Chapter 31

481 13 1
                                    

Alexandra's POV

"Eto kita niyo ba dito?"

Nandito kami ngayon sa may open area na sinasabi ni Andrei kung saan gusto niya maganap yung pag-coconfess niya kay bri. Tulog pa si bri kaya nakahanap kami ng chance na lumabas lahat nang hindi niya nahahalata. 6am palang kasi.

Na-eexcite na ako na naiiyak for bri, sabi ko na nga ba may gusto rin si Andrei sa kaniya eh, kyaaaaaa ano kaya mangyayari kapag nasurprise na namin si bri?!

"Plano ko sana, diba doon," tinuro niya ang dinaanan namin kanina. "Pagkarating niya dun mag-iistart na umilaw yung mga dadaanan niya, with the help of Alex sa ice power niya." Tumango- tango ako at nag-thumbs up. Kung napanuod niyo na 'yung frozen, diba umiilaw yung natatapakan ni elsa habang nagawa siya ng castle niya? Ganon!

"Then mag-eend yun sa pabilog na flower churva na i-aassemble ng chikababes ni Kristoff." Napairap ako nang makita ang malanding mukha nung babae na nakaakap pa kay Kristoff. Duh, ginagamit lang siya niyan no.

"Tapos, dito nakapwesto 'yung grand piano, kapag tumugtog ako, may parang spotlight na tatapat sakin, tapos sa pangalawang stanza na babanggitin ko, dun na papasok si Kath at Kris na sasayaw," tumango lang sila Kath.

"Then sasabay na si Jeff at Alex pag malapit na sa chorus," AAAAA NA-EEXCITE NA TALAGA AKO!

"Tapos siguro after ilang lines or what, susuot ni Kristoff sa kaniya yung ring na weapon niya kay bri, tapos pag napunta siya sa illusion puro memories lang namin 'yung magfflash ganun."

"Tapos after that, pag nawala na yung bisa ng singsing, ayun atsaka na ako lalapit kay bri at magcoconfess, tatanungin ko na rin siya kung pwede ko ba siya maging girlfriend," nakangiting sabi niya.

"AAAAAA KILIGG!" Sigaw ko.

"Pwede ba kami manuod pre?" Medyo natatawa na sabi ni Kristoff.

"Para pwede ka naming maasar pag binusted ka HAHAHAHAHAH,"

"Raulo! HAHAHAHAHA, pwede naman, pero siguro wag nalang kayo magpakita muna kay bri kasi panigurado mahihiya yun at ayoko rin siya ma-pressure dahil lang maraming nakatingin o nanunuod samin. Kaya siguro after nalang. Kung sagutin man ako o hindi, atsaka na kayo magpakita." Pumalakpak ako, "Perfect!"

---

Shine's POV

Pagkatapos mag-explain ni Andrei ng plano niya kay bri ay nagsibalikan na kami sa palasyo. Kita ko naman na dumiretso ulit ng garden si Jeff kaya sinundan ko siya. Nakaupo lang siya sa may bench at pinaglalaruan ang element niya sa kamay niya. Agad akong tumabi sa kaniya at nagsalita.

"I know that you like her," hindi niya ako pinansin at inisnob na parang hangin lang.

"Why? Of all people, why her?" medyo inis na sabi ko.

"And why not?" napangiti ako ng sarkastiko sa sagot niya.

"She doesn't deserve you! She's so selfish! Hindi niya iniintindi ang nararamdaman ng mga nakapaligid sa kaniya. Look at you! Look at Kath! Do you think that you guys deserve that kind of pain?"

"And sinong deserving sakin?" medyo humina ang boses ko at tumingin sa kaniya.

"Someone who will love you with all of their heart! Someone na hindi ka hahayaang masaktan because of a stupid nonsense actions! Someone who will stay at your worst and best! Someone who will accept you, someone who will give her best to make you happy," tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko at napahikbi.

