Chapter 29

499 15 5
                                    

Brianna's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung makarating kami dito sa kingdom, ngayon na ang pangatlong beses ng training namin kasama ang mga tauhan ni Sir George. Marami na rin kaming mga natutunan na techniques, may mga physical attacks din na tinuro samin para hindi lang daw kami nakadepende sa powers namin. Kadalasan sa umaga kami nag-eensayo ng mga may kinalaman sa physical strengths namin.

Halos nagawa na namin lahat ng types ng activity, aerobic, muscle-strengthening, bone-strengthening, and stretching.

"Bri, tara na?" yaya sakin ni Kath. Tumango ako at sabay na kaming umalis. Naka simpleng tshirt lang ako na white at nakajogging pants, simpleng rubber shoes lang din ang suot ko.

Ang mga kwarto dito ay halos parehas lang talaga sa kwarto namin noon sa mortal world, kung ano rin mga kailangan o gusto namin, binibigay agad. May mga bago na rin pala kaming cellphones na katulad parin nung dati, diba nga kasi nasunog yung training field namin sa mortal world kaya ayun. Sabi naman ni ma'am mababalik yung mga gamit na nandun kapag hiniling namin sa bell.

"Argh, ansakit pa ng katawan ko dahil sa rock- climbing nung isang araw." Sambit ni Kathrina habag nag-uunat unat. Monday at Friday kasi ang training namin, kaya talagang yung ginawa namin ng Friday, fresh pa pag Monday, tapos sasamahan pa ng physical training naming sa umaga kaya nakakapagod talaga, pero mas maganda na daw 'yun sabi ng trainors namin para masanay yung mga katawan namin.

"Gusto mo massage uli kita mamaya?" Masigla kong sabi kay Kath. Agad naman siyang napangiti at napatigil sa pag-uunat.

"Talaga?" tumango ako

"WAAAA I LOVE YOUU BRIII THE BEST KA TALAGA HUHUHU,"

"Ano yan ha, bakit si kath lang? Ako din bri," naka-pout na sabi ni Alex. Natawa naman ako.

"Sige na ikaw na din."

Pagkapasok namin sa training room ay nagsasalita na si Sir George.

"This afternoon, we will focus on your main element dahil master niyo naman na ang mga ability niyo. We want to see how will you defend yourself with the enough amount of energy and control." Inabot na ni Ma'am Cardosa ang mga vest. gloves, at iba pang sinusuot namin pag nagttraining kami.

"Have fun kids,"

Pagkasuot namin sa mga vest naming ay humilera na kami sa gitna. Pumwesto na rin ang mga tauhan nila Sir at ang ilang mga creatures na kontrolado nila.

"Begin,"

--

Third Person's POV

"Sa tingin mo ba mapapalabas ni Andrei ang dark power niya?" Inobserbahan ni George ang bawat pag-atake ni Andrei sa creature na umaatake sa kaniya.

"We'll see, we have to know."

Kita sa mga mata ng tauhan ni George na namamangha sila sa mga batang inaatake nila ngayon, malaki na ang naging improvement ng mga 'to kumpara sa simula nila itong makita.

Mas lalo silang natutuwa dahil napagsasama ng mga bata ang physical at ang magical attacks nila.

Si Alex, master na master niya na ang iceball at sinasamahan pa ito nang parang bomba sa loob, kapag nakakarating ito sa kalaban niya ay na-ffreeze ito for 2 minutes kaya ginagamitan niya ito ng physical attack habang naka-freeze pa sila.

Si Kathrina naman ay ginagamit ang kapangyarihan niya sa pag-aabsorb ng tubig sa katawan ng kalaban niya, gumagamit rin siya ng waterball at sunod-sunod na pinapatama sa mga kalaban niya para mawalan sila ng balanse.

Si Shine ay gumagawa ng maliliit na air tornadoes at ipinapatama ito sa mga kalaban niya. Ginagamit niya rin ito upang tanggalin ang mga hangin sa katawan ng nakakalaban niya.

Acadamia HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon