Kathrina's POV
I am not a fan of supernatural things. Hindi ako naniniwala don because my mother told me that those things doesn't exist. They are just some fantasies that makes our life colorful and fun, but it is not real. Pero ano 'to? Ano 'tong mga na-wiwitness ko ngayon?
Gusto kong isipin na nananaginip lang ako, kami. Pero ramdam na ramdam ko kanina ang mga sugat na natamo namin sa mga kung anu-anong pinagbababato samin nila Ma'am Selestis. Those things aren't normal! Black ball? Blades? Daggers? And worse, an arrow that is made of spikes?
Kung trippings lang lahat ng 'to, masiyado namang pinaggastusan at pinaghandaan? Ano bang movie ang shinushoot namin ngayon? Di ata kami na-inform?
"We're here," napatingin ako sa bintana at puro damuhan ang nakikita ko, may mga punong halos tuyot na at 'yung iba naman ay sobrang buhay pa. Medyo madilim din dito dahil napapaligiran kami halos ng mga puno at damuhan, pero bakit parang familiar?
Lumabas na kami sa sasakyan ni ma'am, nilibot ko ang paningin ko sa paligid at hindi ko maiwasang hindi mamangha. Grabe, parang nasa ibang part kami ng mundo, parang sobrang magic—ano ba 'tong pinagsasasabi ko jusko.
"This way kids," sumunod naman kami kung saan papunta sila sir. Parang familiar talaga 'to eh, parang napuntahan ko na o nakita ko na. But I am not sure.
"Ah, eto pala 'yun." Napatingin ako kay Alexandra na tumatango-tango habang nakatingin sa mga puno. Alam niya kaya kung saan 'to?
"Saan tayo bhie?" Nagtataka kong tanong.
"Sa Acadamia High,"
"Ha? Pano mo naman nasabi?"
"Maya pakita ko sayo, pag nakarating na tayo sa pupuntahan natin."
Nagkibit-balikat nalang ako at nilibot na ulit ang paningin ko. Kaya pala parang familiar, eto siguro 'yung sinasabi ng mama ni Andrei na pinagbabawal na puntahan. Pero bakit kami dito dinala ni Sir? Safe ba kami dito? Atsaka ang laki pala talaga ng school namin,daming tinatago amputek.
"Pre wag mo ko iiwan ha, baka may ahas dito eh, hehe," Natatawa kong tinignan si Andrei at Kristoff na magkahawak.
"Ano ba, anduwag mo naman kris, laki laki mong tao eh!"
"May gagamba sa ulo mo drei!"
"Ha?! Saan?! AAAAAA!"
"HAHAHAHAHAHAHA AKO PA DUWAG HA,"
"GAG— PAG NAABUTAN KITA PATAY KA SAKIN!"
"Jeff oh!"
Nakangiti ko lang silang pinagmamasdan. Buti nalang sama-sama parin kami hanggang ngayon. Hindi ko alam kung anong mangyayari samin sa mga susunod na araw, pero as long as magkakasama kami, alam ko namang malalampasan namin kahit na ano pang obstacle 'yan.
"Andito na tayo,"
Pinasadahan ko ng tingin ang building na nasa harapan namin. Mukha na siyang luma at abandonado. Shet, kaya ba bawal kami pumunta dito kasi may mga deadly creatures?
"Sure po kayo, sir? Mukhang 'di po tayo safe dito eh." Natatawang sambit ni Shine.
"Just watch,"
Lumapit si Ma'am Cardosa sa parang halaman na nasa tabi ng abandonadong building, basta para siyang nasa paso na ewan, tapos sobrang lago na ng leaves niya. Inislide ni ma'am ang mga kamay niya sa mga leaves tapos para siyang may pattern sa paghawak. Hindi ko naman na nakabisado dahil wala akong pake, gusto ko nalang umupo at magpahinga ulit argh.
"Wow,"
Napanganga ako nang makitang nagbago ang itsura ng building na kanina ay mukhang luma at bulok na. Napalitan ang bintana nito ng mga glass windows, tapos naging puti ang mga walls at halos kuminang na ito sa sobrang linis. Anong klaseng building 'to?
BINABASA MO ANG
Acadamia High
FantasiaThey say that money can change everything, that it can change you as a person and as a human being, that you can buy a person by giving them a large amount of money. Money is the most powerful weapon you'll ever have in the real world, but have you...