"S-Someone like m-me!" tumingin siya sakin at nginisian ako.

"Someone like you?" hindi ako nakapagsalita dahil nasaktan ako sa way ng pagkakasabi niya.

"I will never like you. Baka lahat ng sinasabi mo kay bri, pinapatama mo sa sarili mo? Do you really want to know why I love her?" hindi ako sumagot.

"She's kind, she's sweet, she's loving, she's simple, lagi niyang inuuna ang iba kaysa sa sarili niya, she's caring, and she's a good friend." Halos hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko sa mata ko.

"She makes me feel things that I haven't felt before. She makes me happy with her little gestures and smile, because she have a genuine heart." Tinitigan niya ako ng seryoso.

"Kaya don't say those kind of words to her kasi hindi siya ganung tao, if you want someone to love you, you should learn how set aside those insecurities and focus on yourself. Wag mong siraan ang iba para mapabuti image mo, look at yourself, you look miserable because you always put the blame on others," pinunasan ko ang mga luha ko at halos hikbi nalang ang masagot ko sa kaniya.

"I'm sorry shine, I didn't want to say these words to you, but you need to hear it, and i'm sorry if I can't love you back. I am certain that she's the one that I'll love for the rest of my life, hindi na mawawala 'yun kahit na hindi ako ang kasama niya.

"You need to learn how to accept and let go of things, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo." Tumayo siya at maglalakad na sana pero niyakap ko ang braso niya.

"B-Bakit hindi nalang ako? Ako nalang, Jeff. I promise that I'll do anything, p-please. I p-promise that I'll love you more than she c-can,"

"Don't beg someone to love you, darating din ang panahon na makakahanap ka ng taong magmamahal sayo. Maawa ka sa sarili mo," pwersahan niyang tinanggal ang mga kamay kong nakahawak sa braso niya at pumasok na sa palasyo.

Iniyukom ko ang kamao ko at mas lalong nagalit kay Bri. This is her fault, kung hindi sana siya pumasok sa buhay namin hindi nagkanda-letse letse ang lahat.

"Need help?" Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko ang mga matang nakatitig sakin na nanggaling sa likod ng mga puno. Hindi ko masiyado maaninag ang itsura niya dahil medyo nahaharangan ang liwanag sa kinatatayuan niya.

"hindi totoong hindi mo makukuha lahat ng gusto mo, kailangan mo lang ng kaunting effort to make that happen," imbis na matakot ako ay pinakinggan ko lang siya.

"Just call me if you're ready to make that effort,"

Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang mawala sa paningin ko at tanging kapirasong papel ang naiwan sa may paanan ko.

Le pouvoir obscur.

--

George's POV

Habang naglalakbay kami ni Cardosa, hindi ko maiwasan na hindi maisip si Brianna. Ayokong umasa na siya ang nawawala kong anak, pero merong parte sakin na nagsasabi na siya ang anak ko.

"Wag ka mag-alala, George. Malalaman rin natin kung siya nga si Acadamia." Tumango ako at bumuntong-hininga.

Nabaling ang atensyon ko sa isang ibon na paparating samin, may sulat na nakalagay sa leeg nito. Dumapo ito sa kamay ni cardosa at umalis rin agad pagkakuha niya sa sulat.

"Sa tingin mo nahanap na nila si Helena?" nag-aalalang tanong ko. Binuklat niya na ang papel at mas kinabahan ako sa ekspresyon ng mukha niya.

"N-Nasa dark kingdom si Helena, hawak siya ni A-Agma." Kinuha ko ang sulat sa kaniya at binasa.

Hindi namin alam kung makakaligtas kami kapag sinugod namin ang dungeon kung saan nakakulong si Helena, ipinadala ko itong sulat sa inyo para malaman niyo na nahanap na namin siya dito sa dark kingdom, kapag hindi kami nakabalik matapos ang tatlong araw, hindi kami nagtagumpay makaalis dito.

-Richard

****

Acadamia HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon