Alexandraʼs POV
Pagkaalis ni Sir George kanina ay halos hindi kami nagkita-kita ng mga kaibigan ko. Sinamahan ko lang si Bri dahil alam kong mabigat pa ang pakiramdam niya. Halos wala 'ring nagsalita at nag-usap sa hapagkainan kanina at ewan ko kung nahalata ni Ma'am Cardosa, pero buti nalang at hindi na siya nagtanong. Pagkatapos ay nag kaniya-kaniya na kami. Gusto ko pa sana samahan si Bri kaso gusto daw muna niya mapag-isa.
Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin para maibsan ang hirap na nararamdaman ni Bri at Kathrina. I feel like I am a useless friend. Gusto kong magalit kay Kathrina because of what happened yesterday. Pero kasi somehow gets ko rin naman feelings niya. Alam niyo 'yun, ang hirap lang.
Kasalukuyan akong nandito sa may taas ng palasyo tinatanaw ko lang si Bri na nakaupo sa may garden kasama si Frosty. Ni hindi ko pa siya nakakamusta tungkol sa kanila ni Sir George. Ni hindi ko pa siya nakakamusta kung anong nararamdaman niya nung malaman niya na siya si Acadamia, puro nalang kasi tungkol kila Andrei, kila Kath, ang pinoproblema niya. Dahil sa kanila nakalimutan na niya ata problemahin ang sarili niyang problema.
"Anong ginagawa mo dito?" napalingon ako kay Kristoff na napaakyat din.
"Humahanap ng gwapo," natawa siya.
"Ang galing ko naman, ako pa ang humanap sayo," tinignan ko siya na parang nandidiri.
"Duh? Gwapo ka ba?"
"Suuus," tumabi siya sakin at tumingin nalang din sa kung saan.
"Kamusta si Bri?" nginuso ko kung nasaan si Bri at bumuntong hininga.
"Ikaw kasi walang preno bibig mo eh," sabi niya sakin.
"Duh? Mas okay na nga na nalaman ni Bri na may nangyari kay Kathrina at Andrei eh," napakamot siya sa ulo niya.
"Ikaw nga rin diyan nadulas ka kay Andrei!"
"Eh atleast nakatulong naman 'yun sa kaniya, nalinawan siya na di siya hiniwalayan ni Bri kasi gusto lang niya. Eh ikaw? Lalo mo lang atang sinaktan si Bri eh," Napaisip ako sa sinabi niya.
"Jusko puro nalang tayo Bri at Andrei, maiba nga ako, anong kulay ng tae mo? Sakin kasi kanina brown tapos medyo may —-"
"Ano ba 'yan! Kadiri ampota!" Lumayo ako sa kaniya konti pero lumapit ulit siya sakin.
"Joke lang eh, pero eto, may napapansin ka ba kay Shine?" kumunot ang noo ko.
"Bukod sa inggitera siya wala naman na, bakit?"
"You sure?" tumango ako.
"Lately kasi parang lagi siyang may kausap sa phone, pero hindi ko naman naririnig. Tapos parang hindi na rin siya ganun sumasama, lalo na kay Jeff, which is so surprising kasi alam mo naman 'yun, bukambibig Jeff at gusto laging nakadikit sa kaniya. Tas napapansin ko ngayon, mas gusto niya nalang mapag-isa. Ewan ko, wala lang, malakas kasi pakiramdam mo diba, so baka ayun."
"Baka naman natauhan lang sa kagagahan niya," nagkibit-balikat si Andrei.
"Siguro,"
Tumahimik muna kami ng ilang minuto at bigla uli siyang nagsalita.
"Grabe 'no, andami na nangyari sa buhay natin simula nung malaman natin na may nga powers pala tayo HAHAHAHAHA," napatango ako.
"Pero sana nga bumalik na lahat sa dati, miss ko na mga kaibigan natin. Parang ang hirap makita na hindi na kayo ganun nag-aasaran nila Jeff. 'Yung tipong kahit anong ginagawa natin may masisingit kayo na pang-asar ni Andrei kay Jeff. Tapos kami aasarin lang si Shine." Nakangiti kong sabi.
"Tapos magmomovie marathon tayo, tapos matutulog ng sama-sama," muntik pa akong maiyak nang maalala ko kung gaano kami ka-close sa isaʼt-isa dati.
"Edi ibalik natin, kaya naman eh." nagkibit-balikat ako.
BINABASA MO ANG
Acadamia High
FantasyThey say that money can change everything, that it can change you as a person and as a human being, that you can buy a person by giving them a large amount of money. Money is the most powerful weapon you'll ever have in the real world, but have you...