk about something like this," umiiling na sabi niya.
"Bakit?"
"I think I just read some prophecy and---"
"Fuck, let's get out of here!" Agad na tumayo si Jefferson kaya napatayo nalang din kami.
"Bakit? Ano ba talagang nangyayari? Bakit ba ayaw niyong sabihin samin?!" Inis na tanong ni Shine. Magsasalita na sana ako nang bigla akong may nakitang scenario, at nakumpirma ko ang ilang araw ko nang pinagdududahan.
Ngayon alam kong hindi nga ako nananaginip, I can literally see kung anong mangyayari- I can literally see the future.
"The kids are at the library, make sure na makuha niyo sila nang walang nakakahalata okay?"
"Okay, ma'am."
"But what if they ask some questions?"
"Then use your ability. Let's go, mukhang nagkakaron na sila ng idea kung anong gagawin natin."
"Andrei?! Are you okay?!"
Napabalik ako sa realidad at napahawak sa table dahil sa panghihina.
"We need to get o-out of here, now!" Natatakot kong sambit sa kanila, hindi naman na sila nagtanong ng kung ano pa, at kumaripas na kami ng takbo palabas ng library habang bitbit ang mga librong nakita namin. Based on my own calculations, lahat ng nakikita ko na mangyayari o kahit anong imahe, mangyayare after 5 minutes. So we still have some time to escape.
"Sandali lang! You need to sign this before you can borrow the book!"
Hindi na namin nilingon ang librarian at dire-diretso lang kaming natakbo patungo sa dulo ng hallway, kung saan nandoon ang hagdan pababa.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko at alam kong malapit na nila kaming mahanap. Nakababa kami sa hagdan nang mabilisan, halos di ko na maramdaman ang mga baitang na tinatapakan ko. All I know is we need to escape, we need to get out of here immediately.
Nakarating na kami ng field at halos walang gustong magpahinga, nakakabangga na kami ng ilang students pero wala na kaming oras para mag-sorry pa.
"C-Care to explain what is this a-all about?!" Hinihingal na tanong ni Alexandra.
"Anong prank nanaman ba 'to, Andrei?" Sasagot na sana ako nang biglang sumigaw si Jeff.
"We have no time to chitchat here! Mamaya na tayo mag usap-usap!" Kung wala lang siguro kaming tinatakasan ngayon, baka naasar ko na 'to si Jeff at nag-celebrate na kami dahil sa sinabi niya.
"Where did you park the van ba?! Swear to God if this is some sick games of yours---"
"Sa may gilid ng school gate!" Sigaw ko kay Shine. Dami pang satsat eh. Kung pwede nga lang na nagbibiro ako kaso hindi. I really have a bad feeling about this even though hindi ko alam kung anong dahilan nila Ma'am Selestis. At mas lalong hindi ko alam kung paano kami makakalabas nang hindi hinaharang ng guard pero bahala na.
BINABASA MO ANG
Acadamia High
Viễn tưởngThey say that money can change everything, that it can change you as a person and as a human being, that you can buy a person by giving them a large amount of money. Money is the most powerful weapon you'll ever have in the real world, but have you...